top of page
Search

EXECUTIVE PRODUCER SA DOS, 'DI MA-TAKE NA IPINASARA ANG NETWORK, NA-STROKE, NAMATAY

ni Nitz Miralles - @Bida | July 23, 2020


ree


Maiksi, pero puno ng kahulugan ang post ni Judy Ann Santos sa Instagram na “Ang bawat istorya.. may simula.. may gitna o tinatawag naming highlight ng pelikula o teleserye.. at may katapusan.. may bida, may kontrabida.. hindi dito magtatapos ang istorya namin.. simula pa lang ito. #labankapamilya #SONAgkaisa.”


Puno ng kahulugan dahil sa hashtag na #SONAgkaisa na nataon sa SONA ni President Rodrigo Duterte at aabangan ito dahil baka mabanggit ang ABS-CBN.


Sa napanood naming video ni Juday na nagde-deliver ng spiel para sa kanyang show, hindi nito mai-deliver nang maayos ang sinasabi dahil iyak nang iyak. Dinig din ang malalim niyang buntong-hininga dahil nga mabigat ang nararamdaman.


Ang sabi, kasama sa mga natanggal sa trabaho sa ABS-CBN ang program manager ng show ni Judy Ann na Paano Kita Mapapasalamatan.


Tapos, nabalitaan namin, pumanaw na ang isang EP (executive producer) ng ABS-CBN na unang na-stroke dahil na-stress nang hindi ma-renew ang franchise ng network.

Ka-sad naman.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page