ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 7, 2024
Inanunsiyo ni Heart Evangelista na may inihahanda raw siyang sorpresa para sa kanyang mga fans and supporters na isang show sa GMA.
Sey ng Kapuso actress sa latest Instagram (IG) live session niya, “I do have a surprise for everybody soon on GMA. So, I’m very, very excited.”
Hindi muna idinetalye ni Heart kung ano pero kaabang-abang daw ito.
“I think it would be around October or November, so that’s something that you guys should wait for. It’s gonna be an original and I’m very, very excited. We’ve been working on production already,” aniya.
Nang may magtanong kung dadalo pa siya sa mga Fashion Week, aniya ay oo naman daw. Tinanggihan lang daw niya ang New York Fashion Week (NYFW) dahil sobrang busy niya.
“Of course, I will be going to fashion week but I didn’t go to New York because I have to split my time basically with my job here. I can’t just abandon the things that I’m doing all the time because I have a lot of work as well here,” paliwanag niya.
Naka-focus din daw siya sa Senate Spouses Foundation Inc. (SSFI), kung saan siya ang presidente since ang mister niyang si Chiz Escudero ang ating Senate President ngayon.
“So, I can’t just leave. So, I think I just have to choose my battles or else I’m gonna faint,” natatawa niyang sabi.
“And we are busy on a daily basis. We’re up at 4:30 AM the next day again, so you can imagine my schedule. It’s pretty intense so if I go to all the fashion weeks like before, I think I’m gonna die,” dagdag niya.
“So, I’m very choosy and picky a bit now with the time frame of what I need to do, so I decided to decline (the New York Fashion Week),” aniya pa.
Hirit pa ni Heart Evangelista, “Give chance to others na lang, pili-pili rin tayo ‘pag may time. Bawal tayong ma-haggard. Especially since I’m turning 40, the goal is to be healthy and fresh and happy.”
NGAYONG Sabado na, 12 PM sa Mall of Asia Arena, ang opening ceremony ng centennial season ng NCAA. Bukod sa Kapuso artists na magbibigay-kulay sa programa, tiyak na inaabangan din ng kanilang mga fans ang performances nina SB19 member Justin at P-Pop’s Female Alphas na G22.
Katuwang pa rin ang GMA Network bilang official broadcast partner, siguradong maraming inihandang sorpresa ang NCAA para sa NCAA Siglo Uno: Inspiring Legacies Opening Ceremony.
Magsisilbing hosts ng opening ceremony sina Sparkle stars Martin Javier, Lexi Gonzales, Michael Sager, at Faith da Silva. Tiyak maghahatid-saya naman sa kanyang kaabang-abang na performance si Justin habang hindi dapat palagpasin ang pag-perform ng G22 sa NCAA Season 100 theme song na Own the Future (OTF).
Matapos ang opening ceremony, mag-uumpisa agad ang bakbakan sa Men’s Basketball. Sa Game 1, magsasagupaan ang LPU Pirates at Season 99 champion na San Beda Red Lions, 2:30 PM.
Susunod naman ang Game 2 kung saan maglalaban ang Benilde Blazers at Mapua Cardinals, 5 PM.