ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | October 5, 2025

Photo: @IG superjanella & YT GMA Network (FTWBA)
Inamin naman ni Klea Pineda na unti-unti na siyang nakaka-move on sa breakup nila ng ex-girlfriend na si Katrice Kierulf.
Sa guesting ng aktres sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), sinabi niyang nasa healing process pa rin siya, na normal naman daw sa kahit sinong galing sa breakup.
“Paunti-unti, Tito Boy. May mga pasulput-sulpot na feeling. ‘Di naman bago ‘yun, normal naman ‘yun after ng breakup. Pero I think nagiging better naman ako every day,” sey ni Klea.
Nang tanungin kung magkaibigan pa sila ng ex, “No” ang sagot ni Klea.
Paliwanag niya, “We’ll get there. Sa ngayon, masyado pa kasing fresh.”
Paglilinaw niya, “Hindi naman kami magkaaway. Parang wala lang siguro. Sa ngayon, wala pang reason para mag-usap ulit o mag-connect kami ulit. Inirerespeto ko rin ‘yung process n’ya, healing process n’ya para sa sarili n’ya.”
Muli niyang nilinaw na hindi third party si Janella Salvador sa breakup nila ni Katrice.
“I think nadamay lang naman ‘yung pangalan ni Janella kasi nga magkasama kami sa film, at naghiwalay kami ni Katrice right after naming mag-shoot,” ani Klea.
“Walang third party na nangyari. ‘Yun ‘yung pinipilit na sabihin ng mga tao online. Hindi ko maintindihan kung saan nila nakuha ‘yun, pero mas malaki ‘yung reason kung bakit naghiwalay kami ni Kat na wala roon si Janella,” dagdag pa niya.
Well, bukas ang BULGAR sa panig ng ex niyang si Katrice Kierulf.
Sana raw, tumulong din ang iba…
BARBIE, NAG-DONATE NG P100 K SA MGA BIKTIMA NG LINDOL SA CEBU
Nag-donate ng P100,000 na tulong si Barbie Forteza sa mga naapektuhan ng malakas na lindol sa Cebu.
Personal na inabot ng aktres ang kanyang donasyon para sa relief operations sa Northern Cebu. Ipinaabot niya ito sa pamamagitan ng Save the Children Philippines, kung saan ay nagsisilbi siyang ambassador.
Ipinost ng Save the Children PH sa official Instagram (IG) page ang ginawang pagtulong ng kanilang ambassador.
“Children in Cebu are still reeling from the earthquake and aftershocks, with some forced to sleep outside in the rain. To support urgent relief and children’s education, @sparklegmaartistcenter actress and Save the Children Philippines ambassador @barbaraforteza donated P100,000 for our response and called on the public to help children in need,” pahayag ng organisasyon.
Nagpasalamat din sila kay Barbie at in-encourage rin ang iba pa na tumulong.
“Thank you, Barbie, for standing #ForAndWithChildren in this difficult time,” saad nito.
Umaasa naman si Barbie na maraming Pilipino ang magkakaisa para tulungan ang mga nasalanta ng lindol, partikular na ang mga bata.
“Children have the right to protection and education, even in the most difficult circumstances. I hope more people will come together to support the children of Northern Cebu, because they deserve to feel safe, cared for, and hopeful again,” pahayag ni Barbie.
Matatandaang noong nakaraang Martes ay niyanig ng 6.9 magnitude na lindol ang Northern Cebu at nag-iwan ng malawakang pinsala.




