top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA
Search

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | September 30, 2022



Nagulat kami paggising namin kahapon ng tanghali, trending si Toni Gonzaga-Soriano dahil sa "Boycott #ToniShopee".


Actually, Miyerkules pa lang nang gabi ay marami na kaming nababasang #boycottToniShopee sa social media at may iba rin kaming kakilala na nagsabing hindi na sila mamimili sa leading e-commerce platform sa Southeast Asia dahil nagtaas daw ng presyo ang mga dating produktong binibili nila at lilipat na sila sa karibal nito.


Nasabay pa sa bad news na magbabawas ng empleyado rito sa Pilipinas ang nasabing online platform dahil sa lugi nilang $931 million para sa 2nd quarter ng 2021.


Komento ng mga netizens, “Ang mamahal kasi ng kinukuha nilang endorsers, puwede namang hindi, tutal kilala na rin naman ang Shopee.”


“I won't be using Shopee muna.”


“May pambayad ng endorser, pero sa empleyado, wala.”


Totoo naman tulad nina Jackie Chan, Sarah Geronimo, BlackPink, Anne Curtis, Kim Chiu, Alex Gonzaga, Willie Revillame, Kathryn Bernardo at Kris Aquino.


Ang nakakagulat ay kababalita lang na marami silang Pinoy employees na tatanggalin dahil sa malaking lugi ay isinabay naman ang pagpapakilala sa bago nilang celebrity endorser, si Toni Gonzaga-Soriano na kaya pala trending.


Kalahating bilyong piso kaya ang talent fee ni Toni tulad sa tsikang natanggap niya sa ALLTV?


At isa kaya ito sa mga dahilan kung bakit nalugi raw ang Shopee at binawi sa mga empleyado?


Isa pang dahilan ay supporter si Toni ni Presidente Bongbong Marcos, Jr. kaya iboboykot siya kasama na ang e-commerce platform?


Anyway, nabalitaan namin sa mga dumalo sa launching ni Toni kahapon bilang bagong endorser na wala raw ang usual na interbyuhan ng mga dumalong media sa TV host-actress, bawal daw.


Sa madaling salita, na-foresee na ito ni Toni G. na tiyak na maraming itatanong sa kanya ang media tungkol sa maraming bagay kaya ini-request niyang no media interviews?


Ano kaya'ng damage control ang gagawin ng Shopee dahil ikina-cancel ang bago nilang endorser?



 
 
RECOMMENDED
bottom of page