top of page
Search

ni Julie Bonifacio - @Winner | December 21, 2021


ree


At 15, achiever na agad ang baguhang artista na si Jhassy Busran. Bukod sa pagiging salutatorian sa school, winner na agad si Jhassy not one, but two international acting awards para sa first short film niya titled Pugon with veteran actor Soliman Cruz sa direksiyon ni Gabby Ramos.

Napanalunan ni Jhassy not just the Best Actress trophy kundi ang jury’s Best of the Best Award sa Manhattan International Film Festival this year para sa performance niya sa Pugon.

On the said short film, pinarangalan din si Jhassy bilang Best Child Actress sa Gully International Film Festival & Awards in India.

Kuwento ni Jhassy nang mag-guest siya sa #Celebrity BTS Bulgaran Na at makapanayam namin ni Ateng Janice Navida two Saturdays ago, nagulat siya dahil wala siyang kaalam-alam na nanalo siya ng award.


“Ang tagal po nag-sink-in sa isip ko. Natulala lang po ako, ‘Nanalo ako?’


“Binabati nila ako pero hindi pa po talaga nagsi-sink-in sa utak ko ‘yun nu'ng mga oras na ‘yun.


Hanggang nasa sasakyan na po kami ng Mommy ko, hindi pa rin ako makapaniwala na nanalo ako na Jury's Best of the Best pa po and international filmfest pa po, kaya sobrang saya ko po,” kuwento ni Jhassy.

Hitting two birds in one stone itong si Jhassy sa short film nila na Pugon na tumatalakay sa child labor.


Of course, sino ba naman ang ‘di maha-happy na manalo ng dalawanng international awards, 'noh? ‘Yung isa nga lang, super duper big honor na, dalawa pa kaya?

And then, kasama rin si Jhassy sa first local film na ipinalabas sa mga sinehan nitong pandemic, ang Caught In The Act ni Direk Perry Escano last December 15.

“Masaya po ako pero nakaka-pressure. ‘Yun nga po, first Filipino film na ipinalabas ngayong pandemic po or kahit na po tapos ang pandemic, sana po, hehe."


Ngayon pa lang ay may kasunod na raw na pelikulang gagawin si Jhassy after Caught In The Act.

“Meron po, pero hindi ko muna sasabihin kung ano. Ayoko pong mag-spoil. Pero yes po, may bago akong pelikula. Magsu-shoot na po ako very, very soon.”

Her most challenging role na gusto niyang gampanan ay ‘yung may kapansanan.

“‘Yung may down-syndrome, ADHD. Kasi, gusto kong ma-feel ‘yung napi-feel nila.”

Pero gusto rin niyang gumawa ng horror film in the near future.

“Gusto ko pong ma-try gumawa ng horror. Kasi po matatakutin po ako. Gusto ko pong anuhin ang fear ko.”

Sa kabila ng mga nakuha niyang karangalan, same pa rin daw ang pag-uugali ni Jhassy at hindi lumaki ang ulo.

Next year, looking forward na kami na makita si Jhassy sa taunang Film Ambassador’s Night ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) kung sakaling magkakaroon.

Hindi na kami magugulat kung isa si Jhassy sa mga sisikat sa showbiz sa 2022. Biro nga namin kay Jhassy, maging ready na siya once na ipantapat siya kay Jane de Leon na lilipad na bilang bagong “Darna” next year.

“Hala,” sagot ni Jhassy. “Si Miss Jane de Leon po kasi, matagal na rin po siya. May ano po siya, nasama na po siya sa Ang Probinsyano at ito nga pong Darna. Masabi lang po na may hawig ako sa kanya, sobrang nakakatuwa na po. Pero hindi ko po alam, hahaha! Pero ready naman po ako kung mabibigyan din ako ng mga roles na katulad sa kanya. And, mapapag-aralan naman po ‘yun, mapaghahandaan.”

Idol daw niya si Kathryn Bernardo.

“Ina-idolize ko po sa ganitong path na ‘to si Miss Kathryn Bernardo. Pero, hindi ko naman po sasabihin na gusto kong maging Kathryn Bernardo tulad niya. Kasi gusto ko na magkaroon po ako ng sarili kong name, hindi po ‘yung susunod na Kathryn Bernardo. Gusto ko po, ako ‘yung unang Jhassy Busran.”

Dream din pala ni Jhassy ang makapasok sa Pinoy Big Brother house.

