top of page
Nadine Lustre - Zero Studio PH.jpg
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | October 23, 2026



WINNER - SONGS NI SHARON, KAKANTAHIN NI KAKIE_IG _frankiepangilinan _reallysharoncuneta

Photo: IG _frankiepangilinan _reallysharoncuneta



Sa unang pagkakataon ay mapapanood sa publiko si Frankie ‘Kakie’ Pangilinan na aawit ng mga sikat na kanta ng kanyang ina na si Megastar Sharon Cuneta.


Nakatakdang mag-perform si Kakie (ito raw ang screen name na ginagamit niya) sa nalalapit na 42nd Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Movies sa darating na Linggo, October 25, na gaganapin sa Winford Hotel sa Sta. Cruz, Manila.


Si Kakie ang kinuha para sa espesyal na production number para kay Mega, na napili ng PMPC para sa Nora Aunor’s Ulirang Artista Award dahil sa kontribusyon nito at naging impact sa Philippine cinema.


Aawitin ni Kakie ang Mr. DJ, na naging hudyat sa pagsisimula ng career ni Mega sa showbiz, at ang immortal song na Bituing Walang Ningning.


Bukod kay Kakie, ang iba pang performers sa nalalapit na 42nd Star Awards for Movies ay sina Morissette, Bobot Mortiz at Tirso Cruz.


The 42nd Star Awards for Movies will be hosted by Beauty Gonzalez, Jameson Blake, Emma Tiglao and Tony Labrusca.

Ito ay ipinrodyus ng EV Productions and Events.





Manager, kahit bumitaw na sa misis ni Vincent Co… SHIRLEY, ‘DI HINARANG SI ANDREA NA MAKASAMA NI BEA BILANG CO-ENDORSER



Bonggacious ang product endorsement collaboration nina Bea Alonzo at Andrea Brillantes ng isang local brand ng bag.


Dati na silang nagkasama bilang endorsers ng isang online gaming platform. At that time, parehong si Shirley Kuan (SK) ang kanilang manager.


Pero this time, umalis na si Shirley kay Bea at mayroon nang bagong manager ang aktres. Si Andrea naman ay nananatili pa ring talent ni Shirley.


Gayunpaman, hindi nadiskaril ang pagsasama nila sa isang bagong endorsement. Hindi naapektuhan ang pagko-collab nina Bea at Andrea kahit magkaiba na sila ng manager.

Wala namang problema kay SK kung sino ang makatrabaho ng artists niya, as long as wala itong problema sa makakasama sa proyekto.


Shirley is always after the welfare ng artists niya at isinasantabi ang anumang personal feelings niya sa ibang artista.

One thing more, naunang nakilala at naging kaibigan ni Shirley ang may-ari ng bag na ineendorso nina Bea at Andrea kaysa sa misis ni Vincent Co.


Well, lumabas na sa Instagram (IG) ang poster nina Bea at Andrea, pati na ang bag na ineendorso nila.


Tanggap na tanggap ng mga consumers ang tandem ng dalawang female icons. At ngayon pa lang ay excited na silang bumili ng mga bags.


Sey ng mga netizens…

“I like the last bag, the color and style, and I like #Blythe too.”

“Gusto ko ‘yung pink na bag ni Blythe sa 1st slide.”

“Much-needed nostalgia!!!”

“Andrea Brillantes - new face.”


Samantala, on behalf of her other artist na si Hilda Koronel, na nakabase na sa US, si Shirley ang tumanggap ng Lifetime Achievement Award ng veteran actress mula sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) kamakailan.


May ipinadalang short video si Hilda para ihatid ang kanyang mensahe ng pasasalamat.

Deserve!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page