top of page
Search

napahiya dahil sobrang excited at todo-promote pa sa bagong show, na-cancel naman

@Kabit-Kabitz | August 23, 2020



Nakakalerky ang mga patung-patong na isyu tungkol sa malawakang korupsiyon sa PhilHealth at sa walang katapusang imbestigasyon hinggil dito. Pero, sumegwey muna tayo at ang pag-usapan muna ang mga hot na chika tungkol sa mga sinusuwerteng utaw ngayong linggo!


MADAM K

‘Kaloka ang big reveal ni MADAM K sa isang show na may ganap pala sa kanila ng isang sikat na telenovela actor. Kuwento pa ni ateng na gumugurang na rin,‘di raw niya keri makipag-date sa guwapong aktor kaya tinakbuhan niya ito matapos ang kanilang first date. Pa-hard to get pa, akala mo naman kagandahan! Mukhang mas bet naman niya ang aglipay na jowa. Well, kung saan ka masaya, ‘te, bahala ka!


DALDALERANG BABAITA

Once upon a time ay BFFs ang peg nina MADAM K at DALDALERANG BABAITA. Pero dahil parehong plastikada ang dalawa, nag-friendship over din sila agad-agad.

Kilala si DALDALERANG BABAITA na isang TV host at anak ng pulitiko sa pagiging taklesa at sapawera sa mga guest nito. Jirita Jackson ditey ang mga audience kaya nang iispluk ni ‘te girl na magkakaroon ito ng TV show sa isang network ay mukhang siya lang ang excited!

Hopia siya dahil matutuloy na raw ang kanyang bagong show pero sa ‘di knows na dahilan ay nagpasya ang management na ‘wag na munang ituloy ito. In short, lotlot de leon na naman ang inaasahang comeback niya sa showbiz. Better luck next time nalang siguro, mamsh!


FELIPE SALVACION

Bukod sa isang taklesang TV host ay knows din ng madlang pipol si DALDALERANG BABAITA sa pagiging mahilig sa lalaki. Kaya hindi nakalagpas sa kamandag niya si FELIPE SALVACION. Nagkaroon pa sila ng junakis pero hindi na rin nagtagal ang kanilang relasyon.

Sikat na action star noon si koya n’yo pero nasangkot ito sa kung anu-anong iskandalo na may kinalaman sa pera at nakasuhan pa ng estafa. Kashokot naman ang ganitong mga utaw. Juskoday!


NADINE MONTECRISTO

Feeling Good Samaritan naman si NADINE MONTECRISTO matapos magpa-fund raising para maipagamot ang kasamahan sa showbiz. At isa si FELIPE SALVACION sa mga nilapitan nito. Bumuo pa ng grupo ang dating aktres kasama ang ibang celebrities upang makapag-ipon ng pondo para sa pagpapagamot ng kanilang friendship.

Pero shock ang netizens matapos ang isang buwan ay bigla nag-post ang mga ito na stop na raw sila sa pagtulong sa kaibigan. Pasaway daw ang kanilang friendship. Nalerky ang netizens dahil kaysa intindihin nalang ang kalagayan ng kanilang kaibigan ay iniwanan pa ito. Kaya ang tanong ng marami, baka for publicity lang ang ginawa ng grupo. Ganern?


MR. BAD BOY

Isa rin sa mga friendship ni NADINE MONTECRISTO sa showbiz ay si MR. BAD BOY. Kilalang playboy ang action star dahil sa daming ng babaitang na-link sa kanya.

Mukhang behave na ito ngayon kasama ang kanyang misis at dalawa nilang junakis. Kilala rin siyang supporter ni Mr. President, na tulad sa kanyang mga pelikula ay mukhang handa itong makipagpatayan para sa kanilang idolo. Madalas naiipit ito sa talakan sa isang dating mambabatas, tinalo pa nito ang mga chismosang kapitbahay kung magbangayan.

