ni Nitz Miralles @Bida | January 15, 2026

Photo: Dennis Trillo / IG
Sinagot ni Dennis Trillo ng “Lahat po sila ay special para sa akin,” ang comment ng isang netizen na nagtatanong kung special child ba si Jazz, anak ni Jennylyn Mercado kay Patrick Garcia.
Hindi na nakasagot ang nagtanong at karamihan sa mga comments ay pinuri ang pagiging ama ng aktor.
May nag-comment pa ng “Sobrang bait ng batang ‘to. Araw-araw ko ‘to nakikita sa school,” na sinagot ni Dennis ng “Kaya napakasuwerte namin sa kanya.”
May event sa school nina Jazz na sinuportahan nina Dennis, Jennylyn at daughter nilang si Dylan. Nang i-announce na ang team ni Jazz ang nanalo, bumaba ang aktor at kinarga ang anak.
Ang gaganda ng mga comments kay Dennis at pinuri siya sa pagiging ama kay Jazz.
Ilan sa mga mababasa ay “Not a stepfather but a father who stepped up,” “Sana lahat ng stepfather, kagaya mo,” “Salute to Dennis,” “Additional 1M (million) pogi points kay Dennis Trillo,” “Bakit ako naiiyak,” “Ang pogi mo lalo r’yan, ‘kakabilib ka,” “Can’t stop crying. This touched my heart so much. Thank you, Dennis Trillo, for loving Jazz purely. You are truly a blessing to awesome mom Jennylyn Mercado,” at “Sana all may Dennis Trillo na loving husband at responsible father.”
Anyway, dream pala ni Dennis Trillo na maka-penetrate sa Hollywood. Ito ang caption niya sa photo niya with Art Acuña na guest sa Sanggang Dikit FR (SDFR):
“Balang-araw magkakaroon din ako ng Hollywood project katulad ni Sir Idol @ArtAcuña. Abangan n’yo ang eksena namin sa #SanggangDikitFR.”
FIRST lead role ni Paolo Gumabao bilang Alfonso ‘Alfie’ Mucho sa Spring in Prague (SIP), ang pre-Valentine 2026 offering ng Borracho Films sa direction ni Lester Dimaranan.
Inamin niyang na-challenge siya at ibinigay ang rason, na ikinatuwa ng press sa mediacon ng pelikula.
“Hindi ako sanay sa role na mabait at lover boy. Sanay akong laging galit at hindi makatawa. Challenging pala,” sabi ni Paolo.
Hindi lang mabait at lover boy ang role ni Paolo, foreigner din ang leading lady niyang si Sara Sandeva at may mga eksenang lambingan pa sila. Sayang at wala sa mediacon si Sara.
Hopefully, sa premiere night sa January 19, 2026 sa Gateway Cinema, present siya para ma-interview.
Sa interview pa kay Paolo ni Rommel Gonzales, hindi lang ang mabait niyang role ang nagbigay ng challenge sa kanya. Nahirapan din siya dahil sa lamig sa Prague. Nagbiro pa siyang mahirap daw mag-English nang dire-diretso kapag malamig dahil nanginginig ang katawan niya.
Pinuri naman siya ni Atty. Ferdie Topacio, executive producer ng movie, dahil very expressive ang face niya.
Sagot ni Paolo Gumabao, “Salamat sa mga papuri ninyo. ‘Pag may trabaho ako, inilalabas ko ang best ko, the best actor I can be.”
NAGULAT, kinabahan, natakot, pero excited ang singer-songwriter na si Rob Deniel nang sabihin sa kanya ng Viva Live na magkakaroon siya ng solo concert sa Araneta Coliseum.
Wala nang urungan ang concert na may pamagat na The Rob Deniel Show.
Out na ang tickets at maganda ang takbo ng bilihan. Pagdating ng concert date, inaasahang sold-out na ang tickets dahil pangako ng mga fans ni Rob na susuportahan nila ito at hindi pababayaan ang kanyang first major solo concert para masundan pa.
Guests ni Rob sa concert sina Arthur Nery, Janine Teñoso, Ashtine Olviga, at sina Pops Fernandez at Ogie Alcasid.
Siguradong tinanggap agad ni Ogie ang guesting dahil malaki ang pasasalamat nito nang i-cover ni Rob ang song niyang Nandito Ako. Nakilala raw siya ng Gen Z fans at muling nag-trending ang song at siya mismo.
Bago ang concert, ire-release ni Rob ang bago niyang album sa February 13 at paniguradong kasama sa repertoire niya ang mga kanta mula sa new album. Of course, kasama rin ang hit songs niyang Sinta, Ulap, Miss Miss, RomCom, at Ang Pag-ibig.




