top of page
Search
  • BULGAR

Mataas na girlie na dating naupo sa kontrobersiyal at puno ng magnanakaw na ahensiya ng gobyerno...

Mega-deny na nabuking na namigay noon ng maraming datung sa mga opisyal na kasama siya, mga tropang kakulay ng lemon, todo-rescue now!!!

@Kabit-Kabitz | August 16, 2020



Kumusta na mga beshies? Balik-MECQ na naman ang drama ng marami sa atin kaya ang daming time ng mga tao magbasa at magbantay sa mga ganap sa social media. At siyempre, hindi nakalampas ang nakakalerky na ganap sa PhilHealth!


Jusko, ‘di ko keri ang mga rebelasyon sa ginagawang hearing sa Senado. Kaya unahin na nating pag-usapan ang mga bida-bida sa kabit-kabitz ngayong linggo.


Ricky Manggagantso

Hot na hot ngayon ang namesung ng may edad ng dating sundalo at inilagay sa mabigat na posisyon sa gobyerno kung saan napakaraming datung! Ewan ko nalang kung ano’ng mukha pa ang ihaharap ni RICKY MANGGAGANTSO sa madlang pipol dahil bistado na ang kalokohan nito kasama ng kanyang mga alagad.

High blood ang lahat sa limpak-limpak na datung na ibinulsa umano nito. At itinodo pa ang kakapalan ng fez dahil nagsakit-sakitan ito! ‘Kalokah mukhang wit talaga itong kakahiyan sa katawan. Don’t worry, wait ka lang dahil darating din ang araw mo. Tse!


Madam Aktibista

Mukhang matagal na ang anomalyang nagaganap sa ahensiyang ‘to. Bago pa umupo si RICKY MANGGAGANTSO sa puwesto ay hinawakan ni MADAM AKTIBISTA ang nasabing ahensiya. At todo-tanggol ang tropang kakulay ng lemon upang itama ang mga maling chismis na lumalabas tungkol sa kanya.

Sangkot daw si madam sa maraming anomalya kung saan nagbigay daw ito na kung anu-anong bonus sa mga opisyal na kasama siya. May kasabihan nga tayo, kung may usok ay may apoy. Kaya kahit mega-deny ka pa, madam ‘kulay lemon’, sure lalabas parin ang baho mo at katotohanan. Ganern!


Mega Misis

Speaking of mega, isa sa mga tagapagtanggol ni MADAM AKTIBISTA ay ang labs nitong kulay lemon din. Ang MEGA MISIS na sa laki ng katawan, hindi maka-move on sa kanyang past.

Panay ang post at parinig nito sa kanyang socmed ng mga ganap nila ng dating mister. Nag-post ito ng mga litrato nila noong kasikatan ng kanilang tambalan, dedma lang ang dating mister at naka-blocked din sa kanyang mga socmed accounts si MEGA MISIS. ‘Te, move on na? Wala na yatang kinikilig sa mga ganap mo kundi ikaw. ‘Kaloka ka!


Asadong Ex-jowa

Tulad ni MEGA MISIS ay isa rin na mukhang hindi maka-move on si ASADONG EX-JOWA. Nag-trending ang video call na ginawa nito kasama ang kanyang ex at mukhang kilig na kilig ang mga faney nila sa gimik ng mga ito.

Lalo pang nagpadagdag sa kilig ng mga netizens ang sagutan ng dalawa sa social media. Nagagawa nga naman ng pandemya! Ha-ha-ha! Ganito na yata talaga kadesperado ang mga artista na buhayin ang kanilang career.

Napabalita noon na hindi maganda ang hiwalayan ng dalawa kaya kataka-takang may drama pa ang dalawa na ganito. Pero wa’ epek na ‘yan sa mga tulad ko! Tigilan na ang mga ganyang kalokohan, jusko!


Babaita Maganda

Dahil sa pagkakapareha nina ASADONG EX-JOWA at BABAITA MAGANDA ay nagka-develop-an ang mga bagets at naging mag-jowa. Tulad nang sabi natin ay mukhang bitter-bitter-an ang dalawa sa hiwalayang naganap.

