ni Nitz Miralles - @Bida | July 9, 2022

“Pure evil” ang itinawag ni Janno Gibbs sa nag-post na pinagkumpara ang Marcos family at Aquino family at may larawan pa ni Kris Aquino na payat at may sakit at larawan ng Marcos family noong inauguration ni President Bongbong Marcos. Tapos, may caption pang “Magtataka ka pa ba?”
“How can @Facebook allow this account to continue doing this. To suggest that Kris Aquino is sick as a family curse and seemingly deserves it is just Pure Evil. No other words to describe. And the language. This coming from a lawyer. Is this the Filipino today? #pureevil.”
Sa nagtanong kay Janno kung ano ang masama sa wordings, ang sagot niya, “'Magtataka ka pa ba?' Tapos, patay lahat ng Aquino. Si Kris, may malubhang sakit. Walang masama?”
Kasunod nito ang post ni Janno na nag-sorry sa mga followers niya na nagsabing puro social at political ang posts niya lately. This July daw ay magiging busy na siya uli sa showbiz dahil may gagawing movie at may new song.
Nag-react lang siya dahil nakalulungkot ang nangyayari sa bansa. Ibabalik din niya ang good vibes post niya.

