top of page
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | March 23, 2026



Babu kina Chie at Jeric…
JAKE AT RABIYA, SPOTTED NA NAGDE-DATE SA RESTO SA BGC
Jake Cuenca at Rabiya Mateo - CIrculated

Photo: Jake Cuenca at Rabiya Mateo - CIrculated



Agaw-eksena ngayon sa social media sina Jake Cuenca at Rabiya Mateo.

Namataang magkasama ang dalawa sa isang restaurant sa BGC (Bonifacio Global City), Taguig kamakailan.


Nakuhanan ang Kapamilya actor at ang dating beauty queen na magkausap habang nasa outdoor area ng restaurant.


Agad itong umani ng atensiyon at naging usap-usapan kung may espesyal bang namamagitan sa dalawa.


Wala namang masama dahil pareho na silang loveless sa kani-kanilang nakaraang relasyon. Hiwalay na si Jake kay Chie Filomeno at si Rabiya naman, kay Jeric Gonzales.


Ayon sa kumuha ng larawan, dalawa lamang sina Jake Cuenca at Rabiya Mateo sa nasabing pagkakataon, na naging mitsa ng hinala ng mga netizens na baka nagde-date na ang dalawa.





NALOKA si Shaira Diaz nang magpa-full tank ng kanyang sasakyan at umabot ito ng P7,500 na dati raw ay P3,000-P4,000 lang. 


Napa-“Aray!” ang misis ni EA Guzman at aniya, “Ramdam na ramdam ko na ang #OilPriceHike! WOW! Dati nasa ₱3,700–₱4K lang ang full tank ko. Nabulaga ako!”


Sa ngayon, marami ang tumigil muna sa pasada, at ang iba naman na may sasakyan ay piniling iparada na lang dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina.


Ang punto rito, habang tumataas ang presyo ng gasolina at diesel, tumataas din ang presyo ng mga bilihin. Ibig sabihin, mas lalong kakapusin ang ating mga kababayan. Grabe na talaga ang inflation, kaya kung maaari, magtipid na muna.

Sey ng mga netizens: 


“‘Yung mga rich people, balewala lang ‘yan sa kanila. Paano ang mga ordinaryong Pilipino, ang mga driver na boundary? Nakakaawa naman ang kalagayan nila.”


“Dito lang naman sa ‘Pinas tumataas, sa ibang bansa, ‘di tumataas.”


“Mga buwaya kasi ang nasa gobyerno. Biro mo, nabili nila 3 months ago pa ang mga oil reserves at a normal price. Nagkagiyera, dinoble ang benta, Philippines!”


Talagang ramdam hindi lang ng mga ordinaryong tao kundi kahit ng mga maykaya sa buhay ang epekto ng pagtaas ng presyo ng gasolina dahil sa giyera sa Middle East. Pero ang mas masaklap ay may mga negosyante na mapagsamantala kaya lalong pahirap sa mahihirap.





BINUWELTAHAN ng aktor-host na si Luis Manzano ang basher na tumawag sa kanya ng ‘buwaya’ na nag-viral.


Pero ang pagganti niyang ito ay may humor at composure.

Sa isang post, ibinahagi rin ni Luis ang larawan ng basher at sinabing, “Pinagsasabi mo, kasinggulo ng buhok mo at utak mo.”


Komento ng isang netizen, “Mangga kasi ‘yan, bakit n’ya sasabihan ng ‘buwaya’ kasi.”

Bumilib naman ang isang commenter sa estilo ng pagsagot ng anak ni Vilma Santos-Recto.


Aniya, “Luis has always been having a good time every time he talks about bashers. Simple pero rock.”


“Hahaha! Boom. Panis kay Luis.”

“Bakit ba sila naiinis kay Luis? ‘Wag nilang panoorin kung naiinis sila.”

“Huy, bruha. Judgmental ka. Very respectful na tao si Luis, mabait pa.”


Pagtatanggol pa ng isang commenter, “Bakit ganito ang ibang nagko-comment? Kung makapag-bash sa mga artista, parang may ambag ka sa buhay ng ibina-bash mo. Isa si Luis sa mga matulungin. Sariling pera n’ya ‘yan, pinaghirapan n’ya. Napakarami n’yang natutulungan.”


“Ayusin mo muna buhok mo, girl. Nakakapagpasaya nga si Luis at magaling mag-joke.”

“Great job, Luis. Dapat talaga, ‘di pinapalampas ang mga ganyang tao.”

Ganern?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page