top of page
Search

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 24, 2024



Showbiz News
Photo: JK Labajo - IG

Proud na proud si JK Labajo sa pagkapanalo ng girlfriend niyang si Dia Mate bilang Miss Reina Hispanoamericana sa katatapos lang na Miss World Philippines 2024.

Nag-post ng sweet tribute and message si JK for Dia sa kanyang Instagram (IG) account at parang siya nga ang nanalo sa sobrang pagka-proud.


“I have seen how you’ve gone through all the challenges and difficulties of the pageantry world with grace and elegance and I couldn’t be any prouder,” simula ni JK.

“You have been my queen since day one and the only difference now is that you’re wearing the crown that you so deserve. This is just the beginning,” patuloy niya.

Aniya pa sa kanyang mensahe, ang girlfriend daw ang nagpaliwanag ng kanyang mundo. 


“To my sweet baby with the kindest heart and a smile that lights up my world, congratulations! I love you,” aniya.


Sumagot naman ang beauty queen ng, “I love you.”

Matatandaang last April nang magkaroon ng ‘hard launch’ si JK sa kanyang bagong girlfriend nang i-post niya ang larawan nito at humihingi ng tulong sa kanyang mga fans na iboto ito sa Miss Universe Philippines (MUPH).


“Hey, it’s me. Please vote for the beautiful bebe Ms. Cavite through the MUPH app, thank you,” ang caption ng aktor/singer.


Samantala, kinantiyawan ng ilang mga netizens si JK Labajo dahil beauty queen na naman daw ang girlfriend nito after Maureen Wroblewitz.

Congratulations, Dia Mate for winning Miss Reina Hispanoamericana!



FIRST BABY NINA RIA AT ZANJOE, BOY


Zanjoe Marudo at Ria Atayde - IG

IT’S a boy for Zanjoe Marudo and Ria Atayde!

Base sa post ni Ria at ng ilan nilang kaibigan, tila nagkaroon na ng gender reveal party ang mag-asawa.


Sa Instagram (IG) post ni Liza Dino ay kinumpirma niyang lalaki ang first baby na ipinagbubuntis ni Ria. 


“It’s a boy for our baby sister Sophia Atayde (baby bottle emoji).

Patay, ka-birth month ni Ice ang magiging baby mo, good luck! Hahaha. Love you, Sis! (red heart emoji),” caption ni Liza sa larawan nila ni Ria na kuha sa party.


Sa IG Story naman ni Ria ay ini-repost niya ang mga posts ng kanyang mga kaibigan during the party.


Caption ng isa niyang friend, “We can’t wait for playdates with Baby Z.”

Binati rin ang mag-asawa ng mga netizens at kapwa celebrities sa comment section.



SINAGOT ni Herlene Budol ang mga namba-bash sa kanya dahil sa pagkakadapa niya sa stage habang rumarampa sa GMA Gala 2024 nitong Saturday.

Pinagtawanan at binash kasi nang bonggang-bongga ng mga tao si Hipon Girl at sinabihan na naman ng “t**ga.” May nagsabi pang baka sinadya niyang magpakadapa para maging agaw-eksena at pag-usapan.


Sa kanyang X (dating Twitter) account ay nagbigay ng mensahe si Herlene sa mga netizens.


Ini-repost ng beauty queen ang viral video ng pagkakadapa niya na ibinahagi ng isang netizen na may caption na, “Shutang ina, nahulog si Herlene Budol sa #GMAGala2024.”

Mensahe ni Herlene, “Sa buhay kapag nadapa ka, bumangon ka. Hangga’t may buhay, may pag-asa. Walang susuko para sa pamilya.”


Kasunod niyang tweet ay pinagsabihan niya ang mga netizens na hindi raw dapat pinagtatawanan kapag nadadapa.


“‘Pag nadapa, ‘di pinagtatawanan. Accident always happened! Sa palagay n’yo ba, gusto ko madapa? lahat ng tao nadadapa, naaksidente. Ang importante safe at ‘di nasugatan.

#GMAGala2024,” sey ni Herlene Budol.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida  | July 24, 2024



Showbiz News
Photo: Alden Richards Kathryn Bernardo / IG

Kung tama ang tsika, ngayong araw raw ang lipad ni Kathryn Bernardo pa-Canada para sa shooting ng Hello, Love, Again (HLG) nila ni Alden Richards. ‘Yun ay kundi mababago ang flight schedule niya dahil sa Bagyong Carina.


Hindi sila sabay na umalis o aalis for Canada ni Alden dahil ang aktor ay sa July 27 pa raw ang alis. Nalungkot ang shippers nina Alden at Kathryn na hindi sila sabay, natuwa naman ang mga fans ni Kathryn at ilang KathNiel fans na ayaw pa ring magtambal ang dalawa lalo na kapag naging sila.


Panay pa rin ang pamba-bash kay Alden ng mga fans ni Kathryn, na ayaw sa kanya at ayaw nilang matuloy ang HLA. Natatalo lang sila dahil mas marami ang may gusto na muling magtambal ang dalawa, lalo na ‘yung mga nakapanood ng Hello, Love, Goodbye. Gusto nilang malaman ang ending ng love story nina Joy (Kathryn) at Ethan (Alden).


Samantala, natuwa ang mga bashers ni Alden na hindi niya kasama si Kathryn sa GMA Gala 2024. Si Dominic Roque ang kasama ni Kathryn, siya at iba pang kaibigan ang magkakasama na nag-celebrate ng birthday ni Dominic.

