HIRIT NG NETIZEN: AGOT, PAGSABIHAN DIN SI SHARON, 'WAG LANG SI JINKEE
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 11, 2020
Umiinit ang isyu sa pagitan nina Agot Isidro at Jinkee Pacquiao na nagsimula sa patutsada ng magaling na aktres tungkol sa pagiging insensitive raw ni Mrs. Pacquiao dahil sa pagpo-post ng kanilang Hermes bikes ngayong panahon ng pandemya.
Komento ni Agot, “Alam namin na marami kayong pera. At kung ano ang gusto ninyong gawin sa pera na 'yun, wala kaming pakialam.
“Pero marami rin ang walang trabaho at nagkukumahog humanap ng pera para may mapakain sa kanilang pamilya. Puwede ba konting sensitivity man lang. #nouveau”
Marami ang naghintay sa reaksiyon ni Jinkee sa sinabi ng aktres. Kahapon (July 10), may ibinahaging passage sa kanyang Instagram Story si Jinkee. Isang portion sa scripture ang ganito ang nakalagay: “Do Not Judge Others.”
Sabi ng netizens, malamang ay 'yun ang sagot ni Jinkee sa pasaring ni Agot.
Samantala, nauna nang sumagot ang manager ni Sen. Manny Pacquiao na si Arnold L. Vegafria kung saan tinanong pa niya ng "What’s your issue, Agot?" ang Kapamilya actress.
Depensa ni ALV, “The Pacquiaos have worked hard over the past decades to achieve their current standing in society, and despite their status, they have remained humble, low-key and generous to whoever asks for their help.”
Hindi natinag si Agot at muling inulit ang una niyang sinabi na wala siyang pakialam kung saan ginagastos ng mga Pacquiao ang kaperahan nila. Alam naman daw niya na marami silang natulungan.
“Ang sa amin lang, kelangan pa ba naming makita 'yan sa gitna ng paghihirap na dinaranas ng nakararami?”
Sinabi pa ng aktres na iba ang sensitivity sa accountability.
Dagdag din niya, sa "nouveau" raw pala na-trigger ang kampo ni Jinkee at hindi sa sinabi niyang "insensitive".
“Ok. Noted po (last na ito),” huling post ni Agot.
Narito ang mga komento ng ilang netizens…
“Jinkee is not humble, her posts about the luxury item she buys is a contradiction to the statement, but what she does with her money is none of our business. I still admire the lady and her family for all the help they’ve done to others. 'Wag na kasing pansinin ang mga posts niya, pera naman nila 'yun.”
Nakakatawa naman ang komento ng isang commenter, “Baka asar si Agot kasi 'di pala marunong mag-bike si Jinkee?”
“This issue has many sides. Una, kay Jinkee, wala naman say kahit sino except her husband kung ano inilalabas niya sa ig niya. Jinkee is not humble. Kung meron ba naman siya ng humility, eh, di hindi niya ipo-post 'yung luxury items niya. May pagka-insensitive rin siya kasi totoo naman 'yun na maraming naghihirap. But still, it's her money so out of line si Agot in calling her out kahit na may point siya. Si Agot naman, kung nouveau si Jinkee, siya naman, rude na pakialamera. Pareho silang kairita!"
May isa namang nag-comment na pagsabihan din daw niya ang kaibigang si Sharon Cuneta.
“Agot, 'di ba, friend mo rin si Shawie? Aba, eh, sitahin mo rin po ang lola mo at ke yabang-yabang, mas mayabang sa "noveau" na sinasabi mo.”
‘Yun na!