Hinamon nito ang ex-solon na makipaglaban sa mga Intsik. Jusko naman kasi patola din ‘tong dalawang ‘to sa lahat ng isyu. Makinig ka nalang kaya sa pamangkin mo at shut up ka nalang ano?


MAGDALONG TRIBO

Ang ex-mambabatas na palaging kaaway ni MR. BAD BOY ay walang iba kung hindi si MAGDALONG TRIBO. Marami nang nakaaway ng ex-mambabatas dahil wala rin preno ang bibig nito.

Oportunista ang dating mambabatas na ito at tila kumakapit lang sa isang tao hanggang makuha nito ang kailangan nito. User-friendly, kyah? Kaya pala mukhang waley itong kasundo sa mga kasamahan nito. Mukhang nagbabalak din itong bumalik sa pagiging mambabatas pero mukhang hindi happy ang mga kasamahan nito na makita siyang muli. Kyah, magbago ka na!


BABAENG NICELY

Isa sa mga naging biktima ni MAGDALONG TRIBO ay ang pamilya ni BABAENG NICELY. Nagpapaplano noong tumakbo bilang pangulo ang pudra ni ate ghorl nang sinimulan nila ang never-ending na imbestigasyon sa Senado. Tulad ng lahat ng imbestigasyon ay wala ring pinuntahan ang pag-iimbestiga ng mga ito.

Pero dahil sa busilak na puso ng mambabatas ay nakuha nitong patawarin ang mga nanira sa kanilang pamilya. Palagi man laman ng mga bashing sa social media, hindi siya matitinag sa kabaitan at smile pa rin. In fairness, hindi nahawa ang kulay ng balat nito sa kanyang heart. Go, ate ghorl!


DENGGOY ESTRELLA

Isa sa mga malalapit na kaibigan ni BABAENG NICELY ay ang kasamahan nito at dating mambabatas na si DENGGOY ESTRELLA. Mukhang never say die ang peg nito at ng kanyang pamilya pagdating sa pulitika. Matapos makulong not once but twice ay nagpasya itong subukan ulit bumalik sa puwesto.

Nakakaloka mukhang walang hiya na talaga si kyah. Na-lotlot ito noong huling eleksiyon dahil sa public bangayan nito ng kanyang kapatid. Pero mukhang wit siyang aawat at gustong bawiin ang paghahari sa siyudad na matagal nang hinawakan ng kanilang pamilya. Mukhang hindi niya gets ano? Wit na kayo type ng mga utaw kaya goodbye na!


HARI NG BUDOTS

Dahil sa tagal na ng pinagsimahan mula pa ng sila ay maging artista ay talagang naging BFFs sina DENGGOY ESTRELLA at HARI NG BUDOTS. Sa sobrang pagkakaibigan ng dalawa ay pati sa kulungan ay nagsabay rin sila.

Pero ano kaya ang sey ni BFF ngayon na balitang positibo sa COVID-19 si HARI NG BUDOTS? Napabalitang mukhang lumala ang sakit nito na kinailangan na itong isugod sa ospital. Mukhang hindi nakakuha ng simpatya sa mga netizens ang mambabatas at tila nagdiwang pa ang mga ito! Kahit wit n’yo type ang utaw ay ‘wag mag-iisip ng masama sa kapwa at may karma ‘yan. Bad ‘yan!


BOY PICK-UP

Isa si HARI NG BUDOTS sa mga nagbunyag ng lihim na kalokohan noong nakaraang administrasyon. Isa na rito si BOY PICK UP na isa ring dating mambabatas na iispluk ang modus nitong pagsundo sa mga pulitiko upang ihatid sa pulong kasama ang dating pangulo.

‘Nong, hindi kami informed na driver pala ang totoo mong trabaho. Umingay ang isyu nang magkabukuhan na may naganap palang bayaran para mapatalsik ang dating punong hukom. Sey nito sa interbyu ay gawain pala niya talaga ito dahil enjoy daw siya sa pagmamaneho. Dahil sa gulo sa pulitika at sa sunud-sunod na pagkalotlot sa eleksiyon ay umawat na ito. Mas bet nalang nitong mamuhay ng tahimik kasama ang kanyang misis na si MADAM K at ang kanilang mga junakis.

