top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Gerard Arce / VA - @Sports | February 13, 2022





Nagkampeon si EJ Obiena sa Orlen Cup sa Lodz, Poland kahapon, ang kauna-unahang panalo ngayong 2022 ng kontrobersiyal na Pinoy pole-vaulter.


Nagawa ni Obiena na lundagin ang 5.81 meters upang manaig kina Thiago Braz ng Brazil at Piotr Lisek ng Poland na parehong nagtala ng 5.71 meters.


Ito ang ikatlong kompetisyon ngayong taon ni Obiena, na unang nagkaroon ng problema sa Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA), ang sport's national governing body hinggil sa umano'y unaccounted funds.


Ang 26-anyos na si Obiena, ay unang nakalundag ng 5.01m, 5.21m, at 5.41m bago nakuha ang 5.51 mark sa unang tangka. Nasundan ng 5.61m at tagumpay din sa 5.71m hanggang 5. 81m. Sumablay na siya pagdating sa 5.90 meters sa tatlong pagtatangka.


Bukod sa panalong nakuha, awtomatiko ring nakapasok sa 2022 World Championship simula Hulyo 15-24 sa Eugene, Oregon sa Estados Unidos ang No.5 World ranked matapos makuha ang qualifying standard na 5.80-meters.


Noong nakaraang taon sa parehong kompetisyon sa Orlen Cup ay nagawang wasakin ni Obiena ang national record at maglista ng panibagong personal best na 5.86-meter kaantabay ang silver medal finish sa likod ni dating two-time world champion at 2016 Rio Olympics bronze medalist Sam Kendricks ng Estados Unidos.


Ito rin ang unang podium finish ni Obiena, makaraan ang 4th place sa ISTAF Indoor sa Berlin Germany noong Peb. 5 at 8th place sa Beijer Stavhoppsgala tournament sa IFU Arena sa Upsala, Sweden sa nakaraang 2 araw. Nabigo siya riyan na malundag ang 5.81m.


May dalawa pa siyang sasabakan na kompetisyon ngayong buwan: ang Meeting Hauts-De-France sa Lievin, France sa Peb. 17 at Orlen Copernicus Cup sa Torun, Poland sa February 22.

 
 

ni VA - @Sports | February 11, 2022





Pagkalipas ng anim na taon matapos ang huling paglalaro niya sa national men's basketball team, nagbabalik sa Gilas Pilipinas si Marc Pingris.

Sa pagkakataong ito, ang manlalarong nanguna sa pagsasabuhay ng sigaw sa laban ng Gilas na "Puso!" mula noong 2013 hanggang 2016 ay nagbabalik bilang bahagi ng coaching staff ng koponan pagdating ng second window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers. Kinumpirma ni Gilas team manager at Samahang Basketbol ng Pilipinas deputy executive director Butch Antonio ang pagbalik ni Pingris mula ng huli itong naglaro sa Gilas noong 2016 Olympic Qualifying Tournament-Manila.

Mahahanay si Pingris sa Gilas coaching staff ang iba pang assistant coaches ni head coach Chot Reyes na sina Josh Reyes, Jong Uichico at Nenad Vucinic. Dahil dito, pansamantalang iiwan ni Pingris ang trabaho bilang commissioner ng Pilipinas Super League kina league president Rocky Chan, vice president Rey Alao at deputy commissioner Chelito Caro. “We are supporting Comm Ping’s decision kasi it’s for the country,” saad ni Chan.


We are 100-percent behind him!”

 
 

ni VA - @Sports | February 10, 2022





Handa ng makipag-usap ang kampo ni Olympian EJ Obiena sa Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) kung saan mamamagitan ang Philippine Sports Commission.

Sa isinagawang joint inquiry ng Senate Committee on Sports at Finance, kapwa sumang-ayon sina PATAFA chairman at Congressman Rufus Rodriguez at Obiena nang tanungin ni Senador Bong Go kung handa ba silang sumailalim sa PSC mediation process. "We agree that there will be mediation, and from that mediation which we have been wanting to really occur but unfortunately, twice na naudlot 'yung mediation because the other party did not want to. Yes, we would like to go even by tomorrow, President [Philip] Juico is willing or I am willing to go into mediation," wika ni Rodriguez.

Ngunit kapalit ng pagsang-ayon nitong makipagpulong ay hiniling ni Obiena na ibalik siya sa roster ng national team na magpapakita umano ng sinseridad ng PATAFA na makipagkasundo.


Pero ayon kay Rodriguez madedesisyunan ito pagkatapos pa ng mediation.

"As to reinstatement, of course that will be considered in the mediation. To reinstate Mr. Obiena is one of the options that will be done after the mediation. Because when the mediation is going to be held, it goes back to the [PATAFA] Board, because whatever Mr. Juico will agree to, it has to be passed by the Board,"ani Rodriguez.

Sa panig naman ni Obiena, nais sana niyang makakita ng senyales na talagang gusto ng PATAFA na makipagkasundo sa kanya. "My only take is, I believe, going into mediation, there should be a sign of reconciliation and a sign that they actually want this. In my understanding, putting me back as a national team member, I believe that, as Sen.(Francis) Tolentino said, is a sign of good faith," dagdag nito. "I'm more than willing to put this aside and move on and hopefully continue to train and compete for the Philippines in the next few years."

 
 
RECOMMENDED
bottom of page