top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 19, 2021





Excited kami sa in-announce ni Public Attorney's Office (PAO) Chief Atty. Persida Rueda-Acosta sa ibinigay niyang thanksgiving party for the members of PMPC at ilang close sa kanyang press people last Thursday na ginanap sa kanyang opisina.


Ibinalita kasi ni PAO Chief na gagawin daw movie ang kanyang life story at mukhang may production outfit nang naghahanda para rito.


Pero dahil pandemic pa raw, baka mga next year na masimulan ang movie, kapag mas maluwag na ang sitwasyon.


Ang daming pangalan na nabanggit ni Atty. Persida nang tanungin namin kung sino ang mga gusto niyang gumanap bilang siya sa kanyang biopic.


Nandiyan sina Bea Alonzo, Bela Padilla, Marian Rivera, Congw. Vilma Santos-Recto, Superstar Nora Aunor, pero mukhang pinaka-bet niya si Ms. Dawn Zulueta na favorite actress pala niya, lalo't ang magiging love interest nito para gumanap na asawa niya ay si Ormoc Mayor Richard Gomez.


'Pag nagkataon, ang gandang material ng biopic ni Atty. Persida para sa pagbabalik ni Dawn sa paggawa ng movies after the pandemic.


Samantala, kahit ang dami-daming kasong hawak ng PAO tulad ng citizenship ni Walter Manuel F. Prescott na tinututukan ngayon ni Chief Acosta dahil sa awa sa ipinade-deport nating kababayan, hindi nagpapabaya ang masipag na head ng Public Attorney's Office at nilawakan pa ang pagbibigay ng serbisyo sa mga kababayan nating nangangailangan.


Kaya ang kanyang Persida Acosta's Legal Advice #PALA LIVE SHOW na napapanood sa Facebook page ni Atty. Acosta tuwing Biyernes, at 2 to 3 PM ay mas pinalakas, mas pinatindi at mas pinaganda sa Season 2 nito na nagsimula na uling umere nu'ng Dec. 3.


More or less ay nasa 2 million ang followers ni Atty. Persida sa kanyang #PALA LIVE SHOW at karamihan dito ay mga kababayan nating OFWs na may mga katanungang legal.


Kaya naman, malaking tulong ang naibibigay ng naturang show lalo na sa mga Pinoy na hindi na makapunta mismo sa opisina ng PAO.


Kaya hindi na kami magtataka na kapag nag-decide talagang tumakbong senador si PAO Chief Atty. Persida Acosta ay mananalo siya lalo't 13 million Filipinos ang kliyente at natutulungan ngayon ng kanilang ahensiya.


 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | December 17, 2021




Mahigit dalawang dekada na pala mula nang umupo si Atty. Persida Rueda-Acosta bilang head ng Public Attorney’s Office (PAO). At kung siya ang tatanungin, nais pa rin niyang paglingkuran ang ating mga kababayan bilang PAO chief.


Pero alam naman ng marami na ang pag-upo ng mga namumuno sa iba’t ibang government offices ay nakadepende sa kung sino ang lider ng bansa.


Sa darating na 2022 ay may uupo na bagong pangulo ng bansa. Siyempre, naniniwala tayo na naging maganda ang performance ni PAO Chief Acosta and the rest of her team during Pres. Rodrigo Duterte’s term.


Masisilip naman siguro ang paglilingkod na ginawa ni PAO Chief sa mahigit 13 million Filipinos na tinulungan nila ng susunod na administrasyon.


And so, marami ang umaasa na tuloy pa rin si Atty. Acosta bilang PAO head until umabot siya sa kanyang retirement age sa 2026.


If ever mapalitan siya bilang PAO chief sa susunod na taon ng bagong administrasyon, tuloy pa rin daw ang serbisyo ng mga taga-PAO sa taumbayan.


“Tuluy-tuloy po ang PAO. Kita n’yo naman, ilang dekada na akong Public Attorney’s chief.


Magtu-21 years na po ako na PAO chief sa February. Wala po akong inuurungang kaso.


Magpalit-palit man ang political landscape, nand’yan pa rin po ang PAO, kakampi ng mga biktima at mga naaapi,” paniniyak ni PAO Chief Acosta sa thanksgiving party niya with the press sa kanyang opisina kahapon.


Nilinaw din ni Atty. Acosta na wala siyang inatrasan na laban partikular na ang balitang pagtakbo niya raw bilang senador sa nalalapit na halalan.


“Wala po akong inaatrasan. Wala po akong inaatrasan dahil hindi naman po ako nag-file ng candidacy. Hindi po ako nag-withdraw. Hindi po ako nagpa-substitute dahil wala po akong finile na candidacy.


“Si Persida Acosta po, once sumugod sa laban, walang atrasan.


“Malay n’yo po, pagdating ng panahon, kailanganin ko ang tulong n’yo para sa masang Pilipino. Magkaroon ng boses ang masa sa Senado. Malay n’yo lang, pagdating ng panahon,”


sabay kanta ni Atty. Persida ng awitin ni Ice Seguerra, ang Pagdating ng Panahon.


Dugtong pa niya, “Pero siguro po, baka. Kasi po sa 2026, magre-retire na po ako. Sixty-five na ako noon.


“Do I look 60 now?


“Magre-retire na po ako sa 2026. Wala na po akong gagawin. Wala na po akong gagawin sa PAO kapag nag-65 ako dahil compulsory sa PAO.


“Baka pumasok na po sa isip ko at pilitin n’yo po ako. ‘Pag pinilit n’yo po ako, ‘yan.


“Pipilitin n’yo po ba ako?” hirit pa ni PAO Chief Acosta.


Umugong ang malakas na ‘yes’ ng mga miyembro ng entertainment media sa tanong ni Atty. Acosta.


“Ayan,” ngiti ni PAO Chief. “Magkakaroon na po ng boses ang movie press. Meron kayong opisina sa aking opisina.”


Masaya ring ibinalita ni Atty. Acosta na mas pinalakas, pinatindi at pinaganda ang bawat episode ng Season 2 ng kanyang digital platform, ang Persida Acosta Legal Advice #PALA Live Show.


Siya ang gumaganap na host ng nasabing programa bilang kabahagi ng PAO’s legal advice and information dissemination program na isinasagawa online via Facebook Live @ FB Fanpage Persida V. Rueda-Acosta, at 2-3 PM.


Napapanood ang programa ni Atty. Acosta ng mahigit kumulang na 2 million Facebook viewers around the world. Karamihan sa kanila ay may katanungang legal na binibigyan niya ng payo nang live, hah?


Tulad ng kanyang ipinangako na gawin ang #PALA bilang paraan para maipaabot sa ating mga kababayan na merong alitan na maaari namang pag-usapan at resolbahin sa pamamagitan ng pag-uusap, upang maiwasan ang pagsasampa ng kaso sa husgado.


Magdaragdag ng isa pang segment ang FB live show ni PAO Chief sa pagpasok ng 2022 at ito ay ang pagsasagawa ng MEDIATION at pag-uusap ng mga personalidad na merong alitan upang sila ay pagkasunduin.


Ngayong Biyernes, mapapanood sa FB Fanpage live ng Persida V. Rueda-Acosta ang 3rd episode sa Season 2 ng Persida Acosta’s Legal Advice #PALA.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page