top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA
Search

ni Julie Bonifacio - @Winner | February 27, 2022




Buong-pagmamalaking ipinost ni BB Gandanghari sa kanyang Instagram ang pagpapa-checkup ng kanyang dibdib sa Amerika. Bahagi ito ng annual physical checkup ni BB bilang requirement para sa kanyang insurance and medical provider sa Tate.


Legally recognized kasi si BB bilang babae sa Los Angeles, USA court, kaya ine-enjoy niya all his legal rights bilang babae sa US, hindi gaya ng iba na hanggang feeling pa-girl lang.


Sa caption niya sa kanyang IG post ng pagpapa-checkup niya, inengganyo ni BB ang kanyang mga followers na magpatingin regularly para masuri agad ang isang pasyenteng may cancer.


“First time to do this and totally feel like a woman… why? Because only women do this for their yearly physical check up as required by the insurance and medical provider," mensahe ni BB sa Instagram kamakailan.


Sinundan pa ng iba pang videos ng pagpapa-checkup at pagkuha niya ng result ng kanyang mammogram examination ang ipinost ni BB sa kanyang Instagram.


“I’m going to get my results soon and I’m praying that I’ll be clear of any indication of early stages of #breastCancer…” sey ni BB.


Ipinaliwanag din ni BB ang kahalagahan ng mammogram.


“Mammogram is very important for every woman, especially so when one is on Hormone Replacement Therapy like myself."


Esplika pa niya on a separate IG post, “Mammography is the process of using low-energy X-rays to examine the human breast for diagnosis and screening. The goal of mammography is the early detection of breast cancer, typically through detection of characteristic masses or microcalcifications."


Matagal nang naninirahan sa US si BB at sa loob ng siyam na taon ay nagtatrabaho siya bilang bookkeeper and accountant.


Pansin ng mga netizens sa dalawang videos niya sa loob ng dressing room ang paglitaw ng mga buto sa katawan ni BB. Pero si BB, feeling Zendaya (girlfriend ni Tom Holland) ang peg habang nagbibihis sa loob ng dressing room.


"Nakita ko 'yung buto."


“Opo BB, nakita ang buto sa dibdib mo po.”


“Oo nga na-sight ko slight ang suselya berry berry light, Queen BB.”



May mga netizens din ang nagbigay ng payo kay BB sa comment section na magpataba.

Na-sight din ng mga netizens nang very light ang ilang bahagi ng “boobs” ni BB habang nagbibihis sa loob ng dressing room.


Tinawag ni BB na inggitera ang isang netizen na nag-comment sa kanyang “boobs” na maliit.


“Sige mamsh kahit wala tayong dede," sey ng netizen.


“Duh!! Inggitera,” reply ni BB.


Haaaays! Si Jake Zyrus, nagbilad ng kanyang dibdib sa socmed. Si Ice Seguerra, planong magpa-top surgery. At si BB, ine-enjoy ang kanyang legal rights for a medical checkup for his breast.


Who’s next kaya ang magkakaisyu sa kanilang breast?


 
 
RECOMMENDED
bottom of page