top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | April 14, 2026



Bianca de Vera at Dustin Yu - Instagram

Photo: Instagram



Matapos mag-viral ang sweet photos nila ng ka-love team na si Bianca de Vera sa social media nang makita silang magkasama sa Hong Kong nu’ng Holy Week, finally ay nagsalita na si Dustin Yu sa real score sa kanila ng aktres.


Sa ginanap na grand mediacon ng Almost Us, ang latest Regal Entertainment at Project 8 Projects offering na bida ang tambalang Fyang Smith at JM Ibarra, diretsahang sinabi ni Dustin na “getting there” pa lang sila ni Bianca at pinapatunayan pa niya ang kanyang sarili sa ka-love team.


Although aminado siyang nami-miss niya si Bianca at ito pa rin ang naiisip niyang kaeksena kahit pa si Fyang ang kaharap niya sa ilang scenes sa Almost Us, nilinaw niyang hindi pa siya sinasagot ng aktres na younger version ni Anne Curtis.


“Nandu’n pa ako sa process talaga na pinapatunayan ko pa ang sarili ko sa kanya. Araw-araw, hindi ako hihinto hangga’t dumating sa panahon na you know…” pabiting sagot ni Dustin na lalo pang gumuwapo ngayon dahil ang fresh-fresh ng hitsura.


Anyway, pumayag si Dustin na maging love interest ni Fyang sa Almost Us dahil nagandahan siya sa role at hindi raw niya iniisip na pang-third wheel o pang-love triangle lang siya sa JM-Fyang love team.


Welcome naman si Dustin kina JM at Fyang dahil matagal na raw silang magkakakilala at masaya ang dalawa na nakatrabaho ang una.


Sa May 6 na ang showing sa mga cinemas nationwide ng Almost Us na mula sa direksiyon ni Direk Dan Villegas.


Kasama rin sa pelikula si Yuki Takahashi na nang kumustahin naman namin tungkol sa nali-link sa kanyang si Marco Gumabao ay tumangging magdetalye at ang tanging nasabi ay “friends” pa rin sila ng aktor sa kabila ng balitang nag-break na sila.


Samantala, maraming aabangang kilig moments kina JM at Fyang sa movie at isa na nga rito ‘yung controversial scene ng malakas na paghampas ni Fyang sa “balls” ni JM dahil na-curious daw siya kung talaga bang masakit para sa mga lalaki kapag ‘tinatamaan’ ang kanilang balls kaya tinesting niya.


Hahaha! May pagkakrung-krung din pala itong si Fyang, ‘no?! ‘Kaaliw!




‘Di naman siya si Dyesebel, ‘no?! BYUTI AT TISAY NA AKTRES, ‘DI PA RAW NAKAPAG-SHAVE, TODO-TANGGING MAG-TWO-PIECE SA SERYE





BLIND ITEM:


INAAYAWAN palang makatrabaho ng production people ang isang byuti at tisay na aktres nu’ng kanyang kabataan days dahil sa attitude nitong maarte na, marami pang hanash o reklamo.


Kuwento ng isang tao sa production, minsang mag-taping sila ng serye na bida ang aktres, na-delay nang bongga ang kanilang trabaho dahil todo ang pag-iinarte ng aktres na ayaw niyang mag-two-piece dahil wholesome actress daw siya at isa pa, hindi pa raw siya nakakapag-shave ng kanyang ‘flower garden’ kaya dyahi.


Ang point ng kausap namin, alam naman daw ng aktres ang mga sequences na kukunan at bakit daw kung kelan isu-shoot na ang eksena, saka pa ito nag-inarte na kesyo ayaw mag-two-piece.


Malaking delay sa kanilang trabaho ang pamimilit sa aktres. Imbes daw mapabilis sila ay tumatagal ang taping at maraming naaabala, bukod sa lumalaki rin ang gastos ng production.


Dahil sa pag-a-attitude niyang ‘yan, isinumbong siya sa bossing ng network kaya pala hindi na siya binigyan uli ng seryeng pagbibidahan niya.


Well, hindi naman Dyesebel ang role ng aktres, naka-two-piece naman siya, pero bakit kaya big deal sa kanya?

‘Kalokah!







HINDI inasahan ng Mindanao filmmaker at dati ring journalist na si Direk Editha Z. Caduaya na ang ginawa niyang docu film tungkol sa life story ni Col. Hansel Marantan titled Sa Likod ng Tsapa, The Story of Col. Hansel Marantan ay kikilalanin sa film festival sa ibang bansa.


Kaya naman nang magwagi ang naturang docu film ng Outstanding Excellence Award sa Documentaries Without Borders International Film Festival na inanunsiyo noong March 15, 2026, sobrang tuwa at proud hindi lang ng filmmaker kundi maging ni Col. Marantan mismo.


Pa-retire na pala kasi si Col. Marantan in 90 days at nang ginawa niya ang pelikula last year na ipinalabas dito sa Pilipinas at sa ibang bansa, ang goal niya lang ay makapag-iwan ng legacy sa kanyang mga kapwa pulis sa pamamagitan ng paglalahad ng kuwento ng kanyang buhay na puwedeng maging inspirasyon ng mga tulad niyang nasa ganitong propesyon.


At bukod sa naturang award, kinilala rin ang pelikula sa DHAKA INTERNATIONAL FILM FESTIVAL kung saan tumanggap ito ng Special Mention Award noong January 2026. Isang patunay na patuloy na pagkilala sa international scene. 


Tampok sa pelikula ang buhay ni Hansel Marantan, ang makataong kuwento niya sa likod ng kanyang posisyon bilang isang pulis. 


Ibinahagi sa pelikula ang ilang kontrobersiya, mga panggigipit na karanasan at inspirasyon sa buhay.


Tampok sa pelikula sina Hansel Marantan, Stefanio Rabino, Christopher Saladero at Nicolas Torre lll na mga kapwa nagseserbisyo rin sa bansa bilang mga pulis.

Pagkatapos ng success ng pelikula, last April 11, ginanap din ang Sa Likod ng Tsapa  MTV official launch sa Camp Vicente Lim, Canlubang, Calamba, Laguna. 

Mapapanood at mapapakinggan ang Sa Likod ng Tsapa sa mga digital platforms gaya ng #Spotify at #YouTube.


Sa ngayon, wala raw balak si Col. Marantan na magkaroon pa ng part 2 ang kanyang life story dahil mahirap daw palang umarte lalo’t wala silang script sa movie.

After mag-retire, gusto na lang daw niyang i-enjoy ang simpleng buhay kasama ang kanyang pamilya.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page