top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | June 7, 2022



Naka-off pa rin ang comment box ni Sheryl Cruz, kaya walang makapagtanong kung bakit ngayon lang niya inilabas ang photos ng mom niyang si Rosemarie Sonora at husband nito na stepdad ni Sheryl na “Dad” ang kanyang tawag.


Binati ni Sheryl sa kanyang 80th birthday ang stepdad niyang si David, kaya siya nag-post ng photos nito with her mom at ngayon lang nakita ang husband ni Rosemarie.


Kasundo ni Sheryl ang stepdad niya dahil hindi siya magpapakuha ng litrato na kasama ito kung hindi sila magkasundo. Saka, naka-smile si Sheryl sa lahat ng photos nila at higit sa lahat, hindi niya ito tatawaging "Dad" kung ayaw niya rito.


Panay pala ang post ni Sheryl ng old photos ng kanyang pamilya, kabilang ang exchange of notes nila ng the late Susan Roces na nagpapasalamat sa platter of appetizers na Christmas gift ni Sheryl kay Susan.


‘Yung photo nina Susan at Rosemarie na may hashtag na #BloodSisters, kung open lang ang comment box ni Sheryl, siguradong marami ang magre-react. Malamang din ma-bash siya dahil iisipin na may gusto siyang tukuyin.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page