top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 4, 2021





Congrats kay Vice Ganda na proud na naka-10 million subscribers na sa Instagram.


Mukhang sunud-sunod ang blessings ngayon kay Vice dahil katatapos lang din ng kanyang show-concert sa Los Angeles, California, USA titled Vax Ganda: A Dose of Laughter, ngayon ay may good news na namang dumating sa kanya.


At bukod pa riyan, very happy din ang kanyang love life lalo't kase-celebrate lang din nila ng kanyang boyfriend na si Ion Perez ng kanilang 3rd anniversary.


Sa kanyang IG account last Oct. 25, nag-post si Vice ng photo nila ni Ion at sa caption, ang sweet ng mensahe niya para sa BF.


"3 years of not giving a f--- about other people’s thoughts and judgements. 3 years of just being unapologetically in love and happy. I love you Noy! And I love winning in life with you," kasunod ang hashtags na #ThreeYears and #ViceIon.


Love wins talaga ang drama nila, kinabog sina Romeo and Juliet!


Taraaaaay!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page