top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | October 10, 2022



Wala nang mahihiling pa si Bea Alonzo sa darating niyang birthday sa October 17 at ang wish na lang ng aktres ay ang magtuluy-tuloy ang pagdating ng blessings sa kanya.


Pero kahit hindi pa niya birthday, tuluy-tuloy naman talaga ang dating ng blessings kay Bea.


In terms of endorsement, sunud-sunod pa rin ang dating ng mga endorsements sa kanya. Kalalabas lang ng endorsement niya ng Emma Mattress, bago matapos ang 2022, may dalawa pa siyang big endorsements na lalabas. Ang isa nga ay international product na hindi pa puwedeng banggitin.


Pagdating naman sa kanyang career, sunud-sunod din ang offers kay Bea at hindi na raw malaman ng management nito kung ano ang uunahin. Hindi pa man tapos ang Start-Up PH, inilatag na ng GMA-7 ang susunod niyang project at gaya sa series nila ni Alden Richards, excited din si Bea na makatrabaho ang sinasabing makakasama niya.


Sa movie projects, may traffic ang schedule ni Bea dahil sa dami ng offers, hindi alam kung ano ang uunahing gawin. Sa GMA Pictures lang, tatlo ang offers sa kanya at isa rito ang pagtatambalan nila ni John Lloyd Cruz at isang pagtatambalan nila ni Alden. Sa third offer, siguradong madodoble ang saya ng mga fans ni Bea sa kanyang mga makakasama.


May two movie projects pa siya kay Director Erik Matti, may gagawin din sa Star Cinema at naka-line-up pa rin ang movie nila ni Alden na partnership ng GMA Pictures, Viva Films at APT Entertainment.


Para hindi siya ma-stress, magbabakasyon muna for one month sa Spain si Bea at pagbalik, sabak na naman sa trabaho. Sa mga nagtatanong, hindi niya kasama ang kanyang boyfriend na si Dominic Roque, pamilya lang ang kasama ni Bea.


At para walang iniisip habang nasa bakasyon, tinapos muna ni Bea ang taping ng Start-Up PH at kasama siyang magpo-promote ng series sa Dagupan City Plaza sa October 15 at pati ‘yung sa Cebu City sa Oct. 20.


Samantala, simula bukas, #StartUpPH will be streamed LIVE on Kapuso Stream. Exclusive lang ito sa Pilipinas at actually, matagal nang hinihintay ng mga fans.


Sa mga interviews sa kanya, nababanggit ni Bea ang qualities ni Dani, ang karakter na ginagampanan niya sa Start-Up PH. Tinanong namin ito kung anong ugali naman ni Dani ang ayaw niya. Mabilis ang sagot ni Bea na “May temper si Dani na hindi nakakatulong sa kanya.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page