ni Julie Bonifacio @Winner | July 3, 2026

Photo: Kathryn Bernardo - IG
Hindi lang si Kathryn Bernardo ang nadadawit sa kilos-protesta ng religious group na Iglesia ni Cristo (INC) sa mga kaguluhan sa pulitika. Maging ang ibang celebrities na miyembro ng INC, gaya nina Kai Sotto at Rere Madrid na iniuugnay sa mga usaping natiwalag umano ay isinasama rin sa usapan sa social media.
Post sa X (dating Twitter), “I just found out, INC pala si Kai Sotto? Pero natiwalag na sila ni Rere Madrid. I mean, buti naman if ganu’n at nakawala na. Si Ruru na lang at Bianca ang hindi pa.”
Itsinika pa ng isang netizen kung bakit daw natiwalag si Kathryn sa INC.
Sey ng isang fan, “Btw (by the way), na-bash pa nga si Kathryn Bernardo nu’ng tumiwalag s’ya sa INC. Nasabihan pang walang respeto at kung ano-ano pa. She knows.”
Samantala, inilabas na ng ABS-CBN ang special teaser tampok ang Asia’s Superstar na si Kathryn Bernardo sa inaabangang seryeng Someone, Someday (SS) na mapapanood na sa primetime simula Hulyo 27.
Isa na namang kapana-panabik na karakter ang gagampanan ni Kathryn bilang empowered na babae sa isang feel-good na serye.
Ipinasilip sa teaser ang karakter ni Kathryn bilang best ate, boss, at best friend. Nagpatikim din ito ng ilang eksenang dapat abangan kasama ang mga co-stars na sina James Reid at Maja Salvador.
Pinagbibidahan din ito nina Dimples Romana, Rowell Santiago, Rita Avila, McCoy De Leon, Daniela Stranner, at Migs Casimiro.
Abangan ang Someone, Someday sa primetime simula Hulyo 27 sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) at Facebook (FB), at TFC.
Magiging available rin ang serye sa iWant, at una itong mapapanood sa Netflix.
Palaban… KIM, PINATUTSADAHAN SI OGIE NA KUMIKITA DAHIL SA KANYA
PUMALAG na si Kim Chiu sa mga bashers dahil sa mga isyung ibinabato sa kanya na nag-ugat nang tawagin niyang ‘Ryzza Mae’ si Jugs Jugueta na naka-Lotus Feet character sa It’s Showtime.
Bagama’t hindi direktang nagbanggit ang It’s Showtime (IS) host ng pangalan, halata raw na ang isyu sa kanya ni Ogie Diaz ang pinatutungkulan ni Kim.
Nagsimula naman ang isyu kina Kim at Ogie nang talakayin ng huli ang naging joke ni Kim kay Ryzza Mae sa IS.
Nabanggit ni Ogie sa kanyang show ang isang umano'y hindi magandang engkuwentro nila ni Kim sa hallway ng ABS-CBN.
Ayon kay Ogie, matapos niyang bumisita sa dressing room ni Vice Ganda, nasalubong niya si Kim at sinabi umano nito, “Buti naman, pinapasok kayo.”
Nagulat si Ogie at sumagot umano ng “Bakit, bawal ba?”
Ani Ogie, hindi niya alam kung bakit ganoon ang naging biro o komento ni Kim.
Post ni Kim sa kanyang X (dating Twitter) account, “Truelamey!!! #cravings I have cravings! So true! For monetization, I guess I’ll include this too in the #KimChiuCharityProgram (pray & angel emoji). Monetization is the key. You’re welcome po (loved emoji). At least it helps with the daily needs.”
Na-gets naman ito agad ng mga followers ni Kim sa socmed (social media) at anila, “Hahaha! THAT’S OUR GIRL!! We love you, Ate Kims!”
“Love this girl! That’s the fighting spirit :) Katipunera ng bagong henerasyon at napapanahon.”
“Halaaaa, ginagamit mo raw for monetization, oh. Sana ay nakatulong raw s’ya sa pang-araw-araw mo @ogiediaz.”
“Hayaan mo na ang mga basher mo, Kim. Mamatay sila sa galit at inis sa ‘yo. Lalo mo kaya inisin, banggitin mo araw-araw pangalan ng idol nila para sumikat naman. Laos na, eh, pilit nila pinapasikat.”
Sa kabila nito, positive vibes lang ang sagot ni Kim. Sa kanyang Instagram (IG) Story ay masaya niyang binati ang pagpasok ng buwan ng July.
“Here’s to a happy start and a beautiful month ahead,” sey niya sa kanyang IG Story.
Sinagot naman ng mga fans ni Kim ang kanyang pagbati sa IG:
“HAPPY JULY 1ST, KIMMY! WISHING YOU A MONTH FILLED WITH PEACE, JOY, ANSWERED PRAYERS, AND ENDLESS REASONS TO SMILE. YOU DESERVE NOTHING BUT THE BEST @CHINITAPRINCESS.”
“Hello to this super blooming Chinita girl! @prinsesachinita.”
“Ending one beautiful month and starting another with the one who makes every day a little brighter.”
‘Yun na nga!

