ni Nitz Miralles - @Bida | March 12, 2022

Umalma si Ai Ai delas Alas sa lumabas sa isang website na may banner na “Mga Artista, Nagsuot ng Pink Para Ipakita ang Suporta kay Leni Robredo.”
Kasama ni Ai Ai sa picture sina Sharon Cuneta, Pokwang, Rica Peralejo at Anne Curtis na pink nga ang mga suot na damit.
Ipinost ni Ai Ai ang news item at nilagyan ng “Fake News” at may caption na: “Utang na loob, NANANAHIMIK AKO 'wag n'yo akong masali-sali sa mga ganito. Tahimik buhay ko, lahat na lang, huy!!! Tanging ina ko pa picture 'yan, tanging ina kung sino ka man na gumagawa ng mga ganitong ka-cheap-an... pls. hindi po ako VP LENI supporter. #panahonpanimatusalempicturenayan #iwantpeace #iwantunity #silenceisdeadly.”
Hindi binanggit ni Ai Ai kung sino ang presidentiable niya, pero sa post niyang ito, may mga sumang-ayon sa kanya na respetuhin ang choice ng bawat isa.
Pati si Randy Santiago na nag-comment lang naman by posting red heart and green emojis, inulan na ng bashing. Dinedma sila ni Randy, wala itong sinagot sa mga umaway at sinabing laos na siya.
Hindi rin puwedeng sabihang laos si Ai Ai dahil masigla ang career nito and in fact, nasa locked-in taping ito ng Raising Mamay ng GMA-7 kung saan bida siya at title roler pa.

