top of page
WINNER - MOCHA, NAGSALITA NA SA KALAT NANG NABUNTIS NI SEN. ROBIN-IG _mochauson & _robinpa
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | September 8, 2026



BULGARY - MIKA, TUMAAS ANG STANDARD SA LALAKI DAHIL KAY BARBIE-IG _mikslmnc & _barbaraforteza

Photo: IG _mikslmnc & _barbaraforteza



Napag-usapan ng dalawang aktres ng Saving Cherry (SC) na sina Barbie Forteza at Mika Salamanca ang standards sa pag-ibig nang maging guest sila sa The Bare It All podcast ni Dani Barretto, kung saan nagbigay ng matapang na hirit si Barbie sa mga lalaking hindi marunong mag-effort sa relasyon.


Ayon naman kay Mika, malaki ang naging impluwensiya ni Barbie sa kanyang pananaw tungkol sa pag-ibig dahil sa pagiging maalalahanin nito sa kanilang mga kaibigan at katrabaho.


“Kasi imagine mo, sa taping po, si Ate Barbie, isang beses lang namin sinabi sa kanya kung ano ‘yung favorite drink namin sa pag-o-order namin ng coffee, pero alam n’ya. Every time na nagte-taping kami, mayroon kaming naka-ready na mga coffee and drinks,” pagbabahagi ni Mika.


Dahil dito, napaisip si Mika kung bakit kailangan nilang mag-settle for less sa isang romantikong relasyon kung kaya naman ng kanilang mga kaibigan na ipakita ang ganitong uri ng pag-aalaga.


Aniya pa, “So sabi namin, kung kaibigan namin si Ate Barbie, na kayang gawin ‘yun, kung kaya naming gawin ‘yun sa isa’t isa, bakit kami magse-settle for less?”


Pinuri naman ni Dani ang pananaw ni Mika at sinabi niyang malaking bahagi ng pagmamahal at suporta ng isang tao ay maaaring manggaling sa isang kaibigan.

“Alam mo, ang ganda,” pakli ni Dani.


Dagdag pa niya, “Actually, most of the time, naibibigay naman talaga ng friends mo lahat ng kailangan mong love. It’s just s’yempre, iba naman ‘yung kasama mo hanggang pagtanda.”

Sey naman ni Barbie, “Actually, ang issue nga namin kasi, parang napakahirap kahit ‘yung bare minimum, ‘teh. Hirap na hirap kayo. Si Matt Damon nga, 20 years ‘di nakauwi. Went to

war. Kayo, bare minimum, ‘di n’yo kaya.”


Samantala, nagbigay din si Mika ng praktikal na payo sa mga lalaking gustong manligaw. Ayon sa kanya, maaaring matuto ang isang lalaki sa paraan ng pag-aalaga ng mga kaibigan ng babaeng nililigawan niya upang malaman kung anong uri ng effort at pakikitungo ang pinahahalagahan nito.


Sa kanilang pag-uusap, naging malinaw na hindi lamang malalaking romantic gestures ang nakaaapekto sa standards ng isang tao sa relasyon. Maging ang simpleng pag-aalala at pagiging maalalahanin sa araw-araw ay maaari ring maging mahalagang batayan.





ANNE, LIZ, GEORGINA, ISABELLE AT SOLENN, KINUWESTIYON SA PAGIGING INFLUENCER



NAGTATALO ang mga netizens kung sino ang mas maimpluwensiya kina Anne Curtis, Georgina Wilson at Isabelle Daza.


Sa isang post sa Threads (@), nagbigay ng kani-kanilang kuru-kuro ang mga netizens matapos magkomento ang isang mapagmasid na user tungkol sa tinatawag na ‘It Girls’.


Pansin daw niya, “Being on 2 magazine covers, 1 billboard and Belo endorsement means you were visible but it doesn’t automatically mean you influenced the masses. What fashion trend did Georgina Wilson or Isabelle Daza actually start that Filipino women followed? What exactly was their lasting cultural impact? 


“Especially back then, before social media made celebrities accessible to everyone. Calling someone an ‘It Girl’ is one thing. Calling them an influential cultural icon is a much bigger claim.”


Ayon sa nagkomento, hindi sapat ang pagiging visible sa mga magazine covers, billboard at endorsements para masabing malaki na ang naging impluwensiya sa masa.


Ibang usapan naman daw pagdating kay Liz Uy, dahil isa itong stylist at fashion editor na talagang may naging papel sa industriya.


Sey ng isang netizen, “Mas may basehan s’yang tawaging fashion tastemaker dahil sa trabaho n’ya sa fashion industry at sa paghubog ng visual image ng mga celebrities. Pero kahit ‘yun, ‘di pa rin nangangahulugan na lahat ng celebrity na kanyang na-style ay awtomatikong mass cultural icons.”


May isang netizen namang nagkomento tungkol sa isang iconic moment ni Anne Curtis kasama ang kanyang mga kaibigan:


“An iconic #AnneCurtis (@annecurtissmith) moment deserves equally iconic co-stars—her friends, the it girls #GeorginaWilson (@ilovegeorgina), #SolennHeussaff (solenn), #IsabelleDaza (@isabelledaza), and #LizUy (@lizzzuy).”


May ilan namang hindi sang-ayon sa patuloy na pag-feature sa naturang grupo.

Ayon sa isang commenter, “I’m tired of them. Lahat na lang, mukha nila.


Nakakasuka. Imagine sa billboards sila pa rin, sa endorsements ng coffee, banks, etc. It’s totally ridiculous talaga and I feel like they’re being overused to the point that no one wants them to appear in any endorsements anymore.


“This is why I can never really buy into the image of Anne Curtis—the fact that she stays friends with this circle. Problematic bawat isa, maybe except Solenn.”

Sumagot naman ang author ng post, “I can buy you, your friends and this club!” Hahaha! Ang taray ni Anne Curtis.”


May isa pang netizen na nagbahagi ng kanyang opinyon tungkol sa aktres-host.

Sey nito, “‘Di rin ako fan ni Anne. ‘Yung sobrang pasosyal sounding (like ‘yang vid na ‘yan and ‘yung tomato rin) masyado. Pa-alta effect na para bang affluent from the start. Of course, okey lang if not, but the way she talks kasi, ang layo kay Jasmine and I think, nauna pa nga si Anne here. Their mom din, super-simple and totoo lang. And ang tagal mo na sa Pilipinas, parang hirap pa rin mag-Tagalog or ‘di alam ‘yung ibang Tagalog words na very common. Ewan, also I agree na paano naging ‘It Girl’ si Liz Uy?”


Sa tingin ng nagkomento, mas makatuwirang sabihin na naging bahagi sina Anne, Georgina at Isabelle ng isang partikular na era ng Philippine celebrity at fashion culture. Nakatulong sila sa paghubog ng image ng isang aspirational, fashionable, socially connected at media-visible na uri ng celebrity.


Pero kung sasabihing cultural icons sila na malaki ang naging impluwensiya sa masa, dapat ay may maipakitang higit pa sila sa mga magazine covers, billboards, endorsements at pagiging fashionable, tulad ng isang trend na talagang kumalat at ginaya ng ordinaryong Pilipino o isang pagbabago sa paraan ng mga tao sa fashion at celebrity culture.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page