top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg
Search

Erlinida Rapadas - @Teka Nga! | April 8, 2021




Medyo naiintriga kaming malaman kung sino ang guy na nakarelasyon ng young Kapuso actress na si Kyline Alcantara na na-heartbroken siya?


It seems masyadong nasaktan si Kyline kaya hindi muna siya nagseseryoso sa pag-ibig ngayon. Tiyak naman na marami siyang suitors dahil maganda siya at sikat na.


Pero tama rin naman na ang kanyang career ang gawin niyang prayoridad at hindi ang love life. Malayo pa ang mararating ng kanyang showbiz career lalo na't subok na ang galing niyang umarte.


Isang challenging role ang ginagampanan ni Kyline sa I Can See You: #Future. Tiyak na marami ang maninibago sa kanyang karakter bilang Larra Dacer. May pagka-suspense-thriller ang istorya nito.


Pagdating sa trabaho, very professional si Kyline. Pinagbubuti niya ang bawat role na kanyang ginagampanan. Naging hamon sa kanya ang naranasang panghahamak at pagpapahiya ng isang direktor noong baguhan pa lamang siya kaya nagsikap siya upang matutong umarte at makapasa sa pamantayan ng magagaling na direktor ngayon.


At kahit sikat na siya ngayon, naipangako niya sa sarili na hindi siya mang-aapi at manghahamak ng mga baguhang talent na nakakatrabaho niya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page