top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | Dec. 9, 2024




Hindi lang dahil asawa niya si Dennis Trillo kaya ipino-promote ni Jennylyn Mercado ang Green Bones (GB) na bida sina Dennis at Ruru Madrid, kasama rin dito ang pagiging co-producer nina Jennylyn at Dennis sa nasabing pelikula.


Kaya sa post sa Instagram (IG) ni Jennylyn na, “Sama-sama nating panoorin ngayong darating na Pasko. #GreenBonesMovie #MMFF50,” may feel na ng pagiging co-producer niya. 


Sa credits ng movie, nakasulat ang GMA Pictures, GMA Public Affairs at Brightburn Entertainment bilang mga producers. Ang Brightburn Entertainment ang pangalan ng film outfit nina Jennylyn at Dennis.


Sabi ni Dennis, hindi raw bumisita si Jennylyn sa shooting nila kahit puwede bilang co-producer. Sa mga meeting daw uma-attend ang asawa at hindi rin sila nakialam sa casting at creative and technical aspect ng movie. Ipinagkatiwala na nila ito sa kanilang co-producer at kay Director Zig Dulay at sa team nito.


Sa mga nakapanood ng trailer, ang reaction nila ay malaki ang laban ni Dennis na manalong Best Actor. Pero sabi nito, “Sapat na sa ‘kin na panoorin nila ito. Bigay na natin sa iba ang tropeo.”


Bilang co-producer, mas gugustuhin siguro ni Dennis na kumita ang GB at bonus na sa kanya kung magkatotoo nga na mananalo siyang Best Actor. 


Sa December 27 ang awards night at doon pa lang malalaman ang resulta. Mauuna ang Parade of Stars sa December 21, kaya abangan ang cast ng Green Bones at iba pang film entries sa 2024 MMFF.



Babae ang nasa likod ng poster ng Topakk, ang entry ng Nathan Studios, Fusee at Strawdog sa 2024 MMFF. Siya ay si Myish Endonila at may shoutout sa kanya si Director Will Fredo sa ganda ng poster. 


Si Myish din ang may gawa ng poster ng And So It Begins (ASIB), pelikula ni Ramona Diaz at entry ng Pilipinas sa Oscar next year.


Massive rin ang promo campaign ng Nathan Studios sa movie na pinagbibidahan nina Arjo Atayde at Julia Montes. Hindi lang naglalakihang billboards ang kanilang itinaas, pati mga bus, may poster ng Topakk at ilang bus na ang nakita naming may poster ng movie. 


Hintayin natin ang float ng movie sa Parade of Stars sa December 21, siguradong may pasabog.


Samantala, may nabasa kaming review ni Lee B. Golden III, FSC tungkol kay Arjo at sa karakter na kanyang ginampanan.


Aniya, “We start with a look at [Arjo] Atayde, whose performance as Miguel blends well to Somes’ casting of an ex-soldier-cum-everyman now struggling to survive from sunrise to sunset. Front-to-back action and spectacle runs pretty high in Triggered (Topakk) as the centrepiece action fix it aspires to be. Centerstage, Atayde’s unassuming physical build-clashing with expectations only if you’re looking for eidetic Stallone-only shores up his screen presence, substantiated by his deep set voice and acting caliber that make him an otherwise solid choice for the role.”


Samantala, nauna na palang mag-promote sina Arjo, Enchong Dee at Julia Montes sa Davao kahapon. Ito ‘yung binanggit ni Director Richard Somes na pupunta sila sa key cities ng bansa to promote Topakk.


Sa cheating nila ni Maris…

JANUS, BILIB SA PAGSO-SORRY NI ANTHONY



May reaction si Janus del Prado sa apology video ni Anthony Jennings at pinuri nito ang pagpapakatotoo at pag-amin sa kanyang kasalanan ng aktor. 


Sa kanyang Threads (@) account, inilabas ni Janus ang reaction niya kay Anthony, hindi raw nagpa-victim ang aktor. In fairness, walang binanggit na pangalan si Janus na nagpa-victim.


“‘Yung mukha mo nu’ng iniwan ka n’ya sa ere at itinapon sa ilalim ng bus nu’ng nagkabukingan na,” panimula ni Janus.


“‘Di man ako agree sa ginawa n’ya pero I kinda feel bad for him. I like his public apology, straight to the point, walang sinisi na iba. ‘Di ginamit ‘yung mga gasgas na palusot na ‘Pasensya na, tao lang kagaya n’yo’ at ‘‘Di ako perpekto kasi walang taong perpekto.’ In short, he held himself accountable sa mga nangyari dahil sa mga ginawa n’ya. ‘Di s’ya nagpa-victim to avoid accountability. Sana all,” ayon pa kay Janus.


Ipinost ni Janus ang photo ni Anthony na nakatungo at malungkot habang nasa harap ng camera at humingi ng tawad kina Maris Racal at Jamela Villanueva.


