ni Beth Gelena - @Bulgary Files | February 22, 2022

Dahil nakasama siya nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino sa katatapos lang na teleseryeng Marry Me, Marry You, natanong tuloy si Jake Ejercito kung may relasyon na nga ba ang dalawa.
Tikom naman ang bibig ni Jake at never na ipinagkanulo sina Janine at Paulo.
“Siyempre, everyone deserves to be happy. So, kung mahanap nila 'yung happiness sa isa’t isa, why not, 'di ba?” ang sagot ni Jake sa mga press people na nagtatanong.
Hindi raw siya ang dapat sumagot dahil personal na raw 'yun nina Paulo at Janine.
“Nagtutuksuhan silang dalawa, tinutukso rin namin sila. It’s for them to answer that,” nakangiting sagot nito.
Samantala, muling naispatan sina Paulo at Janine sa Palawan kung saan nakasakay sa bangka ang dalawa kasama ang ilang katropa.
Ang nag-post ng larawan ay may user name na @techiesantos.
Kani-kanyang reak ang mga fans ng dalawa at pati ang mga Marites.
"OMG! Kinikilig ako rito! Bagay na bagay sila!"
"Sinabi mo pa… ewan ko, pero mas gusto ko ang 2 ito."
May umaayaw naman at sinabing, "'Wag 'yan, Janine.
"Red flag 'yan, Janine. 'Wag 'yan, pls?"
"Hayaan n'yo siya, inayawan niya 'yung matinong lalaki para d'yan, haha!"
"Iba talaga kamandag nitong si Avelino, oo! Lahat na lang, kuyaaaaa! #naol"
"True. Sisteret, Marites kami dito, pero we need to look for each other. Gamit namin ang FP history book at walking red flag 'yang si kuya. 'Di ako fan nina Janine, Paulo, Rayver at Julie.
Pero Janine, 'yang ganda mo, pang-international. Makakahanap ka ng mas in everything. Use it wisely!"
"Really?? The ex was way better! A very ideal man to be with till death talaga. Pero si Avelino?
Good luck!"
"Though mas guwapo si Paulo, but mukhang mas matino si Rayver."
"Retokado si Paulo. Check his before pics when he first started sa StarStruck. Ibang-iba ang ilong."
"At single with no child pa si RAYVER…"
"Being a father is NOT a red flag. 'Yung ibang characteristics niya 'yung red flag."
"Parang sa movie lang, iniwan ang matinong BF para sa tahimik na bad boy type na lalaki.
Halata namang type ni Janine si Paulo. Ginusto mo 'yan, girl, ha?"
"Korek! Halatang attracted si Janine kay Paulo nu'ng una pa lang."
"Maybe because they connect on an intellectual level. Not saying hindi intellectual si Rayver, iba lang siguro ang likes nila."
"Ba't ang daming bitter dito? Mukhang ok naman si Paulo. Hindi 'yung typical celebrity na extrovert."
"Ano'ng okay? Magaling siyang artist pero hindi sa personal relationships niya."
"May pahawak pa si Paulo sa hita."
"Janine, wrong choice."
"'Wag tayong manghusga, pero sa tingin ko, parang gusto na nga ni Paulo na ipagsigawan sa buong mundo, eh."

