top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | Dec. 28, 2024



                                       


Ipinasilip ni Ruffa Gutierrez ang Christmas party celebration ng kanilang pamilya at kumpleto ito, from her parents, to her daughters, siblings at mga pamangkin.


Lahat ay naka-smile sa mga nai-post na photos at sa isang picture, makikita si Herbert Bautista na nakisaya rin sa party ng mga Gutierrez. Kaya lang, hindi sumunod si Herbert sa dress code dahil sa halip na red, black polo ang suot.


May rason nga ang caption ni Ruffa na, “Grateful for these special moments with loved ones. Merry Christmas and Happy Holidays from my family to yours.”


May mga comments na kinilig kina Ruffa at Herbert.


“Iba ang saya ng face ni Ruffa. Maaliwalas, halatang in love.” 


“Hard launch.” 


“OMG! Herbert Bautista with the beautiful Ruffa. So cute.” 


“Ayieee! Herbert and Ruffa, nakakakilig. Stay happy.”


Bago pa tuluyang mawala…

ISANG HIMALA, 9 CINEMAS NA LANG, AICELLE TODO-PAKIUSAP NA PANOORIN NA



Masaya na sana na nadagdagan ang cinemas ng GB, na ang ibig sabihin, pinakinggan ng theater owners ang panawagan at request ng mga moviegoers na dagdagan ang sinehan na paglalabasan ng pelikula.


Nakalulungkot naman na nabawasan ang mga sinehan ng Isang Himala (IH) sa third day pa lang ng 2024 MMFF. May post si Director Pepe Diokno, director ng pelikula tungkol dito sa X (dating Twitter).


“Just got the heartbreaking news that Isang Himala is down to 9 cinemas.... Pero madadagdagan tayo ng Powerplant bukas! (today). Please watch the film before it’s too late, and please request the film from your nearest cinema if it’s not yet showing in your area,” sabi ni Direk Pepe.


May post din si Aicelle Santos tungkol sa kanyang pelikula na sana ay pakinggan ng moviegoers.


Aniya, “Nag-uumapaw po ang pasasalamat sa magagandang reviews ng Isang Himala. Ngunit sadyang kakaunti lang ang sinehan na nagpapalabas sa ‘min. Bago pa mawala, unahin nang panoorin ang ISANG HIMALA.”


Magaganda ang reviews sa movie at tiyak na kapag nanalo ito ng awards sa awards night kagabi, madaragdagan ang interes ng moviegoers to watch the film. 


Tama nga naman, ‘wag puro pa-trend sa X at papuri, panoorin din ang Isang Himala.



Nag-post si Dennis Trillo na magkasama sila ni Alden Richards sa pa-block screening ng huli para sa 2024 MMFF entry na Green Bones (GB). Nakaakbay si Dennis kay Alden sa picture at ang sabi, “Dito sa ‘king tabi... Mr. Box Office King. Maraming Salamat #greenbonesmovie #mmff2024.”


Nang mainterbyu si Alden at matanong kung bakit siya nagpa-block screening, “Na-curious ako sa magandang review at excited akong mapanood,” sagot nito.


Para mas masaya ang kanyang panonood, nagpa-block screening siya sa Shangri-La Plaza Mall at inimbita ang iba nilang kasama sa Pulang Araw (PA). Present sina Barbie Forteza, Jay Ortega at Sanya Lopez at dumating din si Atty. Annette Gozon-Valdes. Of course, baka gawing isyu na wala si David Licauco sa block screening at baka isiping hindi siya inimbita ni Alden. Ang rason kung bakit wala siya ay nasa bakasyon ito sa ibang bansa.


Kaya kahit magkaaway ang mga roles nina Alden at Dennis sa PA, friends sila in real life. 

Dumating din si Ruru Madrid na kahit wala sa PA ay kasama naman sa GB at nagpakita ng husay sa pag-arte.


Sayang at wala si Director Zig Dulay na naikuwento na gusto ni Alden na magkatrabaho sila at gumawa ng pelikula. Wala palang oras dahil pareho silang busy, pero siguradong gagawan ng paraan ng GMA ang schedule ni Alden para matuloy ang pagsasama nila sa pelikula ni Direk Zig.



 
 

ni Nitz Miralles @Bida | Dec. 9, 2024




Hindi lang dahil asawa niya si Dennis Trillo kaya ipino-promote ni Jennylyn Mercado ang Green Bones (GB) na bida sina Dennis at Ruru Madrid, kasama rin dito ang pagiging co-producer nina Jennylyn at Dennis sa nasabing pelikula.


