top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | June 5, 2025



Photo: Heart, Chiz at VP Sara - FB


Pati si Heart Evangelista, nadadamay sa isyu ng asawang si Senate President Chiz Escudero sa pagka-delay sa impeachment trial kay Vice-President Sara Duterte. 

Itina-tag si Heart sa mga comments sa X (dating Twitter) para kay Chiz, iparating daw sa husband niya ang sentiments ng taumbayan.


In fairness kay Heart, hindi naman ito nakikialam sa usaping-pulitika ni Chiz. Nagtatanong siguro siya sa mga isyu pero wala siyang power na makialam. Kaya unfair na pati siya ay idamay sa na-delay na impeachment trial.


Samantala, naiyak si Heart sa tuwa dahil ‘yung collaboration niya with an international phone case brand na CASETiFY, na-sold-out kahit today pa lang ang schedule ng pagiging out in the market nito.


Special ang phone case brand dahil may artwork ni Heart at may signature pa niya. Kaya napa-post ito ng “Ahhhh! A dream come true.” 


Lalo pang naging special kay Heart ang latest collab niya dahil tinanggap agad.

Hindi napigilan ni Heart ang maiyak at recorded ito sa ipinost niyang emotional video sa Instagram (IG) Stories.


Aniya, “So, so grateful. To all my fans who believed in me, made every item I love sold out, this collab is because of you all! Never the type to share me crying about something this way but my heart is just over the moon! #heartmademedoit I love you!”


In fairness uli, may buying power talaga ang mga fans ni Heart at kung bags nga na ine-endorse niya ay napapa-sold-out niya, phone case pa kaya? 


Jackpot ang collab na ito dahil pati mga fans ni Heart sa US, sa Malaysia at iba pang bansa, nagre-request na maging available rin sa kanila ang CASETiFY phone case brand.



ANG ganda naman ng poster ng pelikulang Out of Order (OOO), ang first directorial job ni Alden Richards at siya rin ang lead actor. 


Tatlo lang ang photos sa poster — sina Alden, Heaven Peralejo at Nonie Buencamino, kaya maaliwalas tingnan. 


Sa billing, una ang pangalan ni Alden at pangalan lang niya ang nasa itaas. Nasa second row naman ang names nina Heaven at Nonie.


Kung sa billing, nakasulat ang ‘Alden Richards,’ sa credits ng director, nakasulat naman ang ‘Richard Faulkerson, Jr.’, kaya dalawang beses mababasa ang pangalan ng aktor, ang real name niya at screen name.


Sabi ng Sparkle GMA Artist Center na nag-post ng poster, “From in front of the camera to behind it. Asia’s Multimedia Star Alden Richards makes his bold leap into directing with OOO — a film he also stars in and co-produces through his own company, Myriad, in partnership with Viva Films.


“The film is set to have its world premiere in the competition section of the 3rd Da Nang Asian Film Festival in Vietnam, happening June 29 to July 5.”


Siguradong dadalo si Alden Richards sa film festival at triple tiyak ang excitement nito dahil tatlo ang ginagampanan niyang role sa nasabing pelikula.



 
 

ni Nitz Miralles @Bida | Mar. 8, 2025




Naka-post sa Instagram (IG) page ni Heart Evangelista ang announcement ng The House of Mugler patungkol sa pagkapili nila kay Heart to be their ambassador.


Aniya, “The House of Mugler is delighted to announce actress @iamhearte as a new Mugler Fragrances Ambassador who resonates with the House’s sophistication and transformative power of self-expression.”


Sumagot si Heart ng “With pleasure to everyone who did #heartmademedoit this one’s for you.” 


Sagot ng Muglerofficial, “Welcome to Mugler.”


Marami ang nag-congratulate kay Heart at siya pala ang newest South East Asia regional ambassador ng Mugler fragrances. Siya rin ang first Filipino na kinuhang endorser ng kilalang French fashion house.