 
 

Mega-deny na nabuking na namigay noon ng maraming datung sa mga opisyal na kasama siya, mga tropang kakulay ng lemon, todo-rescue now!!!

@Kabit-Kabitz | August 16, 2020



Kumusta na mga beshies? Balik-MECQ na naman ang drama ng marami sa atin kaya ang daming time ng mga tao magbasa at magbantay sa mga ganap sa social media. At siyempre, hindi nakalampas ang nakakalerky na ganap sa PhilHealth!


Jusko, ‘di ko keri ang mga rebelasyon sa ginagawang hearing sa Senado. Kaya unahin na nating pag-usapan ang mga bida-bida sa kabit-kabitz ngayong linggo.


Ricky Manggagantso

Hot na hot ngayon ang namesung ng may edad ng dating sundalo at inilagay sa mabigat na posisyon sa gobyerno kung saan napakaraming datung! Ewan ko nalang kung ano’ng mukha pa ang ihaharap ni RICKY MANGGAGANTSO sa madlang pipol dahil bistado na ang kalokohan nito kasama ng kanyang mga alagad.

High blood ang lahat sa limpak-limpak na datung na ibinulsa umano nito. At itinodo pa ang kakapalan ng fez dahil nagsakit-sakitan ito! ‘Kalokah mukhang wit talaga itong kakahiyan sa katawan. Don’t worry, wait ka lang dahil darating din ang araw mo. Tse!


Madam Aktibista

Mukhang matagal na ang anomalyang nagaganap sa ahensiyang ‘to. Bago pa umupo si RICKY MANGGAGANTSO sa puwesto ay hinawakan ni MADAM AKTIBISTA ang nasabing ahensiya. At todo-tanggol ang tropang kakulay ng lemon upang itama ang mga maling chismis na lumalabas tungkol sa kanya.

Sangkot daw si madam sa maraming anomalya kung saan nagbigay daw ito na kung anu-anong bonus sa mga opisyal na kasama siya. May kasabihan nga tayo, kung may usok ay may apoy. Kaya kahit mega-deny ka pa, madam ‘kulay lemon’, sure lalabas parin ang baho mo at katotohanan. Ganern!


Mega Misis

Speaking of mega, isa sa mga tagapagtanggol ni MADAM AKTIBISTA ay ang labs nitong kulay lemon din. Ang MEGA MISIS na sa laki ng katawan, hindi maka-move on sa kanyang past.

Panay ang post at parinig nito sa kanyang socmed ng mga ganap nila ng dating mister. Nag-post ito ng mga litrato nila noong kasikatan ng kanilang tambalan, dedma lang ang dating mister at naka-blocked din sa kanyang mga socmed accounts si MEGA MISIS. ‘Te, move on na? Wala na yatang kinikilig sa mga ganap mo kundi ikaw. ‘Kaloka ka!


Asadong Ex-jowa

Tulad ni MEGA MISIS ay isa rin na mukhang hindi maka-move on si ASADONG EX-JOWA. Nag-trending ang video call na ginawa nito kasama ang kanyang ex at mukhang kilig na kilig ang mga faney nila sa gimik ng mga ito.

Lalo pang nagpadagdag sa kilig ng mga netizens ang sagutan ng dalawa sa social media. Nagagawa nga naman ng pandemya! Ha-ha-ha! Ganito na yata talaga kadesperado ang mga artista na buhayin ang kanilang career.

Napabalita noon na hindi maganda ang hiwalayan ng dalawa kaya kataka-takang may drama pa ang dalawa na ganito. Pero wa’ epek na ‘yan sa mga tulad ko! Tigilan na ang mga ganyang kalokohan, jusko!


