ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 27, 2024

Isinilang na ni Dianne Medina ang second baby nila ng mister na si Rodjun Cruz, si Maria Isabella Elizabeth Medina Ilustre.
Sa kanyang Instagram (IG) post ay ipinakilala ni Rodjun sa publiko si Isabella na isinilang noong July 23, 2024.
“(July 23, 2024 ) 11:23am Welcome to the World Maria Isabella Elizabeth. I Love you so much my Daughter @isabella_ilustre ! I will hold your hand Forever, Protect & guide you every step of the way! (in love and praying emoji) #AnsweredPrayer Thank you Lord! #MyPrincess #MariaIsabellaElizabeth #BabyIsabellaILustre,” ang unang post ng aktor.
Kasunod nito ay nag-post siya ng reel kung saan ay makikitang dumalaw sa ospital ang panganay nilang anak na si Joaquin para makita ang baby sister.
“Kuya @joaquin_ilustre meets his little sister @isabella_ilustre for the first time! (100 percent emoji),” caption ni Rodjun (as is).
Makikita naman sa isa pang larawan na karga-karga niya ang baby at aniya sa caption, “Ang sungit ng Prinsesa @isabella_ilustre ko hehe! Ang bagong Boss ng pamilya! (heart emoji).”
Sa huling post naman ay pinuri at sinaluduhan ni Rodjun ang tapang ng kanyang misis sa dinanas nitong hirap, para lang maisilang ang kanilang bunsong anak.
“17 years na tayo today simula nung sinagot mo ako wife @dianne_medina. The best na regalo ang binigay sa ‘tın ni Lord ngayon. Grabe! Ang ating second baby. Our princess @isabella_ilustre .
“So proud of you, wife! ang tapang mo . Sa Nasaksihan ko kanina mas lalo pang tumindi ang pagmamahal ko sayo, saludo ako sayo! I love you so much,” mensahe ng aktor sa misis.
Ipinost din ni Dianne ang larawan ng kanilang bagong anghel at sa caption ay inisa-isa niya ang mga pinagdaanang sakit habang ipinagbubuntis si Isabella.
“My Answered Prayer (heart emoji). My Baby Maria Isabella Elizabeth Medina Ilustre @isabella_ilustre (in love emoji).
“Thank you Lord for everything! I had the following during my pregnancy:
• Gestational Hypertension • Gestational Diabetes • Cardiac Arrhythmia
• Polyhydramnios,” pagbabahagi ni Dianne.
Kaya naman abut-abot ang pasasalamat niya na wala raw kumplikasyon si Baby Isabella.
“Thank you, Lord. No complications or anything! All Glory and Honor is yours Almighty Father (praying emoji). Thank you for answering my prayers! salamat din po sa mga nagdasal!
“Thank you to my super bait, maalaga and magagaling na doctors (praying emoji). Thank you, Lord,” aniya.

