top of page
Aiko Melendez at Kim Chiu - IG.jpg
Search

ni Nitz Miralles @Bida | July 2, 2026



Ellen Adarna - FB

Photo: Ryzza Mae at Kim Chiu - Instagram



Dahil nga nai-reveal na ikinasal na si Vanness Wu, naging invalid ang post ni Ellen Adarna na may caption na “Jowa Reveal”, kaya kay Jerry Yan naman siya isini-ship.

Nagpauna na ang mga fans ni Ellen na biruan lang ang pagsi-ship nila kina Ellen at Jerry at resulta lang ng interaction nila sa concert ng F4 kung saan lumapit sa puwesto nila si Jerry. 


Makikita sa reels na tinitigan ni Jerry si Ellen at dinagdagan pa ni Ellen ang pagkakagulo ng mga fans sa caption na: “The Real Deal,” at hashtag na #HusbandReveal.


May mga sumeryoso lang sa caption at hashtag ni Ellen at may nag-comment ng “‘Di ba may asawa ka pa? You are still married. Also, sobrang ‘kala mo makukuha mo lahat ng gusto mo, napa-wife reveal tuloy si Vaness. Gurl, you need to heal. By the looks of it, the only man you need is Jesus Christ. Don’t get lost any further, naka-dalawang panganay ka na.”

Sagot ni Ellen, “‘Di mo alam kung anong feeling ng isang fangirl. Ma-unmarried na rin ako in time, wait ka lang. Tigilan mo na. Gamit na gamit na si Jesus sa mga taong katulad mo. Pangit mo ka-bonding.”


Kinampihan ng mga netizens si Ellen dahil nagpa-fangirl lang daw ito, pero may nagalit pa rin. Nagselos lang daw ang fan nina Jerry at Vaness kay Ellen dahil pinansin siya ni Jerry at may picture pa with Vaness. 


Ang payo nila sa basher ni Ellen, huwag magpaka-bitter at kung babalik pa ang F4 para sa concert, gawin niya ang lahat para mapansin siya.


Naging curious ang mga fans sa sinabi ni Ellen na in time, magiging unmarried na siya. Ang ibig nitong sabihin, mapa-finalize na ang annulment ng kasal nila ni Derek Ramsay at magiging single na uli silang dalawa.





Nalaos nang mag-asawa’t magkaanak…

KRIS, AMINADONG TAOB KAY KIM


MAGANDA ang naging usapan nina Kris Bernal at Charo Cordial, owner ng Maddox Jewelry, tungkol sa ilan sa mga pinagdaanan niya sa showbiz at personal na buhay.


Inamin ni Kris na noong una, nahirapan siyang tanggapin ang pagbabago sa kanyang career.


“For me, mentally mahirap s’ya. Parang naisip ko, teka lang, bida ako dati, ah? Bakit inihihilera na nila ako sa kontrabida? Nalalaos na ba ako? ‘Di na ba ako magaling umarte?” kuwento nito kay Charo.


Dumating pa sa puntong nasaktan at kinuwestiyon niya ang sarili. Later on, na-realize niyang mas importante sa kanya ang love niya sa kanyang craft kaysa sa role na ipo-portray. Naisip daw niyang out of passion for her craft ang ginagawa niya at dapat, kahit anong role ang ibigay sa kanya, tatanggapin niya at gagawin. Naisip din niya na basta umaarte siya, masaya siya.


Napag-usapan din nina Kris at Charo ang bashings na ibinabato kay Kris hanggang ngayon. Isa rito ang panggagaya niya raw kay Heart Evangelista, kaya may tumawag sa kanyang ‘Heart Evangelista Clone’. 


Nilinaw ni Kris na idol niya si Heart at hindi lang siya ang umiidolo rito. Kasama na rito ang pagbili ng mga stuff na ipino-post ni Heart sa social media.


Sa isang interview, nabanggit ni Kris na gusto niya ang kasikatan ni Kim Chiu at ‘yun na, inisip ng mga nakabasa na naiinggit siya sa aktres-host. 


Ang gusto lang tukuyin ni Kris, bilib siya rito dahil hanggang ngayon ay sikat pa rin at marami pa ring ganap sa career.


Dahil may asawa’t anak na si Kris Bernal, alam niyang malabo na niyang maabot ang kasikatan ni Kim Chiu. Ang importante na lang ngayon, may career pa rin siya.





“HINDI ba obvious?” sagot ng VMX actress na si Angel Castro sa tanong ng press kung ipina-enhance ba niya ang kanyang balakang. 


Makikita nga naman ang laki ng balakang ni Angel na lalong nagpaseksi sa kanya at dahilan para sa vital statistics niyang 32-24-36.


Hindi ang mukha at boobs ang ipina-enhance ni Angel at kitang ipinagmamalaki niya ito. Very proud siya rito. Tuwing kinukunan siya ng picture sa mediacon ng VMX movie niyang Bagong Tukso 2 (BT2), hindi siya nakaharap at laging ang balakang ang ipino-project. Kaya ang mga larawan niya ay laging nakatagilid.


Sa request ng press, humarap din si Angel at nakita na rin ang magandang mukha nito. Naikuwento rin nito na may problema siya sa mata na na-infect nang magpalagay siya ng eyelashes.


“Plastic eyelashes ang inilagay sa akin. Na-infect ang mata ko at muntik akong mabulag. Under medication pa rin ako,” sabi nito.


Palaban sa paghuhubad si Angel at “oo” agad ang sagot nang tanungin kung willing siyang mag-frontal. 



 
 
RECOMMENDED
bottom of page