top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA
Search

ni Julie Bonifacio - @Winner | August 14, 2022


Apat na bago at original na pelikula agad ang ibinungad ng bagong streaming app na AQ Prime sa pormal na pagbubukas nila sa publiko last Monday, August 8 — tatlong sexy-drama ang tema at isang horror film.


Sa ginanap na media launch ng AQ Prime streaming app, dumating ang mga artista at director ng apat na pelikula — Bingwit, Adonis X, La Traidora at Huling Lamay.


Present ang top executives ng AQ Prime na sina Atty. Honey Quino at Atty. Aldwin Alegre plus ang kanilang Korean partners with RS Francisco as Creative Business Partner.


Habang isa naman ang socialite na si Tessa Prieto sa mga nag-host sa event.


Ayon kay Atty. Honey Quino (COO ng AQ Prime), naniniwala siya na malaki ang market ng mga streaming app.


“During pandemic and even after pandemic, ang mga tao, hindi masyadong lumalabas para makaiwas sa sakit and everybody naman has a cellphone na, kaya parang at the comfort sa bahay ninyo, puwede kang makapanood ng mga favorite mong films. So, we feel na this is the right time talaga na magkaroon ng online streaming,” pahayag ni Atty. Honey.


Incidentally, nanumpa kamakailan lang si Atty. Honey bilang bagong Deputy Administrator of Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) of Department of Migrant Workers.


Nilinaw din ng AQ Prime na kahit may sarili silang mga artista, pinapayagan din nilang lumabas ang mga ito sa ibang streaming app.


"We welcome all online works for everyone. We have homegrown talents and we also have co-managed talents and there are also talents that we will get on a per project basis. So, we’re very, very open naman. You know, in this day and age, we welcome all kinds of collaboration.


So, AQ Prime is open to collaborate with anyone or kung sinuman ang gustong makipag-collaborate with us,” esplika ni RS.


Isa sa mga naghayag ng kanyang karanasan working with AQ Prime kahit na belong siya as one of the heads ng bagong streaming app din na Juanetworx ay ang director ng Huling Lamay na si Direk Joven Tan.


“Actually, dahil may ginagawa rin ako sa ibang streaming app, nagpaalam naman ako sa kanila. Nagpaalam ako kay Atty. Aldwin (Alegre, business partner ni Atty. Quino), kay Rodel (Fernando, PR ng AQ Prime). Sabi ni Atty. Aldwin, ‘Trabaho ‘yan. Walang problema. Dapat lahat maraming trabaho.’ Doon pa lang, talagang mapupuri mo na siya. Ganoon sila kabait,” sabi ni Direk Joven.


Dagdag pa niya, “Siguro, kung hindi maayos ‘yung pagsasama namin at pagtatrabaho sa kanila, hindi ako makaka-dalawang pelikula sa kanila. Kasi after nu’ng Huling Lamay, hindi pa siya tapos, meron agad kasunod. Napakabait nila at napakapropesyonal. Diretsong kausap.”


Bida sa Huling Lamay ni Direk Joven sina Marlo Mortel, Buboy Villar, Lou Veloso, Mira Aquino, Waki Cacho at Atty. Aldwin Alegre.

Inanunsiyo naman ng AQ Prime sa kanilang Facebook page ang paggawa ng pelikula sa kanila ng National Artist for Film and Broadcast Arts at Superstar na si Nora Aunor.


Pumirma na si Nora ng kontrata with Atty. Honey, RS and Atty. Aldwin. Ligalig ang title ng unang pelikula na gagawin ni Nora para sa AQ Prime. Makakasama ng aktres sina Snooky Serna, Allen Dizon, Winwyn Marquez, Devon Seron, Shido Roxas, Yana Fuentes, Justin Reyes, Lindt Johnston at Ynigo Delen.


Ayon sa malalapit kay Nora, tumigil na sa pagyoyosi ang Superstar kaya kaya na nitong makapag-shooting uli.


Anyway, i-download lang ang #AQPrimeapp on Google Play and App Store.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page