ni Beth Gelena @Bulgary| August 5, 2024

Nagkomento sina Bianca Manalo at Sen. Win Gatchalian sa viral post ni Sen. Sonny Angara na picture nilang dalawa sa Senado kung saan makikitang hinalikan ni Sen. Win ang GF sa lips habang nakaupo ang former beauty queen.
Nakita ni Sen. Angara ang couple na very sweet, kaya ipinost ng DepEd Secretary sa kanyang Instagram at nilagyan ng caption na: “Marami palang naengganyo sa huling talumpati ko sa Senado — I was told I bring people together.”
Kaya naman, napa-“Oh, my gosh” si Bianca nang makita ang picture nila ng boyfriend.
Sey naman ni Gatchalian, “Hahaha! Bagsak kami sa good manners and right conduct Mr. Secretary. I didn’t see the camera was focused to the back.”
Samantala, kani-kanyang komento naman ang mga netizens sa post, kabilang ang “#SonnyAll!” at “Ang puso ng Senado.”
Paliwanag naman ni Bianca, “I had to leave already, because I have a play to watch at the GSIS theater, which is behind the Senate building, so we kissed goodbye. We didn’t know we would be seen on the monitor while Secretary Sonny was having his goodbye speech.”
Pinost ni Maine Mendoza sa kanyang Instagram (IG) page ang kanilang mga sweet photos ni Quezon City 1st District Congressman Arjo Atayde nu'ng kanilang 1st wedding anniversary last July 28.
Magkasunod na ishinare ng Eat Bulaga! (EB!) host ang ilan nilang kuhang larawan ng mister. Ang nakalagay sa caption, “Been a year (white heart emoji).”
Sa wedding vow ni Arjo, binalikan nito nang makita sa kauna-unahang pagkakataon si Maine.
Aniya, “Hi, Maine. I remember exactly how I saw you for the first time. It was like a scene in a movie, but it was so real to me. Someone I always had a crush on, I wanted to meet, work with all odds against us, apparently, until the right time came. Without forcing it, I know it was you.
“Thank you for choosing me. Thank you for being my bestest friend. Thank you for making us feel normal. Thank you for taking care of me, thank you for you.”
“Answered prayer,” naman ang pagkakakilala ni Maine sa kanyang mister.
Buong pahayag ni Maine, “I want to start my vow by saying, you are my answered prayer.
“I really prayed for you. Sabi ko, sana i-bless ako ni Lord ng taong magmamahal sa ‘kin nang tunay at buo.
“I just know that deep down, one day, God will lead me to someone who will give me the amount of love so much more than I am capable of giving. And He did. He led me to you, Arjo cutie.”
O, ‘di ba, ang cute ng kanilang wedding vows?
Kasalukuyang nasa vacay (vacation) ang celebrity couple, kung saan masayang ipinasilip ni Maine ang date night nila ng mister.
Sa special na okasyon, ay nakasuot ng matching black outfits ang mag-asawa.
Patunay lang ito na kahit may kumakalat na isyu na hiwalay na ang celebrity couple, ipinapakita nila sa buong mundo na still going strong pa rin ang kanilang married life.
May nagtanong pa na, “Are they still together? I thought they were separated and waiting for their marriage to be annulled.”
Sagot ng isang netizen, “Nasa vacation po sila sa Athens, Greece ngayon.‘Wag pong paniwalain sa chismis.”
Sey ng iba pang mga netizens, “Ikaw yata naghihintay na maghiwalay sila dahil iba pa rin ang ilusyon mo.”
“Miss Marites, kung nauuso ang scam, nauuso rin po ang fake news.”
Marami naman ang kinilig sa date night ng ArMaine (Arjo at Maine).
Anila, “Kinagat ba naman. Hahaha! Cute.”
“Grabe naman. Ang sweet.”
“They were meant to be together.”
“Ang cute at ang kulit n’yo mag-asawa.”
“Very classic #PowerCouple.”