Ang chika noon ay ipinareha ang dalawa dahil wit daw may gustong makasama si ate girl dahil saksakan ito ng kaartehan. Maganda ang bagets na namana niya sa kanyang ina pero mukhang pati ang kakatihan ay naipasa rin ni mudra kay junakis.

Maraming chika ang dumadaan sa akin tungkol sa dalaga na involved ang iba’t ibang lalaki. Ang huling balita ngayon ay meron daw itong sikretong jowa na naipakilala na sa kanyang pamilya. Dahil sa drama na nakapalibot sa kanya at sa kanyang pamilya ay pinili nalang nitong ilihim ang bagong bufra. Sinetch kaya?


Romantikong Housemate

Marami na ang kumakalat na ang bagong bufra nitong si BABAITA MAGANDA ay si ROMANTIKONG HOUSEMATE. Nagkasama ang dalawa sa pelikula na tila hindi kumita nang dahil sa kontrobersiyang nakapalibot sa dalawa. Muntik na masira ang career nang dalawa sa isyu pero mukhang matibay at ipinagpatuloy pa rin ang relasyon nang palihim. Ang chika ng kapitbahay ni ate girl ay panay daw ang dalaw ni koya sa bahay nito ng mga alanganing oras ng gabi. Akala siguro ng dalawa ay maitatago nila ang relasyon pero walang nakakalampas sa mga mata ng chismosa. ‘Di ba, ngaaaaaa?


Maginoong Singer

Nagkasama naman noon sa pelikula sina MAGINOONG SINGER at ROMANTIKONG HOUSEMATE. Parehong sumali sa reality show ang dalawa at pareho rin silang pogi. Marami man pagkakapareha, pero mukhang magkaiba ang type nito pagdating sa jowa.

Balita noon pa na paminta ang singer. Mukhang confirmed dahil sa kumakalat nitong litrato na tila nakahubad at may kayakap na lalaki. Gulat na gulat ang mga netizens na nakakita ng kanilang litrato dahil pamilyar ang itsura ng kasama nitong lalaki. Kalerky!


Marco Agusto

Matagal nang usap-usapan ang lihim na relasyon nina MAGINOONG SINGER at MARCO AGUSTO. Nawarla ang mga netizens dahil hindi sila aware na paminta rin pala ang aktor. Todo-iwas naman ang sagot nito tuwing natatanong sa relasyon nila ng kanyang ‘kaibigan’.

Meron itong anak pero malakas pa rin ang usap-usapan sa showbiz na marami itong benefactor. At ang isang malaking scoop na nasagap natin ay ang restoran na pagmamayari niya ay regalo raw sa kanya ng mayamang negosyante. Da who?


Mrs. Lumaylay Na

Ginampanan naman ni MARCO AGUSTO sa isang drama ang mister ni MRS. LUMALAY NA na nategi ilang taon na ang nakaraan. Tulad ng mga kakulay niya ay mahilig din itong umepal. Mahilig siyang magmagaling kaya maraming nabubuwisit ditey. Jusko, masyadong feeling!

Height ang ilusyon, ‘te? Lumabas pa ito sa sa TV na nagpakalosyang na itsura para kunwari ay pagod na pagod sa pagtatrabaho. ‘Yan ang tunay na epal, mamshie! Hinay-hinay lang at huwag masyadong ambisyosa. ‘Kakahiya ka! Pwe!


Goryo Honesto

Magkalaban noon sa eleksiyon sina MRS. LUMAYLAY NA at GORYO HONESTO. Nanalo man si MRS. LUMAYLAY NA ay mukhang respetado pa rin ng marami si GORYO HONESTO. Sa katunayan ay dahil sa tiwala sa kanya ang boss ay binigyan ito ng mahalagang posisyon sa kanyang gabinete.

May mga alegasyon din ng korupsiyon sa ahensiyang pinamumunuan nito pero mukhang pinili nitong manahimik at magtago. Ang pinakahuli ay ang pagbibitiw sa puwesto ng isang mataas na opisyal ng ahensiya. Kunsabagay, mukhang sanay na sanay siya sa pagtatago. Walang pinagkaiba sa dati nitong kasamahang sundalo na si RICKY MANGGAGANTSO.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page