top of page
SHEET - REKLAMO SA MTRCB VS. PBB, UMABOT NA SA 2,600_FB Ogie Diaz.jpeg
Search

ni Vinia VIvar @Frankly | November 26, 2026



FRANKLY - JAMES, BEST KISSING PARTNER DAW NI KATHRYN_FB Circulated

Photo: FB / Circulated



Halos mag-crash ang social media sa sobrang kilig ng mga Pinoy fans matapos mapanood ang much-awaited kissing scene nina Kathryn Bernardo at James Reid sa grand finale ng romantic-thriller series na Someone, Someday.


Sa Episode 90, na nag-premiere sa Netflix nitong Miyerkules, finally ay nagkaroon ng first onscreen kiss ang KathReid na matagal nang inaabangan ng kanilang mga supporters.


Dahil childhood best friends ang ginagampanang characters nina Kathryn at James sa series, marami ang nagtataka kung magkakaroon ba talaga ng romantic moment ang dalawa. Kaya naman nang tuluyan nang mangyari ang kissing scene, halos magwala ang mga fans sa sobrang kilig.


Lalo pang naging romantic ang eksena dahil parehong basang-basa sa ulan ang dalawang bida. Naka-slow motion pa ang scene na talaga namang nagpa-intense sa moment. At ang tagal ng kissing scene in the rain, huh!


Agad namang bumuhos ang reactions sa Facebook (FB), TikTok, at X (formerly Twitter). Puno ng mga heart emojis, kilig comments, at playful reactions ang social media mula sa mga fans na hindi agad naka-move on sa kissing in the rain scene ng KathReid.


May isang fan pa nga ang umamin na dating KathNiel supporter siya pero hindi raw maikakaila ang kakaibang kilig na hatid ng James & Kath tandem.


“Grabe, kilig overload sa sweet finale ng #SomeoneSomeday! I’m a KathNiel fan before, but honestly, iba ‘yung kilig na meron sa kanilang dalawa ngayon,” komento ng isang netizen.

Pabirong wish naman ng isa pa, “What if kayo na lang kahit in real life, okay lang naman sa ‘min, eh!” 


Hindi rin nakaligtas sa mga fans ang pagiging passionate ni Kathryn sa kissing scene.

“Hooooooyyy! Grabehan naman! Bigay na bigay si Kath!” reaksiyon ng isang netizen.

Samantala, may nagbigay din ng special recognition kay James bilang best kissing partner ni Kathryn.


“Congratulations, James Reid! You're officially Kathryn’s best on-screen kissing partner so far! The chemistry and the passion 10/10 AAAAAAAA,” sey niya.


‘Yun nga lang, marami pa rin ang nabitin dahil imagination scene lamang pala ito sa kuwento. Kaya naman marami ang nagre-request ng part 2 and more projects for KathReid.


“‘Yung grabe ang kilig na nararamdaman mo dahil sa kissing scene ng KathReid pero imagination lang pala nila ‘yun! Super-bitin ng ending pero sana, more projects for #KathReid!” sey ng isang faney.





Piolo, nangantiyaw, siniko ng aktor…

DONBELLE, EX-COUPLE ANG GALAWAN NANG MAGKITA ULI



KILIG to the bones din ang mga fans nina Donny Pangilinan at Belle Mariano matapos na makita na magkasama ang dalawa nitong nakaraang Martes, November 24.        


Naganap ang reunion ng DonBelle sa star-studded concert ni Piolo Pascual na Piolo: A Gala Concert sa Grand Ballroom ng City of Dreams Manila bilang pagdiriwang sa tatlong dekada ng aktor sa showbiz industry.


Nag-viral nga agad ang mga larawan at behind-the-scenes clips na ibinahagi ng mga dumalo sa event, kung saan spotted sina Donny at Belle in their elegant formal attire. 


Dumalo ang dalawa upang magpakita ng suporta kay Papa P, na close friend nila at nakasama pa ni Belle sa pelikulang Meet, Greet & Bye.


Makikita sa mga kumalat na videos na nagbesohan pa sina Donny at Belle nang magkita na labis na ikinakilig ng mga fans.


“Ako lang ba ang nakapansin, binalikat ni Donny si Papa P? Hahaha! Gusto n’ya ata, tabi sila ni Belle!” birong komento ng isang netizen matapos makita ang video clip ng grupo.


“Iba talaga ang ganda ni Belle, angat na angat! So beautiful face and looking elegant,” papuri ng isang fan sa pagdating ng aktres sa venue.


May nagkomento rin na parang ex-couple raw ang peg ng DonBelle sa kanilang muling pagkikita.


Pinag-usapan din ang isang cute moment sa video nang tila inasar ni Piolo si Donny habang papalapit si Belle sa kanilang grupo.


“Natawa nga ako, kinalabit pa nga ni Piolo sa likod kaso siniko s’ya ni Donny,” puna ng isang netizen.


“Parang bumalik sila sa dati nu’ng mga unang year nila na mag-LT (love team). Ganyan na ganyan sila,” saad pa ng isang faney.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page