Babaita Maganda

Dahil sa pagkakapareha nina ASADONG EX-JOWA at BABAITA MAGANDA ay nagka-develop-an ang mga bagets at naging mag-jowa. Tulad nang sabi natin ay mukhang bitter-bitter-an ang dalawa sa hiwalayang naganap.

Ang chika noon ay ipinareha ang dalawa dahil wit daw may gustong makasama si ate girl dahil saksakan ito ng kaartehan. Maganda ang bagets na namana niya sa kanyang ina pero mukhang pati ang kakatihan ay naipasa rin ni mudra kay junakis.

Maraming chika ang dumadaan sa akin tungkol sa dalaga na involved ang iba’t ibang lalaki. Ang huling balita ngayon ay meron daw itong sikretong jowa na naipakilala na sa kanyang pamilya. Dahil sa drama na nakapalibot sa kanya at sa kanyang pamilya ay pinili nalang nitong ilihim ang bagong bufra. Sinetch kaya?


Romantikong Housemate

Marami na ang kumakalat na ang bagong bufra nitong si BABAITA MAGANDA ay si ROMANTIKONG HOUSEMATE. Nagkasama ang dalawa sa pelikula na tila hindi kumita nang dahil sa kontrobersiyang nakapalibot sa dalawa. Muntik na masira ang career nang dalawa sa isyu pero mukhang matibay at ipinagpatuloy pa rin ang relasyon nang palihim. Ang chika ng kapitbahay ni ate girl ay panay daw ang dalaw ni koya sa bahay nito ng mga alanganing oras ng gabi. Akala siguro ng dalawa ay maitatago nila ang relasyon pero walang nakakalampas sa mga mata ng chismosa. ‘Di ba, ngaaaaaa?


Maginoong Singer

Nagkasama naman noon sa pelikula sina MAGINOONG SINGER at ROMANTIKONG HOUSEMATE. Parehong sumali sa reality show ang dalawa at pareho rin silang pogi. Marami man pagkakapareha, pero mukhang magkaiba ang type nito pagdating sa jowa.

Balita noon pa na paminta ang singer. Mukhang confirmed dahil sa kumakalat nitong litrato na tila nakahubad at may kayakap na lalaki. Gulat na gulat ang mga netizens na nakakita ng kanilang litrato dahil pamilyar ang itsura ng kasama nitong lalaki. Kalerky!


Marco Agusto

Matagal nang usap-usapan ang lihim na relasyon nina MAGINOONG SINGER at MARCO AGUSTO. Nawarla ang mga netizens dahil hindi sila aware na paminta rin pala ang aktor. Todo-iwas naman ang sagot nito tuwing natatanong sa relasyon nila ng kanyang ‘kaibigan’.

Meron itong anak pero malakas pa rin ang usap-usapan sa showbiz na marami itong benefactor. At ang isang malaking scoop na nasagap natin ay ang restoran na pagmamayari niya ay regalo raw sa kanya ng mayamang negosyante. Da who?


Mrs. Lumaylay Na

Ginampanan naman ni MARCO AGUSTO sa isang drama ang mister ni MRS. LUMALAY NA na nategi ilang taon na ang nakaraan. Tulad ng mga kakulay niya ay mahilig din itong umepal. Mahilig siyang magmagaling kaya maraming nabubuwisit ditey. Jusko, masyadong feeling!

Height ang ilusyon, ‘te? Lumabas pa ito sa sa TV na nagpakalosyang na itsura para kunwari ay pagod na pagod sa pagtatrabaho. ‘Yan ang tunay na epal, mamshie! Hinay-hinay lang at huwag masyadong ambisyosa. ‘Kakahiya ka! Pwe!


Goryo Honesto

Magkalaban noon sa eleksiyon sina MRS. LUMAYLAY NA at GORYO HONESTO. Nanalo man si MRS. LUMAYLAY NA ay mukhang respetado pa rin ng marami si GORYO HONESTO. Sa katunayan ay dahil sa tiwala sa kanya ang boss ay binigyan ito ng mahalagang posisyon sa kanyang gabinete.

