ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 6, 2020

Nag-celebrate si Maine Mendoza ng kanyang 5th anniversary sa showbiz industry. 2015 nang unang mapanood si Maine bilang ka-tandem ni Alden Richards as Yaya Dub. Dito nagmula ang love team na AlDub na talaga naman minahal ng napakaraming fans.
Kilig to the bones naman ang AlDub fans dahil sa video greetings ni Alden kay Maine.
Sey ni Alden, “Maine, gulat ka ‘noh? Akala mo kung sino. 'Di, joke lang. Happy, happy 5th anniversary sa showbiz.
"Sobrang tine-treasure ko lahat ng mga pinagsamahan at pinagdaanan natin throughout these years. Through the ups and downs, good and bad, happy, sad. Sobrang saya ko."
Samantala, post naman ni Maine sa kanyang socmed accounts, “5th year today. Grabe ang bilis ng panahon! Parang kailan lang... stream on Spotify, char. Salamat sa mga nakaalala. #MaineAnniver5ary.
“Salamat sa mga nagmahal, nagmamahal at patuloy na magmamahal. Gasolina ka gh0rl? Salamat sa limang taon!”

