top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA
Search

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 9, 2022




Masaya nang naninirahan ang dating VJ-actress na si Donita Rose sa Tate. Nagdesisyon si Donita na manirahan sa Amerika mula nang maghiwalay sila ng mister na si Eric Villarama nu'ng 2016, kung saan biniyayaan sila ng isang anak.


Third party daw ang dahilan kaya nagkahiwalay ang mag-asawa.


Pagkatapos ng ilang taon na loveless ay natagpuan ni Donita ang muling nagpatibok ng kanyang puso.


Nitong nakaraang March 27 ay may ipinost siya sa kanyang Instagram kung saan may pahiwatig siyang may bago na siyang inspirasyon.


Inutay-utay ni Donita ang pagpapakilala sa guy. Unang post niya ay isang larawan nila ng guy na nasa kanyang likuran na kalahating mukha lang ang kita.


Nilagyan niya ito ng caption na: “I think it’s safe to say I’m seeing someone…”


Nito namang April 6, may another post si Donita with a guy but without a name pa rin.


Simpleng caption: “The grass seems greener these days, or is it just me?”

The following day (April 7), heto na, ‘di na yata nakatiis si Donita at ibinulgar na ang name ng man in her life.


Sey ni Donita, “After my last post yesterday, this guy called to say he posted these photos.


“When I saw them, I laughed so hard and asked, ‘Why this as an introduction photo’?

"His response: ‘Para habang tumatagal, pumopogi ako.’ I almost died laughing. That’s @felsonpalad for you, peeps. #micdrop” pagpapakilala ni Donita sa guy na isa umanong singer.


Agad namang nagkomento ang best friend ni Donita na si Ruffa Gutierrez.

Masayang sabi ng former beauty queen, "Awwwwww!!! Happy for you, Dee!! [heart emojis] Smileeeeee and laugh!!"


Tudyong sagot ni Donita, "@iloveruffag Akala mo ikaw lang? [laughing emojis]"

Siguradong si Herbert Bautista ang tinutukoy ni Donita.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page