“Sumasagi po sa isip ko na mag-audition for a reality show like before po, pangarap ko po na makapasok sa Bahay ni Kuya. Eh, kaso po ang age ko noon, bata pa po, eh. Sabi ko, hindi pa ako puwede. Ngayon po, merong teen edition po. ‘Yan po, balak ko pong mag-try. Wala namang masamang mag-try, ‘di ba po? Malay po natin. Kung hindi man mapagbigyan, marami pa pong opportunities na darating."

True!



 
 

Julie Bonifacio - @Winner | April 26, 2021



ree


Inamin ni Ogie Alcasid na nahirapan siya sa sitwasyong kinakaharap nating lahat, especially sa mga unang buwan ng pandemya. Pinauwi raw kasi nila ng misis niyang si Asia's Songbird Regine Velasquez ang mga kasambahay nila pati na ang mga driver para makapiling ang kanilang pamilya.


"Kami-kami lang ang nandito. Ang lolo mo, medyo nahirapan," pabirong sabi ni Ogie na nasa bahay habang iniinterbyu namin ni Ateng Janice Navida sa online show ng BULGAR na #Celebrity BTS Bulgaran Na last Saturday.


Si Ogie raw ang naglalaba at si Regine naman ang nagluluto.


"Yes, pati ang pag-aalaga sa mga aso, pusa, pag-grocery. Ang kasambahay po namin, lima. Tapos, driver pa. So, lahat ginawa namin. Napagod kami,” natatawang kuwento ni Ogie.


"But you know what, masasabi ko na isa 'yun sa pinakamasaya naming araw. Of course, ang lungkot nu'ng pandemya. Pero dahil magkakasama kami, ang sarap ng bonding namin. Hindi ko makalimutan 'yun. Nu' ng nagbalikan na nga ang mga kasambahay, parang, 'Ay, wala na tayong gagawin?'


"And then of course, lahat ng equipment namin, nagamit talaga namin dahil sa online concerts. ‘Di ba si Regine, nag-concert siya for Bantay-Bata? Pati 'yung ibang commercials niya, rito ko shinoot. Naging pro-active kami dahil wala namang live, nagagawa namin dito.


“Natutunan ko ring mag-stream gaya ng ginagawa natin ngayon."


It's their way daw of reaching to their fans. At the same time, parang therapy na rin sa kanya kasi meron siyang nakakausap at nakikita pa niya ang reaksiyon ng mga tao.


"Virtually, natulungan kami, you know, mentally. 'Yun ang mga ginagawa namin. Hanggang sa bumalik na kami sa trabaho namin sa ASAP. At alam naman natin na nawalan tayo ng franchise, 'di ba?


"So, isa pa 'yun sa mga dagok na pinagdaanan ng lahat. And then, 'yun, unti-unti… nakabalik. Hindi pa rin buo pero, ayun. Masasabi ko na siguro, kung hindi kami madasalin, baka medyo baliw-baliwan na kami ngayon, oo. Hahaha! So, okay pa naman."


Namatay din ang ama ni Ogie last year at marami rin daw sa kanila ang nagkasakit.

"Tinamaan talaga kami. Ang hirap. Pero alam mo, looking back, inaalalayan talaga tayo ng Panginoon. Kasi kung wala 'yun, talagang mapapariwara tayo.


“So, 'yun, thankful. Kaya siguro kami, we make it a point na ‘yung biglaan, kakanta kami ng Christian songs or nagse-share kami."


Nakaramdam ba sila ni Regine ng depresyon during that time?


"Meron, meron. Pareho kami. (But) I won't say depression. That's a very, very, very deep word. I would say deep anxiety… and fear. May takot, 'no. Sadness. 'Yung lungkot na lungkot kami kasi hindi namin nakikita 'yung mga mahal namin sa buhay. I'm sure kayo rin, 'di ba? Kasi kahit may faith ka, dadaan ka talaga sa ganoon, 'di ba? And in fact, maganda rin na pagdaanan mo 'yung mga ganoong bagay na alalayan mo ng faith. Kasi, kung hindi, doon ka na bibigay talaga."


Naikuwento rin ni Ogie na pati ang anak nila ni Regine na si Nate ay naapektuhan din ng lockdown.


"Alam mo, tinitingnan ko ang anak ko, minsan, nasasaktan ako for him. Kasi, hindi niya nakikita ang mga kaibigan niya, ang mga pinsan niya.

"Minsan, umiiyak ‘yan sa amin, ‘Mommy, I want to see my cousins.’ And, mahirap. Hindi kami makapag-reunion. Halos magda-dalawang taon na.


