ni Nitz Miralles - @Bida |February 10, 2022

May nagpapa-cancel na ba kay Nora Aunor? Open na kasi ito sa pagsuporta kay Bongbong Marcos at may inilabas na larawan na ang suot niyang red hoodie (political color) ay may nakasulat na “BBM 2022.”
Bukod doon, nag-peace sign din siya na again, ginagamit ni Bongbong sa pangangampanya at nakaturo ang right finger sa nakasulat sa kanyang red hoodie.
Tsinek namin ang Twitter, wala pa namang nagte-trend na #CancelNoraAunor.
Hinihintay namin ang magiging reaction ng ibang Noranians na hindi maka-BBM at ang kapwa taga-Bicol nina Guy at VP Leni Robredo sa pagpapahayag ng Superstar ng suporta sa kalaban ng kanyang kababayan.

