ni Nitz Miralles - @Bida | August 27, 2022

Ang daddy ni Ruru Madrid na si Bong Madrid ang sumagot sa comment ni RR Enriquez sa sinabi ni Ruru na four years na silang dating ni Bianca Umali pero wala pang label ang kanilang relasyon.
Sabi kasi ni RR, gusto niyang sumawsaw at nanggigil siya at sinabihan si Bianca na “You should know your worth.”
Sagot ng dad ni Ruru, “Bakit pinapakialaman mo buhay ng may buhay? 'Di ka ba masaya sa buhay mo? Alam mo na 'yung salitang RESPECT and PRIVACY? Ang dami mong puwedeng pagkaabalahan? Hayaan mo sila, gusto nila 'yun. Payuhan kita, try mong maghanap ng mga taong in need, for sure, may puwesto ka sa langit. Ooops, 'di ko need ang reply mo, sayang ang oras mo at oras ko para basahin pa, busy ako. K, bye.”
Sinundan ito ng pagpo-post ni Bong ng photo ni RR sa Instagram niya at comment na “Ah, eto pala 'yung RR ENRIQUEZ. Artista ba 'to? Ano'ng show. Nagpa-# ng prayforbianca, gigil daw siya sa 4 years na walang label. Hindi niya yata alam ang salitang RESPECT at PRIVCY.
Ang daming puwedeng pagkaabalahan, buhay pa ng may buhay ang pinapakialaman. Ang daming oras, 'di siya busy. #PagInggitPikit.”
Sumagot si RR by posting Bong’s comment at sabi, “Ahaha, I love it na may isang lalaki na (ewan ko if lalaki ba talaga ito) na pumatol sa pagiging sawsawera ko...
"Sir @bhongmadrid with all due respect. You are asking me if artista ba ako? Sa tanda mo na 'yan, hindi mo ako kilala? Galing po ako sa Wowowee. Dahil sikat 'yung show na pinapasukan ko 13 years ago, so baka po somehow, nabiyayaan po ako. Baka nga po isa ka pa sa bumili ng mga sexy cover magazines ko.
"And by looking at your pictures po, sorry din, ha, ayaw ko po kayo i-disrespect but since kayo po unang nag-post sa akin na nag-ask if artista ba ako, sasagutin ko po ulit kayo. Sure po ako sa ating dalawa, mas mukha po akong artista.
"Pasensiya na rin po pala kayo if sumawsaw ako sa issue ng anak n'yo. It was already published...
Sumawsaw lang ako. Bakit hindi po 'yung unang nag-publish na @pikapikaph ang inaway n'yo?
Dahil du'n ko po sa kanila nakuha ang issue na about walang label... Why kasi takot ka na lalo ma-issue ang anak mo?”
Dagdag pa ni RR, kung gusto ng privacy, ‘wag daw pag-artistahin ni Bong ang anak
(Ruru). Hindi rin daw niya kinaiinggitan ang relasyon na walang label. Pinayuhan pa nito si Bong na ‘wag sumawsaw sa isyu kung gusto ng privacy. Pinromote pa ni RR na topic sa kanyang vlog si Bong.

