top of page
Sen. Robin Padilla - FB.jpg
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 12, 2026



SPECIAL - ALVIN VICE, WALANG ‘K’ MAGPAYO BILANG MAGULANG-FB Alvin Aragon & Vice Ganda

Photo: FB Alvin Aragon & Vice Ganda




Tila ayaw namang magpatalo ni Alvin Aragon kay Xian Gaza sa pag-iingay sa social media dahil kung pagba-blind item ang trip ng Pambansang Marites, pagbanat naman sa mga members ng LGBTQIA+ ang paraan ng pagpapapansin ng mister ni Izzy Trazona para pag-usapan.


Sa kanyang FB post, may litanya na naman si Alvin and this time, sina Vice Ganda at Ion Perez naman ang binanatan niya na diumano'y walang karapatang magpayo sa pagiging magulang.


Simula niya (as is), “Hindi lisensya ang Same Sex Marriage nyo ni Ion para magbigay ka ng mga payo, kasabihan,


tungkol sa mundo ng buhay Mag Asawang tunay na lalaki at tunay na babae at tungkol sa Mundo ng mga Magulang na tunay na mga lalaki at tunay na babae.


“Hindi ka naging/magiging tunay na wife, Hindi ka kahit kelan magiging tunay na nanay, Kaya wala kang karapatan na magsalita na kahit ano tungkol sa buhay mag asawa ng mga tunay na lalaki at babae at buhay magulang ng mga tunay na lalaki at babae.”


Patuloy pang dagdag nito, “Kahit kelan hindi kayo nararapat at kahit kelan hindi maaaring mabago ang orihinal na gawa ng Diyos sa pamilya.


“Lalaking asawa at Babaeng asawa ang magpapalaki sa isang Sanggol na nabuo dahil sa pinagsamang SpermCell and Eggcell na ginawa ng Diyos.

“#GetadvicefromtheBIBLE


Oh, ‘di ba, umariba na naman si St. Alvin?

Patulan naman kaya siya ni Vice Ganda?





May BF daw pero may sponkey din…

XIAN, PINATUTSADAHAN NA HUSTLER SI KIM



Ayaw nang patulan ni Kim Domingo ang blind item ng Pambansang Marites na si Xian Gaza tungkol sa pagkakaroon daw niya ng benefactor na rich congressman.

In fact, sa kanyang mahabang Facebook post, ani Kim, hindi siya galit kay Xian at bahala na lang daw ang mga tao kung ano ang gustong paniwalaan ng mga ito.


Ewan kung ikinapikon ni Xian Gaza ang pagdedma ni Kim sa kanya kaya heto, tila may bago na naman siyang patutsada sa sexy Kapuso actress sa bago niyang FB post na ganito ang nilalaman…


“Kesyo may jowa siya o wala, it doesn't matter at all. Ganyan talaga galawan ng mga hustler, may BF tapos maraming sponkey on the side. At the same time, nagwo-walk pa. Same same kay Miss Universe na jowa ng isang aktor. Ginagamit nila yung pagiging celebrity nila as front because being one makes your personal value skyrocket. Mas sikat, mas mataas ang rate.”


Dagdag pa nito, “Sad reality is, wala naman talagang pera sa pag-aartista. Barya-barya lang ang nakukuha nila diyan. Real money comes from brand endorsements. Kung wala kang big brands na dala-dala, olats ka sa loob ng industriya. So habang may beauty pa sila at may pangalan, sinasamantala nila ito para mang-harvat ng maraming pulitiko o malalaking negosyante na handang magbigay sa kanila ng milyones kapalit ng pansamantalang kaligayahan. Ang masakit diyan, most of the time, yung milyun-milyon na hinahandog sa kanila ay galing mismo sa kaban ng bayan.”


Bagama't walang binanggit na pangalan si Xian, malakas ang paniniwala ng mga netizens na sagot ito ng Pambansang Marites sa FB post ni Kim Domingo na inilantad ang Thai BF sa kalagitnaan ng pagli-link sa kanya sa rich congressman.

Sasagot kaya uli si Kim Domingo? 


Abangan!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page