"Ako, my hope for him is that despite of what is happening, he’d still become… he does not change his ways. Kasi, ‘yung anak ko, naku, napaka-sweet niyan, lalung-lalo na sa nanay niya."


Mahilig din daw kumanta si Nate at ito raw ang trip gawin nito at ng kanyang mga pinsan. Favorite ni Nate ang mga kanta ng international singer na si Billie Eilish.


Among Regine's songs, kinakanta ni Nate ang I Can Live at Pangako ni Ogie.


Gusto rin daw ni Nate na maging komedyante gaya ni Ogie.


Well, dahil parehong singers ang kanyang mom and dad, hindi kataka-taka na someday, music industry din ang pasuking larangan ni Nate.

 
 

Julie Bonifacio - @Winner | January 25, 2021



ree


Nasagot na ng resident numerologist ng BULGAR na si Maestro Honorio Ong ang nabitin naming tanong two weeks ago sa Facebook Live show na napapanood every Saturday at 11 AM sa BULGAR FB page, ang #Celebrity BTS Bulgaran Na!, kung magkakasundo ba ang soon-to-be-magbiyenan na sina Lipa City Representative Vilma Santos-Recto at Jessy Mendiola na fiancée ni Luis Manzano.


Pagkatapos malaman ni Maestro Honorio ang birthday nina Cong. Vilma (Nov. 3) at Jessy (Dec. 3) na parehong pumapatak sa number three, mabilis na sinabi niyang magkakasundo ang dalawa.


"Compatible sila sa numerology. 'Yun nga 'yung birds of the same feather flock together. Kaya 50%, magkakasundo sila.


"'Yung 50%, magdedepende sa Zodiac signs nila," lahad ni Maestro Honorio.


Sagittarius si Jessy at Scorpio naman si Cong. Vi. Pareho raw strong ang dalawang Zodiac signs.


Last time, nasagot na ni Maestro ang tanong kung paano kukunin ang loob ng isang Scorpio na may magulo ring kapalaran at pagkatao.


"Napakadali n'yan. Ang Scorpio, maawain 'yan sa mga mahihinang tao. Gusto niyang tulungan ang mga nangangailangan.


“Parang 'yung napuntahan ni Ate Vi na pulitika. Gusto niyang tumulong sa mga naaapi. Hindi lang tumulong ang gusto ng mga Scorpio, gusto rin nilang ipagtanggol ang mga naaapi. At hindi lang ipagtanggol, kundi proteksiyunan din."


Kaya dapat daw ay magwik-weak-an si Jessy. Kunwari ay inaapi siya or magpakumbaba na mahirap siya, para magustuhan ni Ate Vi.


Pero kapag daw nagpaka-strong at dominante, maiinis sa kanya ang isang Scorpio.


Dapat ay huwag din daw magkuwento si Jessy kay Congw. Vi na sobrang tagumpay siya, kundi ‘yung laging may kulang sa buhay niya.


Kung palaging may kailangan siya, du'n daw lalong matutuwa ang Scorpio na gaya ni Congw. Vi.


"Ang iniisip talaga lagi ng Scorpio, ano 'yung aapihin niya, sino 'yung tutulungan niya, sino 'yung ipapakita niya na mas magaling siya? 'Yun ang gustong laging marinig nila."


Biro namin kina Ateng Janiz at Maestro Honorio, dapat daw ay hindi sinabi ni Jessy na worth P5M ang engagement ring na bigay ni Luis sa kanya.


"Naku, du'n naiinis ang mga Scorpio. Dapat ganito ang ginawa niya, 'Ayaw ko nga itong ipakita, eh. Pinilit lang ako ni Luis, eh. Kaya lang itong mga taga-showbiz, iniintriga ako,’" birong pahayag ni Maestro Honorio.


Pagpapatuloy pa niya, "‘Hindi ko ito ipapakita, eh. At ayaw ko nga ng ganitong singsing.’ Doon matutuwa si Ate Vi."


O, 'di kaya naman daw ay sinabi na lang dapat ni Jessy na 'yung kalahati ng halaga ng engagement ring ay itinulong na lang sa mga mahihirap sa Batangas. Pang-charity sana sa mga na-COVID, malamang daw ay mamahalin siya nang sobra ni Congw. Vi.


"Eto 'yung hinahanap kong tao, mapagmahal din sa mahihirap," ang baka raw masabi pa ni Congw. Vilma patungkol kay Jessy.


So, alam na natin kung paano magiging maayos ang samahan ng magbiyenang Jessy at Cong. Vi, ha?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page