top of page
Willie Revillame - FB.jpg
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | September 19, 2026



WINNER - KATHRYN, MAY PA-BRA'T PANTY SA PIKTYUR, INAYAWAN NG FANS_IG _bernardokath

Photo: IG _bernardokath



Trending ang photo ni Kathryn Bernardo na nakabuyangyang ang suot na panty na sobrang sexy. Meron ding photo ang aktres na nakalitaw naman ang kanyang bra. Kaya ang iba niyang supporters ay naghayag ng pagkadismaya sa kanilang idolo.


Sey ng mga fans:

“You don’t need to do that, Kath.”

“Tama, ‘di bagay.” 

“Deeply heartbroken.”


Kasabay nito ang isang major plot twist na ikinagulat ng mga manonood sa teleserye niyang Someone, Someday. Ito ay pagkatapos mabunyag na magkapatid ang mga karakter nina Kathryn at Maja Salvador, na mortal na magkaaway.


Samantala, tila kailangang harapin ni Jordan (James Reid) ang mga sarili niyang problema habang unti-unti niyang napagtanto na maaaring mayroon siyang romantikong damdamin para sa kanyang matalik na kaibigan na si Billy.


Patuloy na subaybayan ang Someone, Someday on weeknights at 8:45 PM on ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live on YouTube (YT) and Facebook (FB), and TFC.


Napapanood din ang serye 72 hours in advance sa Netflix and 48 hours in advance on iWant.





Nagnakaw daw ng P44M, idinemanda ng utol…

LAKAM, TODO-ASANG MAGKAKASUNDO PA SILA NI KIM



Tadtad ng reaksiyon ang inilabas na official statement ng kapatid ni Kim Chiu na si Lakambini ‘Lakam’ Chiu pagkatapos kasuhan ng aktres-TV host.


Sa pamamagitan ng abogado ni Lakam na si Atty. Dominic Solis, inilabas nila sa publiko ang pahayag. 


This is the first time na nagsalita ang panig ni Lakam pagkatapos sampahan ni Kim sa korte ng 124 counts ng qualified theft.


Kaugnay ito sa umano’y hindi awtorisadong paglipat ng pondo na nagkakahalaga ng P44.396 milyon mula sa kanilang kumpanyang House of Little Bunny Philippines, Inc..

Maigsi pero puno ng emosyon ang nilalaman ng opisyal na pahayag ni Lakam na inilabas ng kanyang abogado.


“Our client is saddened by her sister’s decision to pursue the case but remains hopeful that the matter can still be resolved amicably within the family. She will address the charges through the proper legal process,” lahad ng kampo ni Lakam.


Sa kabila ng pahayag ng ate ni Kim, mas maraming netizens pa rin ang nakikisimpatya sa aktres.


Sey ng mga netizens:


“Wasn’t she ‘saddened’ back then when she was squandering her sibling’s money? No to #familycard.”


“Ang sakit talaga sa puso nitong news na ‘to, knowing na s’ya ang 2nd mom ni Kimmy. Hays, hug, hug, Kimmy.”


“True!!! Galing pa talaga sa pinagkatiwalaan n’ya nang sobra.”

“Binigyan sila ng magandang buhay pero ‘di pa rin nakuntento.”


“May black card (VIP CARD) daw ‘yang si Lakam. Eh, ibinibigay lang ‘yun sa mga high rollers.”

Tarush.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page