May mga alegasyon din ng korupsiyon sa ahensiyang pinamumunuan nito pero mukhang pinili nitong manahimik at magtago. Ang pinakahuli ay ang pagbibitiw sa puwesto ng isang mataas na opisyal ng ahensiya. Kunsabagay, mukhang sanay na sanay siya sa pagtatago. Walang pinagkaiba sa dati nitong kasamahang sundalo na si RICKY MANGGAGANTSO.

 
 

Biglang nag-disappear kahit sikat na sikat, nagtago pala abroad dahil nabuntis at nanganak, balik-‘pinas pero waley na career

@Kabit-Kabitz | August 9, 2020




Mga friendship! ‘Kaloka ang mga ganap this week. Bumalik na naman tayo sa MECQ at mukhang magtatagal pa ang pakana nitong si ateng Corona. Pero kahit balik team bahay tayo ay wit naman kayo mahuhuli sa mga chika dahil nandito na ang mainit na kabit-kabitz natin this week.



Manong Pastor

Kontrobersiyal na naman ang isang opisyal dahil sa binitawan nitong mga salita tungkol sa maselang isyu. Bukod sa pagiging mambabatas at sikat na atleta, isa na ring alagad ng Diyos si MANONG PASTOR.

Kaya marami ang nawarla nang sabihin nitong wit daw sey si Lord na bawal ang death penalty.

‘Kaloka, pati ang Diyos ginamit na sa pagsipsip! Mukhang hindi na talaga siya natuto. Sabi nga nila, “Less talk, less mistake.” Juskolord!



Ricky Galdon

Mukhang hindi naman lulusot ang mga pahayag ni MANONG PASTOR sa kasamahang si RICKY GALDON. Mukhang waley itong balak na pag-usapan ang subject matter sa kanyang komite.

How malas naman ni MANONG PASTOR and his minions. Pero mukhang mas minamalas si RICKY GALDON nang lumabas sa balita na halos lahat ng staff nito ay tinamaan ni ateng Corona. Mabuti nalang ay matibay-tibay ang sikmura nito at nakaiwas sa nakakatakot na sakit. In fairness!



Mr. Take Two

Magkaiba naman ang kapalaran ni RICKY GALDON at ng isa pa nitong kasamahang si MR. TAKE TWO. Nagulantang ang kanilang hanay nang lumabas ang chikang nag-positive na naman siya sa kanyang swab test!

Napabalita noon na dinapuan ng virus ang opisyal pero gumaling naman. Pero mabuti nalang at nagpa-test ulit ito at lumabas na negative na. Sa wakas ay tuluyan na siyang nilayasan ng sakit. Mabuti nalang at kung hindi ay mukhang kakabahan ang lahat ng kasamahan nito. ‘Kalerky!



Positibong komidyante

Tulad ni MR. TAKE TWO, tinamaan din ng sakit si POSITIBONG KOMIDYANTE at nag-big reveal siya sa kanyang vlog.

Na-sighting ng mga fans nito sa kanyang vlog ang mga sintomas na kanyang naramdaman, pati na rin ang pagkuha ng test at ang kompirmasyon na dumapo sa kanya si ateng Corona.

Pero ‘kaloka naman talaga sa social media at ginawa agad siyang patay! Pero sa true ay bumubuti na raw ang pakiramdam nito at on the way to recovery. Yes naman!



Dindo Diskarte

Kasamahan ni POSITIBONG KOMIDYANTE sa home network si DINDO DISKARTE na kamakailan ay nagdiwang ng kanyang ika-40 na kaarawan.

‘Kaloka! Kahit 40 years old na si kyah, mukhang yummy pa rin! Well, sikat na artista siya pero mukhang waley talagang appeal sa masa. Matagal na itong nangangarap na sumabak sa pulitika pero wit dating.