Dahil marami ang bibili ng Mugler fragrances, ang wish ng mga supporters ni Heart, walang maging price increase dahil nga tataas ang demand sa fragrances na ipinakilala ni Heart sa kanyang Filipino supporters na hindi pa ito kilala, lalo na ang Angel Nova perfume na favorite ni Heart.


In fact, may mga bibili na nga at hindi lang sa bansa natin, pati supporters ni Heart na based abroad. Ang iba nga, magho-hoard at baka magkaubusan. 

‘Yan ang effect ni Heart kapag may endorsement.



MAY post si Jennylyn Mercado sa Instagram (IG) na, “Album complete! Stay tuned. Maraming salamat Sir @jonathanmanalo @starmusicph. #albumcomplete #albumready #tobereleased #starmusic.”


Ang tinutukoy ni Jennylyn ay ang ginawa niyang album sa Star Music at kung ganyang tapos na at ire-release na, muli nang maririnig ang aktres na kumakanta. Walang leak sa ini-record na album ni Jennylyn, kaya excited ang mga fans nito na marinig na ang tracks sa kanyang album.


Samantala, ang taping nga ng reunion series nila sa GMA-7 ang rason kung bakit hindi na dumalo sa Manila International Film Festival (MIFF) sina Jennylyn at Dennis.


Sinimulan na nila ang taping ng Sanggang Dikit (SD) kung saan gumaganap silang mga pulis, role na nagpa-excite kay Jennylyn dahil first time niya ito. Kinailangan nilang mag-training ni Dennis ng target shooting.


Anyway, kahit wala sa Los Angeles, California para sa MIFF, part pa rin ang mag-asawa ng MIFF dahil may screening ang Green Bones (GB) ni Dennis, pati na ang movie nila na Everything About My Wife (EAMW).


Speaking of the said movie, nagpasalamat sina Jennylyn at Dennis sa pagpapa-block screening ni Alden Richards at ng production nitong Myriad Entertainment Corporation. Ginawa ang block screening sa Shangri-La Plaza noong March 5, suporta ‘yun ni Alden

sa mag-asawa at sa local film industry.


Sabi ni Jennylyn, babawi sila sa pagiging supportive ni Alden at kapag nangailangan ng suporta ang aktor, nakahanda sila anytime. Ang ganda ng sinabi ni Alden Richards na sama-sama nilang bubuhayin ang Philippine cinema.


Ex-BF mo, Kris, seryoso na sa bago niya…

VG MARK, IPINAKILALA NA SI AIRA SA NAMATAY NA DAD



ANG sweet naman ni VG Mark Leviste, dahil dinala ang girlfriend niyang si Aira Lopez sa columbarium kung saan nakalagak ang ashes ng departed dad niya. Ipinakilala si Aira sa dad niya na “Boss” ang kanyang tawag. 


Kinausap ni Mark ang ama at ang sabi, kung buhay ito, magugustuhan si Aira dahil mahilig sa maganda, sexy at bata ang kanyang ama.


Kumpleto ang pangalan ni Aira nang ipakilala ni Mark, taga-Tarlac daw pero sa BGC, Taguig nakatira ngayon dahil sa trabaho. Wika pa ni Mark, ang ama na ang bahala sa kanila ni Aira.


Ipinakita rin ni Mark nang ipa-bless ang aniya ay “new car” nila ni Aira. Ibig sabihin, joint property na sila at ibig sabihin pa rin, seryoso na ang relasyon ng dalawa. 


May nagtanong tuloy kung kailan ang kanilang kasal? 


Ang sumunod na comment ay mukhang kasalan na raw ang susunod kina Mark at Aira.


Ang caption pala ni Aira sa kanyang post ay: “He said he wanted me to meet someone so special #dad,” at special nga dahil daddy ni Mark ang kanilang binisita.


Ang hindi pa naipo-post ay ang interaction ni Aira with Mark’s kids. Curious din ang mga netizens na malaman kung ano ang tawag ng mga anak ni Mark Leviste kay Aira Lopez.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page