Tanong nga ng mga netizens, ano na ang mangyayari sa career ni Anthony Jennings? Siguro naman, hindi siya pababayaan ng ABS-CBN gaya ni Maris Racal.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | Nov. 25, 2024




Biniro ng mga fans na utangan sina Kathryn Bernardo at Alden Richards dahil umabot na sa P1.06B ang box-office gross ng Hello, Love, Again (HLA) as of November 23. 

Worldwide gross ito na paniguradong madaragdagan pa dahil showing pa ang movie dito at sa ibang bansa. 


Nagkakabiruan pa ang mga fans na paabutin nila ng P2B ang box-office gross ng HLA, pero wala raw pressure. Basta manood lang sila uli at ipo-promote sa mga hindi pa nakakapanood na manood na. Para raw makasama sa moviegoers na sumuporta sa isang local film na highest-grossing Filipino film of all time. “Road to P2B” ang inilalaban ng fans ngayon.


“The Billion Peso Tandem” ang tawag ngayon kina Kathryn at Alden na nasa Canada to grace the screening of HLA sa ilang parte ng bansa. May pa-Meet-and-Greet sila, may presscon at ibig sabihin, dagdag na kita para sa HLA.



Super happy sa kanyang Facebook (FB) post si Bryan Dy, ang executive producer ng Uninvited and the man behind Mentorque Productions, producer of the said movie together with Project 8 Projects.


Caption ni Bryan, “#MMFF50 Float Number 3! Wish granted! Galing talaga ni Sir Rico!”

Ikinatuwa ng mga fans ang balitang ito, hindi na raw sila maghihintay nang matagal para makita ang cast ng Uninvited na pinangungunahan nina Aga Muhlach, Nadine Lustre at Vilma Santos.


Samantala, may pa-throwback post din si Bryan kung paano nabuo ang Uninvited at maganda siyang basahin, “When THE Vilma Santos-Recto stumbled into her dream project. I am very honored to have the opportunity to form the dream team.”


Ang dream project ni Vilma na tinukoy ni Bryan ay ang Uninvited at ang dream team na tinukoy ay pinangunahan ni Dan Villegas na director ng nasabing pelikula na entry sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF).


Kasama rin sa dream team ang producer na si Tonette Jadaone, writer na si Dodo Dayao, ang director of photography na si Pao Orendain at ang iba pang kasama sa team. Present din sila sa grand launch at kasama sa pinalakpakan at siguradong papalakpakan sa awards night. 


Naalala naming binanggit ni Direk Dan na may napanood siyang Mexican news na crime na nangyari sa Mexico na tungkol sa paghahanap ng isang ina sa killers ng kanyang anak. Heto na nga ‘yun, Uninvited, na ang unang pinansin ay ang pagkakaroon ng big cast.


Naikuwento naman ni Bryan na nakaka-ilang meeting na sila para sa nasabing project, hanggang isang araw, nagdesisyon siyang gawin na ang pelikula. With the perfect cast and perfect team, mapapanood na simula sa December 25 ang pelikulang hinuhulaan na magiging top grosser.


May post naman ang Mentorque sa FB pa rin na binanggit ni Bryan na expensive ang kanilang movie, “SERVING YOU EXPENSIVE PRODUCTION REALNESS. This is the film that proves our country’s filmmakers and actors are high-caliber talents who always come prepared! From the creators of the award-winning Mallari, Mentorque CEO Bryan Dy takes Philippine cinema to the next level – one you definitely shouldn’t miss!”



HINDI umepal si Maymay Entrata sa premiere night ng Idol: The April Boy Regino Story. Nakita lang siya nang pumasok sa ballroom ng Great Eastern Hotel at kinailangang lapitan para makausap. Hindi rin siya nagpa-interview at mga basic question lang ang sinagot.


Maymay was there to support her friend John Arcenas na gumaganap sa role ni April Boy sa biopic nito sa direction ni Efren Reyes, Jr.. Hindi rin namin narinig na in-acknowledge at wala kaming nakita na photo nila ni John. Kung meron man, baka after the premiere night na sila nagpakuha ng larawan.


Sa Instagram (IG) post ni John ng isang eksena sa Idol, nag-comment si Maymay ng, “Wohoooo! Congratulations, Dangskiiii!” na ipinagpasalamat ni John.


Napanood ni Maymay ang movie and for sure, hindi siya na-disappoint kay John. Kuhang-kuha nito ang maging si April Boy, lalo na sa parteng kantahan dahil singer din ito at sariling boses ang ginamit sa mga kantang Umiiyak Ang Puso, ‘Di Ko Kayang Tanggapin at iba pang songs sa movie.


Showing in cinemas nationwide simula sa November 27 ang Idol: The April Boy Regino Story na kapag pinanood, malalaman natin ang pinagdaanan ng singer noong may sakit na siya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page