top of page
Kim Chiu - IG.jpg
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | September 14, 2026



Kim Chiu - IG

Photo: Kim Chiu - IG



Pinatunayan ni Kim Chiu na hindi true ang mga ibinibintang na nagdadalantao na siya. 


Matagal na rin kasi itong isyu sa It’s Showtime (IS) host na umano’y nabuntis siya ng aktor na si Paulo Avelino.


Ang galing lang dahil nakakakita ng paraan si Kim para pabulaanan ang isyu without saying a thing to deny the allegation. 


Nag-post ang aktres sa Instagram (IG) ng video kung saan nag-transform siya into a different character.


Sa bungad ng video ay ipinakita niya ang kanyang flat na flat na abs. Hanggang sa nag-transform na siya sa ibang karakter kung saan maiksi ang buhok niya, malaki ang tiyan, may konting bigote, balbas, at sayaw nang sayaw.


Naaliw ang mga netizens sa transformation ni Kim na tila patutsada sa mga nang-iintriga na buntis siya.


Sey ng mga fans:


“Joining this trend of transformation! A different take of #GRWM (get ready with me). I remember Yuan days of My Binondo Girl.”

“Hahaha! Give them what they want.”

“Hahaha! Galing ng transformation, ang kulit.”

“Aliw ka, Maaaa (Kim). Larooo.”

“Old video na po ‘yan, sa ad n’ya.”

“Ang galing ng transformation, ‘kaaliw.”

“Oh, mga bashers, nilaro lang kayo ni Kimmy.”

True.





1 month walang ligo…

ALEX, PROUD NA NAGPASUSO NG ANAK



NAGPAPASUSO ang aktres-vlogger na si Alex Gonzaga sa first baby nila ng vice-mayor ng Lipa, Batangas na si Mikee Morada. Magandang ehemplo si Alex sa mga bagong ina na gustong maging malusog ang kanilang baby.


Nagbahagi ito ng pictures niya sa Instagram (IG) habang nagpapa-breastfeed kay Baby Isaac Gerard. 


Dedma si Alex kahit makita siya ng mga netizens na deglamourized. Ang importante siguro sa kanya ay maipakita ang another chapter ng buhay niya bilang isang bagong ina.





Sa kanyang post, nakasuot siya ng pambahay na damit habang karga ang sanggol.

Pabirong isinulat ni Alex sa kanyang caption ang realistic na karanasan ng mga first-time moms: “One month of being a mommy! Walang ganda, ayos at ligo pero masaya.”


Dahil dito, marami sa kanyang mga tagahanga at kapwa mga ina ang pumuri sa kanyang pagiging hands-on at pagpapakita ng natural na mukha ng pagiging magulang.

At siyempre pa, in-encourage si Alex ng kanyang celebrity friends sa IG na maganda pa rin siya.


Sey ng vlogger-dating aktres na si Bea Borres, “Ang ganda-ganda mo pa rin.”

Reaksiyon ni Jolina Magdangal, “Very very good!!! Proud of you!”

“Love, love! Sana, baby pa si Ceana (anak nila ni Cedric Lee) uli,” comment ni Vina Morales.

‘Yun na!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page