Kaya sa post sa Instagram (IG) ni Jennylyn na, “Sama-sama nating panoorin ngayong darating na Pasko. #GreenBonesMovie #MMFF50,” may feel na ng pagiging co-producer niya. 


Sa credits ng movie, nakasulat ang GMA Pictures, GMA Public Affairs at Brightburn Entertainment bilang mga producers. Ang Brightburn Entertainment ang pangalan ng film outfit nina Jennylyn at Dennis.


Sabi ni Dennis, hindi raw bumisita si Jennylyn sa shooting nila kahit puwede bilang co-producer. Sa mga meeting daw uma-attend ang asawa at hindi rin sila nakialam sa casting at creative and technical aspect ng movie. Ipinagkatiwala na nila ito sa kanilang co-producer at kay Director Zig Dulay at sa team nito.


Sa mga nakapanood ng trailer, ang reaction nila ay malaki ang laban ni Dennis na manalong Best Actor. Pero sabi nito, “Sapat na sa ‘kin na panoorin nila ito. Bigay na natin sa iba ang tropeo.”


Bilang co-producer, mas gugustuhin siguro ni Dennis na kumita ang GB at bonus na sa kanya kung magkatotoo nga na mananalo siyang Best Actor. 


Sa December 27 ang awards night at doon pa lang malalaman ang resulta. Mauuna ang Parade of Stars sa December 21, kaya abangan ang cast ng Green Bones at iba pang film entries sa 2024 MMFF.



Babae ang nasa likod ng poster ng Topakk, ang entry ng Nathan Studios, Fusee at Strawdog sa 2024 MMFF. Siya ay si Myish Endonila at may shoutout sa kanya si Director Will Fredo sa ganda ng poster. 


Si Myish din ang may gawa ng poster ng And So It Begins (ASIB), pelikula ni Ramona Diaz at entry ng Pilipinas sa Oscar next year.


Massive rin ang promo campaign ng Nathan Studios sa movie na pinagbibidahan nina Arjo Atayde at Julia Montes. Hindi lang naglalakihang billboards ang kanilang itinaas, pati mga bus, may poster ng Topakk at ilang bus na ang nakita naming may poster ng movie. 


Hintayin natin ang float ng movie sa Parade of Stars sa December 21, siguradong may pasabog.


Samantala, may nabasa kaming review ni Lee B. Golden III, FSC tungkol kay Arjo at sa karakter na kanyang ginampanan.


Aniya, “We start with a look at [Arjo] Atayde, whose performance as Miguel blends well to Somes’ casting of an ex-soldier-cum-everyman now struggling to survive from sunrise to sunset. Front-to-back action and spectacle runs pretty high in Triggered (Topakk) as the centrepiece action fix it aspires to be. Centerstage, Atayde’s unassuming physical build-clashing with expectations only if you’re looking for eidetic Stallone-only shores up his screen presence, substantiated by his deep set voice and acting caliber that make him an otherwise solid choice for the role.”


Samantala, nauna na palang mag-promote sina Arjo, Enchong Dee at Julia Montes sa Davao kahapon. Ito ‘yung binanggit ni Director Richard Somes na pupunta sila sa key cities ng bansa to promote Topakk.


Sa cheating nila ni Maris…

JANUS, BILIB SA PAGSO-SORRY NI ANTHONY



May reaction si Janus del Prado sa apology video ni Anthony Jennings at pinuri nito ang pagpapakatotoo at pag-amin sa kanyang kasalanan ng aktor. 


Sa kanyang Threads (@) account, inilabas ni Janus ang reaction niya kay Anthony, hindi raw nagpa-victim ang aktor. In fairness, walang binanggit na pangalan si Janus na nagpa-victim.


“‘Yung mukha mo nu’ng iniwan ka n’ya sa ere at itinapon sa ilalim ng bus nu’ng nagkabukingan na,” panimula ni Janus.


“‘Di man ako agree sa ginawa n’ya pero I kinda feel bad for him. I like his public apology, straight to the point, walang sinisi na iba. ‘Di ginamit ‘yung mga gasgas na palusot na ‘Pasensya na, tao lang kagaya n’yo’ at ‘‘Di ako perpekto kasi walang taong perpekto.’ In short, he held himself accountable sa mga nangyari dahil sa mga ginawa n’ya. ‘Di s’ya nagpa-victim to avoid accountability. Sana all,” ayon pa kay Janus.


Ipinost ni Janus ang photo ni Anthony na nakatungo at malungkot habang nasa harap ng camera at humingi ng tawad kina Maris Racal at Jamela Villanueva.


Tanong nga ng mga netizens, ano na ang mangyayari sa career ni Anthony Jennings? Siguro naman, hindi siya pababayaan ng ABS-CBN gaya ni Maris Racal.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page