top of page
Search

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 19, 2021



ree


Hindi napigilan ni Sorsogon Governor Chiz Escudero ang kanyang excitement sa mga sunud-sunod na tweets nitong mga nakaraang araw patungkol sa bagong teleserye sa GMA-7 na I Left My Heart in Sorsogon.


Eh, kasi nga, bukod sa pinagbibidahan ito ng misis niyang si Heart Escudero, eh, nakasentro ang palabas sa lalawigan ng Sorsogon at nasa title pa.


Kaya naman kung excited at may halong nerbiyos si Heart bago ito umere ay ganu'n din si Gov. Chiz.


Well, now they can both have a sigh of relief.


Matagumpay ang teleserye at talaga namang tinutukan ito ng publiko nang mag-global premiere noong Nov. 15. Naging trending din ang #ILeftMyHeartInSorsogon sa Twitter.


Talaga namang pinag-usapan ito nang husto.


Masaya ring ibinahagi ni Chiz sa kanyang Facebook at Twitter accounts ang screening sa provincial capitol na dinaluhan ng ilang empleyado at kanilang pamilya.


Talaga namang aabangan ng publiko ang ILMHIS dahil in fairness, bukod sa star-studded ang palabas ay maganda ang storyline na patok sa masa.


Mataas din ang naging ratings ng pilot episode nito na nagtala ng 12.1% rating and 11.8%, respectively, ayon sa Nielsen Philippines.


The unprecedented record has made Heart Evangelista the newest primetime queen and certified multi-media superstar.


Para kay Gov. Chiz, na ngayon ay balak magbalik sa Senado, hindi lamang tagumpay ni Heart ang teleserye kundi pati na rin ng lalawigan. Mas marami ngayon ang makaka-appreciate sa natatanging ganda ng Sorsogon.


Umaasa si Chiz na maeengganyo nito ang mga turista — local man o mga dayuhan — na bisitahin ang probinsiya. Unti-unti nang nagbubukas ang mga borders dahil sa gumagandang sitwasyon natin bunsod na rin sa pagbaba ng COVID-19 cases.


Sooner than soon, people will start traveling extensively again. And hopefully, the teleserye will put the province in the map of international and domestic tourism. 'Pag dumami muli ang dadalaw sa kanilang lalawigan, tiyak na dagdag-kabuhayan din ito sa mga constituents ni Gov. Escudero.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page