top of page
WINNER - BEAUTY QUEEN GF NI SANTINO, NAPAGKAMALANG TRANSGENDER-IG _ashleysubijano.jpg
Search

ni Nitz Miralles @Bida  | August 30, 2024



Showbiz News

Ang bongga ng controversial mom ni Carlos Yulo na si Angelica Yulo, endorser na rin si mommy dearest, kinuha siyang endorser ng Smile 360 Dental Clinic. 


Nagkapirmahan na sila ng owner ng dental clinic na Hungry Boss.


Naaliw ang mga nakapanood sa video sa contract signing sa naging sagot ni Angelica na, “Baka Vivamax ‘to, ha?” sa sinabi ni Hungry Boss na gagawin siyang Star Image artist.


Aminado si Hungry Boss na kaya niya kinuhang endorser si Angelica dahil popular ang Yulo family ngayon. Mula kay Carlos, hanggang sa kanyang pamilya, pati nga girlfriend na si Chloe San Jose.



Wa' raw dapat i-explain sa publiko… 

KYLINE, PROUD NA ALAM NG PAMILYA NIYA ANG PAGKANDONG KAY KOBE


Kyline Alcantara at Kobe Paras - Circulated TikTok

BALIK-TIKTOK si Kyline Alcantara pagkatapos ng “kandong” issue nila ni Kobe Paras na marami ang hindi nagkagusto. May tumawag sa kanya ng cheap, papansin at walang career, na alam mong hindi totoo.


May career pa si Kyline at heto nga, inaabangan na ng kanyang mga fans ang pagbabalik-kontrabida niya sa Shining Inheritance (SI) ng GMA-7. 

Sa pagiging kontrabida siya minahal ng mga fans, kaya muli niyang ipapakita ang bagsik niya sa aktingan.


May career at may fans pa rin si Kyline, patunay ang 4.8 million followers niya sa Instagram (IG) na nakasunod sa bawat kilos niya. 


Sa kanyang pagbabalik-TikTok, sumayaw siya ng dance cover ng isang K-pop song, kumembot at nag-twerk, at umabot na sa 1.8M views ang video nito. May more than 1K comments na rin ang video na karamihan, tinukso siya kay Kobe Paras at kinukulit siya sa status nila.


Kaya lang, may usapan yata sina Kyline at Kobe na hindi sila aamin sa kanilang relasyon at "what you see is what you get" ang kanilang drama. 


Hindi pa nga binabago ni Kobe ang sagot na, “We’re great friends” nang tanungin siya tungkol kay Kyline.


Parang ganu’n din ang sagot ni Kyline sa sinabi niyang, “I feel like it’s my right not to answer questions or to deny nor confirm anything. I don’t think I need to explain myself po to other people. Whatever they see, that’s what they’re gonna get.” 


Tungkol naman sa isyung pagkandong niya kay Kobe, ang sabi, “As long as alam ng pamilya ko, ‘yung mga close kong kaibigan, my loved ones what is really happening behind the camera, I feel I don’t owe the public an explanation naman po.”


May kumontra sa sagot na ito ni Kyline Alcantara dahil public figure raw siya. Ginawa nilang public ni Kobe ang public display of affection (PDA) nila, kaya may karapatan ang public na malaman ang kanyang panig sa isyu. Kaya lang, nagsalita na ang Kapuso actress at hanggang doon na lang ‘yun.



ANG post ni Niño Muhlach sa Facebook (FB) na “'Wag kasi magsinungaling, under oath tayo, eh,” ay patungkol sa muling pagharap ni Jojo Nones sa Senado. 


Naging mainit ang hearing na ‘yun na pinangunahan ni Senator Jinggoy Estrada at ang pagsagot ni Jojo. Pero, nagkaayos na ang senador at si Jojo at nag-sorry ito kay Jinggoy.


May post naman ang wife ni Niño na si Diane Abby Tupaz bilang suporta sa asawa.

Sabi nito, “I will always stand beside you in the battles we face against life. It’s going to be okay, we’re going to get through this together #WeAreOne.”


Matapang na ini-repost ni Diane ang post mula sa Create Mode na ang sabi, “In Our Family No One Fights Alone. We Will Fight For Justice! We Will Fight For Our Kids!”



ANG daming nagpaabot ng congratulations kay Dominic Roque sa post niya sa Instagram (IG) ng mga larawan ng bintana at susi, na may caption na, “New home...” 

Ibig sabihin, may bagong lugar si Dominic at iniwan na ang ni-rent niyang condo unit sa BGC, Taguig kung saan naintriga pa siya.


Base sa photo, wala pang gamit ang bagong lugar ni Dominic at hindi pa siya nakakapaglipat. Bukod sa pagko-congratulate, may mga nag-comment na new beginning sa kanya ang paglipat sa bagong lugar. Deserve raw niya ito after all the issues na kanyang hinarap at pinagdaanan.


Hindi pa nga naayos ang lilipatan, may nagre-request na kay Dominic ng house tour, pero parang hindi sila mapagbibigyan. 


May nag-wish naman na sana, pag-aari na ni Dominic ang tinawag niyang “new home” at hindi na siya nagre-rent.


Pinuna lang ng ilang netizens ang pagpo-post ni Dominic ng susi ng kanyang bahay. Risky daw ang ginawa niya dahil puwedeng ipa-duplicate ang susi. Kaya ang payo sa kanya, ‘wag ipaaalam ang kanyang address. Better yet, palitan niya ang susi ng bahay niya at ‘wag na niyang ipo-post.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page