top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | January 29, 2026



WINNER - “SOME THINGS YOU HAVE TO LET GO, FOR YOU TO GROW” - KIM _FB Kim Chiu

Photo: FB Kim Chiu



Gustong maiyak ni Kim Chiu sa tagumpay ng kanyang closet bazaar. Maaga pa lang ay sumugod na sa venue ang mga fans. Kaya bago pa man magbukas, napakahaba na ng pila.


Pagdating ng hapon, ubos na raw agad ang mga panindang damit ni Kim.

Post ni Kim sa X (dating Twitter), “I wanna cry na talaga. Maraming salamat po for all the love and support.”


Trending agad sa social media ang pa-bazaar ng Chinita Princess.

Sey ng mga netizens…


“‘Yung 10 AM to 8 PM na closet bazaar ni Kim, naging 10 AM to 4 PM. Ang bilis naubos. Paano kaya ulit bukas? Baka 12 MN, may pila na.”

“Overwhelming support for Kimmy, always and in all ways.”


“The sentimental value of those clothes, the story of the moment while she wore it. Letting fans own a piece of what holds value is a lovely way to share memories.”


Ini-repost ni Kim ang comment ng netizen tungkol sa sentimental value ng kanyang mga damit na tila may hugot ang It’s Showtime (IS) host.


Sey ni Kim, “Me too, but some things you have to let go, for you to grow. Hahaha! Char. Eme lang!”


Talaga ba, Kim?



Ipinagsigawan sa socmed…

ANDREA, NAMI-MISS NA RAW NG DYOWA



NA-MISS agad si Andrea Brillantes ng rumored boyfriend niya na si Franchesko Juan ‘Pankie’ Capistrano.


Nag-comment ang binata sa Instagram (IG) post ng aktres kahapon.


Kasalukuyang nasa Prague si Andrea at nagsu-shooting ng series nila ni Enrique Gil titled A Secret in Prague (ASIP). Dahil sa role ni Andrea sa series nila ni Quen kaya siya nagpa-blonde ng buhok.


Sa latest IG post ni Andrea ay binalikan niya ang nakaraang hitsura niya bago nagpakulay ng buhok.


Caption ni Andrea: “Last dump post for my brunette hair before we forget about her (heart emoji).”


Kita agad ng mga netizens ang reaksiyon ni Pankie sa post ni Andrea.

“I miss you,” sey ni Pankie.


Todo-kilig naman ang mga faney ni Andrea sa comment ni Pankie.

Sey ng mga nakakita ng comment:

“Tamis!”


“Ramdam ang lumbay #relate.”


“Grabe ang pangungulila.”

Kabog!


 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 6, 2024



Showbiz News


Ang daming na-touch at naiyak sa napakamadamdaming mensahe ni Elisse Joson para sa kanyang partner na si McCoy de Leon.


Sa latest Instagram post kasi ng aktres ay inisa-isa niya ang magagandang katangian ng ama ng kanyang anak kalakip ang mga larawan ng mga sweet moments nilang mag-anak.


Simula ng post ni Elisse, “Not everyone will understand how good of a person you are, how soft of a man you are, how you managed to become a father in your 20s, how freedom was taken from you in your prime, how you're still finding yourself, how hard you're trying to be the best partner for me, how hard you're working to provide for us, how you're learning to become a family man, how you still do your best to be a brother and a son all at the same time.”


Binanggit din ng aktres ang mga sakripisyo ni McCoy sa kanya. 


Hindi nakikita ng lahat na sinasabayan mo 'ko sa lahat ng trip ko, na pinag-iisa mo ang ating dalawang mundo, na inaaral mo ako, na nag-a-adjust ka at nagbabago araw-araw, na tinuturuan mo 'ko lagi “mas” maging better, na mawalan ka na sa pansarili para maibigay mo lang sa iba, na malalim ang pinanggagalingan mo, na tayo ay dalawang tao na patuloy pa ring lumalaki, lumalago, natututo, lalo sa pagiging magulang, na ako ay pinoprotektahan mo hanggang huli, na tayo ay nagkakamali, na ikaw ay nagkamali, na ako’y nagkamali,” saad ni Elisse.


“At hindi lahat pare-pareho ng pamamaraan ng paghilom ng mga sugat. Sometimes we don’t even know how to take away the pain. I’m sorry I put you through this. Heal.


“Don't put him in a category. Don’t put him in a box, he's a person. Not any label or description you put him into. A person worthy of being known for himself as a whole. Not his past, not his mistakes, not whatever you see him as McCoy. Just “McCoy”, a human being just like you.


“But for me and Felize, he is our strength. He is our family, he is what Felize has,” patuloy pa ni Elisse.


Mensahe pa niya sa nobyo, “McCoy ko, these pictures are not enough. But I hope these moments remind you of the people that matter, we see you, we hear you, we appreciate you.” 


Sa comment section ay kani-kanyang komento ang mga netizens at kapwa-celebrities ni Elisse. Maraming nagsabing naiyak daw sila’t naka-relate sa aktres.


Komento ni Jolina Magdangal, “I feel you, Elisse.”


Sabi naman ni Melai Cantiveros, “Super nakakaiyak naman ito, I’m sure umiiyak ka, Elisse, habang nagta-type nito. Hayaan mo ang mga ‘di nakakaintindi sa mga asawa natin, Elise, #relate. Ang importante, tayo ang makakaintindi sa kanila and kahit tayo lang, sapat na.”


Kami naman ay na-curious at napaisip kung may matindi bang pinagdaraanan ngayon si McCoy o ‘di kaya’y ang kanilang relasyon para mag-post nang ganito si Elisse.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page