ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 12, 2022

Nasa Istanbul na ang mga anak ni Ruffa Gutierrez na sina Lorin at Venice.
Mahigpit na nagyakap ang mag-aamang Yilmaz Bektas at ang dalawa nilang anak ni Ruffa sa Turkey airport pa lang.
Pagkatapos ng 15 taon ay muling nakapiling ni Yilmaz ang dalawa niyang anak sa ex-wife.
Naging madamdamin ang pagtatagpo ng mag-aama. Nagbahagi si Ruffa ng video ng pagkikita nina Lorin, Venice at Yilmaz sa kanyang social media accounts.
“The greatest love story of all time is between a father and his daughters. A beautiful and heartwarming reunion after 15-years of being apart,” ang caption ni Ruffa sa video na nilagyan niya ng hashtags na #NewBeginnings at #TogetherAgain.
Kahit nagkahiwalay na sina Ruffa at Yilmaz, hindi itinatanggi ng former beauty queen-actress na ito ang kanyang greatest love.
Nabanggit nga ni Ruffa sa isang panayam, “Si Yilmaz lang 'yung lalaki na hanggang ngayon, iniiyakan ko pa rin kasi may anak kami at 'yung sa amin ni Yilmaz kasi, malalim.
“May dalawang anak kami. In seven to nine years na magkasama kami, nagpakasal kami, nagkaroon kami ng dalawang anak, lumipat ako ng ibang bansa, iniwan ko 'yung career ko, iniwan ko 'yung pamilya ko, naghiwalay kami.
“Ang daming ganap in those years. And siya 'yung klaseng pain na gusto mo nang kalimutan at ibaon sa lupa. Na ayaw mo nang maramdaman 'yung klaseng pain na 'yun kasi iniwan ko siya na mahal na mahal ko pa rin siya pero mas mahal ko 'yung sarili ko.
"'Yun ang nangyari sa amin. Hindi naman dahil nag-fall out of love ako sa kanya. It's more of... I had to learn how to love myself first."
Ngayong naghilom na ang sugat na idinulot ni Yilmaz, malaya nang makikita ng ex-hubby ni Ruffa ang dalawa nilang anak.

