ni MC / Gerard Arce / VA - @Sports | February 10, 2022

Nagbalik na sa Pilipinas si San-En NeoPhoenix guard Thirdy Ravena upang lumahok sa Gilas Pilipinas pool para sa nalalapit na upcoming FIBA World Cup Asian qualifiers sa huling bahagi ng buwan na ito.
Kinumpirma ni SBP executive director Butch Antonio ang balita kahapon. Isang source na malapit kay Ravena ang nagsabi na nasa bansa na ang guard noong Martes.
Makakasama niya ang national team pool sa training para makapaghanda na sa qualifiers ng FIBA na sisimulan sa Peb. 24-28 sa Araneta Coliseum.
Bahagi rin ng pool sina dating Ateneo de Manila University teammate Ange Kouame at Will Navarro, maging sina Dwight Ramos, Juan Gomez de Liano, Tzaddy Rangel, at Jaydee Tungcab. Makakasama ng team ang TNT Tropang Giga at coach si Chot Reyes. Ito ang unang paglahok ni Ravena sa FIBA event mula sa first window ng FIBA Asia Cup qualifiers noong Pebrero 2020.
Ang 25-anyos na si Ravena ay may current average na 12.7 points, 4.4 rebounds, at 2.5 assists kada laro para sa NeoPhoenix sa 2021-22 season ng B.League. Pang-11 sila sa West na may kartadang 4-27 win loss record.
"We want to keep our options open dahil we still have a few days before we’re ask to submit our line-up, so ayaw naman nating itali ang ating kamay,” pahayag ng 58-anyos na 9-time PBA champion sa PSA Forum nitong Martes, na idinagdag na malaki ang panghihinayang na hindi mapapabilang sa line up sina Carl Tamayo ng UP, Justine Baltazar ng DLSU at 3 pang Ateneo players na nais nilang makuha dahil sa 84th season ng UAAP basketball events sa Marso. “Although it’s unfortunate some of the guys na talagang hinihintay natin, I was really looking forward for having Carl and Justine, talagang nanghihinayang ako, but we have to respect that it is, what it is. Still hopefully in the next few days meron pa.”
Malugod na inamin ni Reyes na naging maganda ang simula ng pagsasanay ng mga batang miyembro ng Gilas sa kanyang sistema at rapport sa mga beteranong international players mula TNT.