Inintriga nga ang caption ni Kathryn, sa post niya na noon lang niya nadiskubreng may dimple raw pala si Dominic. Ibig sabihin daw, tinitigan niya si Dominic Roque na hindi yata niya ginawa sa panahong sila’y magkasama.


Panay pa rin ang pamba-bash kay Alden ng mga fans ni Kathryn, na ayaw sa kanya at ayaw nilang matuloy ang HLA. Natatalo lang sila dahil mas marami ang may gusto na muling magtambal ang dalawa, lalo na ‘yung mga nakapanood ng Hello, Love, Goodbye. Gusto nilang malaman ang ending ng love story nina Joy (Kathryn) at Ethan (Alden).


Samantala, natuwa ang mga bashers ni Alden na hindi niya kasama si Kathryn sa GMA Gala 2024. Si Dominic Roque ang kasama ni Kathryn, siya at iba pang kaibigan ang magkakasama na nag-celebrate ng birthday ni Dominic.


Inintriga nga ang caption ni Kathryn, sa post niya na noon lang niya nadiskubreng may dimple raw pala si Dominic. Ibig sabihin daw, tinitigan niya si Dominic Roque na hindi yata niya ginawa sa panahong sila’y magkasama.



May kasunod agad na project si Ruru Madrid kahit magtatapos pa lang this Friday ang Black Rider (BR). Nabalitang makakasama siya ni Dennis Trillo sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng GMA Pictures at GMA Public Affairs na Green Bones

Well, suspense-drama ang tema ng pelikula, hindi pa ang dream ni Ruru na action film, pero ang maganda rito, masu-sustain ang visibility niya after ng BR.


Kundi kami nagkakamali, first time na magkakasama sa isang project sina Dennis at Ruru at isa pang ikinaganda ng project, mapapatunayan ni Ruru na hindi lang siya pang-action. Bukod kay Ruru, si Sofia Pablo pa lang ang in-announce na kasama sa cast at si Zig Dulay naman ang director ng MMFF entry.


Anyway, last Wednesday na ngayon ng Black Rider at gaya sa ipinangako ni Ruru at ni director Rommel Penesa, matitinding action scenes ang mapapanood ng mga viewers sa last three nights ng action packed series. Heroic finale ang tawag ng production team sa magiging ending ng series at para malaman kung bakit, tutukan ang natitirang episodes ng series.


And speaking of Ruru, kahit ito matatawa kapag nabasa ang comment ng mga fans sa kanyang suot sa GMA Gala 2024. Bakit daw may tapyas sa tiyan ang suit ni Ruru at parang nasasakal ang leeg ni Bianca sa kanyang suot. Sinagot naman ito ng isang fan nina Ruru Madrid at Bianca Umali, na high fashion ang peg ng magdyowa.  



MAY mga hindi nagustuhan ang pagtulong ni Barbie Forteza kay Herlene Budol

nang madapa ito habang rumarampa sa GMA Gala 2024. Agad kasing tumakbo si Barbie nang makitang nadapa si Herlene, kahit may sarili siyang ganap sa kabilang dulo ng stage.


Inakusahan pa si Barbie na gimik ang ginawang pagtulong kay Herlene, promo rin daw ‘yun para sa world premiere ng Pulang Araw sa July 29, sa GMA-7. Sinabayan daw ni Barbie at nag-take advantage sa scripted na pagkadapa ni Herlene at may tumawag pang fake ang concern kay Herlene.


Samantala, nagtanong tuloy ang isang casual fan kung bakit na-bash si Barbie na wala namang ginawa kundi tumulong. Granted na malayo siya sa stage, kaya nga siya tumakbo para malapitan agad si Herlene.

Comment pa ng isa, bakit parang kasalanan pa ni Barbie na nadapa si Herlene?


Pinapalabas ng mga bashers nito na ginusto niyang madapa si Herlene para maka-eksena siya. Bagay na inalmahan ng netizens, pati ng mga non-Barbie fans.

Samantala, para sa boyfriend ni Barbie na si Jak Roberto, ang girlfriend niya ang best dressed sa GMA Gala 2024. Walang komontra sa comment nitong “My best dressed for GMA Gala 2024.”


Bongga!



HINANAP pa namin kung nasaan si Michael V nang makita ang post niya sa GMA Gala 2024 na magkakasama sa photo sina Bea Alonzo, Tim Yap, Ms. Annette Gozon-Valdes at Vice Ganda. Halos di makita si Bitoy at kundi izu-zoom in, hindi siya makita.


Actually, hindi siya kasama sa nagpa-picture, pero kung babasahin ang caption niya sa post, matatawa ka at talagang hahanapin si Bitoy.


“Matagal ko nang sinabi sa sarili ko na gusto kong makasama sina Bea Alonzo, Vice Ganda at si Annette Gozon-Valdes in one photo.

“Thanks to #GMAGala2024, nangyari na rin finally! Thank you rin sa @niceprintphoto. Ipapa-frame ko. #DreamsDoComeTrue.”

Ang daming natawa sa post ni Bitoy at napa-comment ng laughing emoji si Bea Alonzo. Nakakatawa rin ang mga comment ng mga kaibigan ni Bitoy. Laugh trip talaga!



 
 
RECOMMENDED
bottom of page