ni Nitz Miralles - @Bida | July 7, 2022

Ang balita ni Sen. Robin Padilla, naghain na siya ng kanyang unang 10 Priority Bills para sa 19th Congress.
“Simula pa lamang po ito. Tututukan, aaralin at isusulong natin ang mga adbokasiya na tutugon sa samu’t saring isyu na malapit sa ating bituka - kasama rito ang mataas na presyo ng petrolyo, mga problema sa agrikultura at food security, at talamak na diskriminasyon. Tuloy pa ang ating pagsisigasig sa Senado bilang tugon sa mandato at tiwala ng sambayanang Pilipino!”
Number one sa priority bills ni Robin ang Equal Use of Languages Act at sinundan ng Suspension of Excise Tax, Medical Cannabis Compassionate Access Act, Amending the Rice Tariffication Law, Magna Carta of Barangay Health Workers, Equality and Non-Discrimination Act, Civil Service Eligibility, Regionalization of Bilibid Prisons, Mandatory Reserve Officers’ Training Corps Act, at Divorce Act of the Philippines.
Naaliw kami sa mga comments, sana raw ay unahin ni Robin ang Divorce Act na nasa number 10 sa list ng Priority Bills. Ang daming nag-react sa bill na ito at may hashtag pang #YesToDivorce #FreeUS at #DivorceLawNow.
Marami ang pabor na magkaroon na ng divorce sa Pilipinas at baka nga unahin ito ni Robin.

