ni Nitz Miralles - @Bida | January 23, 2022

Naaaliw kaming basahin ang pakikipagbardagulan ni Nadine Lustre sa mga fans nila ni James Reid at may hashtag pa siyang #BARDAGULANsatwitter2022 na nag-trending.
Nag-ugat ang bardagulan sa Twitter dahil sa dragon tattoo ni Nadine sa right shoulder niya hanggang sa right elbow niya.
May former JaDine fan na nag-comment na dream tattoo ni James ang dragon, pero si Nadine ang nagpa-tattoo at ibig sabihin daw nito, ayon sa JaDine fan, hindi pa rin maka-move on si Nadine.
“Anino pa rin? Rebound lang 'yung present? Hahaha! Parang career mo lang, 'di umusad. Laos feeling Western dzai.”
Sumagot si Nadine ng “'Di namin alam ang ipinaglalaban n'yo” at “Nice to know that after all this time... I'm still living rent free in your heads.”
Sumagot ang isa pang fan ng “Cause no matter how you deny it, your ex is still living rent free in your head.”
Hindi ‘yun pinalampas ni Nadine at sumagot uli ng “Wala talagang wow factor mga banat mo. Naka-move on na kaming lahat. Mag-move on ka na din, sis.”
May sinagot pa si Nadine dahil tinawag siyang ul*l at sabi nito, “Tinawag pa akong ul*l. Siya nga 'tong ul*l na ul*l sa akin” at “Mas bored ka, sis. Ngayon lang ako online. Balita ko, lagi mo daw akong bina-bash.”
Sabi sa inyo, kung nakapag-move on na sina Nadine at James sa kanilang naging relasyon, may JaDine fans na hindi pa rin nakakapag-move on at si Nadine ang kanilang inaaway.
Dahil ito sa boyfriend ngayon ni Nadine na si Christophe Bariou na hindi pa rin matanggap ng ilang JaDine fans.
Paano ‘yan, pati sa ibang relatives ni Nadine, kinilala na si Christophe at tila lahat ng bagay, magkasama sila. Pati sa dirt bike training class, sabay sila at tiyak na marami pa silang gagawin together.

