ni Beth Gelena - @Bulgary Files | January 30, 2022

Nakakabilib ang Pinoy boy band na SB19 dahil tinalo na naman nito ang sikat na Korean boy band na BTS.
Ang SB19 lang naman ang nakapagtaob ng record ng BTS sa Billboard’s Top Trending Songs Powered by Twitter.
Ang nakakalungkot, ang ilang kapwa natin Pinoy, imbes na maging proud sa SB19, aba't isinusuka pa nila ang grupo dahil mga fans o army sila ng BTS.
Ang Butter song kasi ng BTS ang namayagpag ng anim na linggo sa number one place.
Pero, after 6 weeks ng pamamayagpag nila ay biglang umarangkada ang SB19 sa number one at nalampaso ang Army band sa kanta nilang Bazinga.
Sa social media ng @Billboard ay naka-post ang, "SB19's Bazinga spends a seventh week in No. 1 on Billboard's #TrendingSong charts #BillboardNews."
O, 'di ba't bongga?