Mabait at matulungin siya at nagtayo pa ng delivery service upang tulungan ang mga friendships nito in showbiz na nawalan ng work. Mas oks siguro kung focus nalang siya sa pagkakawang-gawa at wit naman need ang posisyon kung gusto talagang tumulong. Support kami sa’yo, go!



Antonya Towns

Noong unang panahon ay sikat na sikat ang love team nina DINDO DISKARTE at ANTONYA TOWNS. At ang tandem nila ay nauwi sa totohanan. Matagal nang usap-usapan na may sikretong junakis daw ang dalawa kaya biglang nag-disappear si ‘te girl noon. Sa gitna ng kasikatan niya ay naisipan nitong makipagsapalaran sa ibang bansa.

Ang nasagap nating chika ay sa ibang bansa raw siya nagbuntis at nanganak at nagtago na rin ng matagal na panahon hanggang sa naisipan nitong bumalik sa ‘Pinas. Depensa niya ay gusto raw nitong subukan ang buhay sa ibang bansa, pero ang iniwanan nitong namamayagpag na career at bufra noon ay waley na ngayon. Ganern? Parang hindi ko buy ang chika ni ate girl. How fishy!



Clarisse Pampagulo

Tulad ni ANTONYA TOWNS, sinubukan din ni CLARISSE PAMPAGULO ang buhay sa ibang bansa. Pero mas may narating ang career niya dahil marami itong naging concerts at TV shows appearance noon sa abroad.

Pero na-shock ang lahat nang bigla itong umamin na isa pala siyang tiboli. At hindi pa riyan nagtatapos ang kuwento dahil talagang nagpaka-mentos na siya at nagpaopera na! Pero mukhang nega ang epekto nito sa kanyang career at unti-unting nawala ang kanyang mga projects. ‘Te este kyah pala, puwede naman paka-tiboli pero ‘wag naman sobra. Over!



Ayra Sige-na

Isa pang miyembro ng LGBT community tulad ni CLARISSE PAMPAGULO ay si AYRA SIGE-NA. Kilalang malapit kay Mr. President ang singer kaya nabigyan ng posisyon sa gobyerno.

Naging kontrobersiyal ang termino nito noong pinamunuan niya ang ahensiyang kumakatawan sa kabataan. May mga chika na nilustay daw nito ang pera ng ahensiya at naniningil ng daang libo para lang sa meryenda sa kanilang meeting.

Grabe! Pero mukhang may natitira pa rin naman siyang hiya sa katawan at nagpasya nalang na magbitiw sa puwesto. Mabuti naman at baka pagdating ng panahon ay hindi nalang string ng gitara ang himasin mo. Char!



Lolita Dito

Pareho naman ng sinusuportahan sina AYRA SIGE-NA at LOLITA DITO. Dahil sa pagiging loyalist ng mag-asawa ay pareho silang binigyan ng puwesto sa gobyerno. Si LOLITA DITO ay ang namumuno sa ahensiyang may kinalaman sa mga pelikula. Mukhang marami ang hindi type ang kanyang pamumuno, kaya tsinugi ito sa komite ng isang film festival dahil gusto niya itong pamunuan.

Napuno na rin ang miyembro ng komite at nagpasyang sipain nalang ito. Akala yata niya, uubra ang pagiging chummy nila ng boss para makuha ang kanyang gusto. Better luck next time nalang ‘te!



Tiyuhin Bulaga

Mukhang hindi naman pinalampas ni TIYUHIN BULAGA ang mga galawan ni LOLITA DITO. Bago naging mambabatas ay beteranong aktor at TV host ang lolo mo.

Kaya naman, nagbabala ito na ‘wag masyadong epal sa trabaho at kung hindi ay makakatikim ito nang panggigisa. Hinay-hinay lang naman kasi ‘te girl at ‘wag masyadong bwakaw.

Gayahin mo nalang si MANONG PASTOR na marunong lumugar kaya palaging andyan si TIYUHIN BULAGA to the rescue sa kapalpakan nito!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page