top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Gerard Arce / VA - @Sports | March 15, 2022




Nangunguna ang mga beteranang manlalaro na sina Afril Bernardino at Janine Pontejos sa listahan ng 17-player Gilas Pilipinas Women para sa 31st Hanoi Southeast Asian Games sa Mayo 12- 23.

Ang listahan ay isinumite ni Gilas Women head coach Patrick Aquino sa Philippine Olympic Committee (POC) noong Sabado.

Kasama ng dalawa sa listahan sina Clare Castro, Chack Cabinbin, Andrea Tongco, Gemma Miranda Angel Surada, Kristine Cayabyab, Khate Castillo, Camille Clarin, Karl Ann Pingol, Katrina Guytingco, Monique del Carmen, Gabi Bade, Ella Fajardo, Monique del Carmen, Malia Bambrick at Mai-loni Henson.

Wala sa listahan si Gilas women star center na si Jack Animam dahil nagpapagaling pa ito ng kanyang injury sa tuhod na nakuha niya habang naglalaro sa koponan ng Radnicki Kragujevac sa First Women's Basketball League sa Serbia.


Handa na rin ang Gilas team sa 5-on-5 sa SEAG na dedepensa ng korona. Una si six-time PBA MVP June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, snipers Matthew Wright, Robert Bolick nt Kevin Alas. Maglalaro rin sa national team sina big men Poy Erram, Mo Tautuaa, Isaac Go, Roger Pogoy, Troy Rosario at Kib Montalbo, gayundin sina Dwight Ramos, Thirdy Ravena, Will Navarro, Lebron Lopez at ang 6-foot-7 Fil-American na si Caelum Harris mula Stewarts Creek High School sa Tennessee, US.


Nakatakda munang tapusin ng national team ang PBA Governors Cup bago magsanay at makapaghanda para sa biennial meet na ilang edisyon ng pinaghaharian ng bansa kabilang ang 2019 Manila meet kung saan nagsama-sama ang grupo ng PBA players para sa gold medal.

 
 

ni VA - @Sports | March 11, 2022



Sisimulan ng Chery Tiggo ang pagtatanggol sa kanilang titulo sa pagsagupa nila sa Cignal HD Spikers sa tampok na laro ngayon sa opening ng 2022 PVL Open Conference sa Paco Arena sa Manila.


Ganap na 6 p.m. ang pagtutuos ng Chery Tiggo Crossovers at ng Cignal HD Spikers kasunod ng pambungad na laro ng alas-3 ng hapon kung saan nakatakdang i-welcome ng Philippine Army sa kauna-unahang women's professional volleyball league ng bansa ang koponan ng F2 Logistics.

Hindi makalalaro para sa Crossovers ang kanilang ace spiker na si Jaja Santiago dahil kasalukuyan itong naglalaro sa Japan V-League. Kaya naman sasandigan nila upang pamunuan ang koponan sina Dindin Manabat at Mylene Paat na kagagaling pa lang sa paglalaro sa Volleyball Thailand League bilang imports.

Aabangan ng lahat si Paat na natatanging Filipino player na nagkamit ng individual award sa paglalaro nito sa ibang bansa. Pinarangalan siya sa pinanggalingang Thai League bilang Best Scorer.


Makakatapat naman nila sa Cignal sina Ces Molina, Jerrili Malabanan, Graze Bombita, Marist Layug, Glaudine Troncoso at PVL best middle blocker Ria Meneses.


Nakatakda namang iparada ng Champions League titlist Cargo Movers ang solido nilang core na pinangungunahan nina team captain Aby Maraño, Kianna Dy at mga bagong recruits na sina Dzi Gervacio at Shola Alvarez. Pangungunahan ang katapat nilang Lady Troopers ng mga beteranong sina Ging Balse-Pabayo at Jovelyn Gonzaga.

 
 

Pni VA / MC - @Sports | March 8, 2022




Nasungkit nina Dindin Santiago-Manabat, Mylene Paat at kanilang team Nakhonratchasima VC ang bronze medal sa Volleyball Thailand League kung saan ginapi nila ang Konkhaen Star para sa third place match, 25-18, 25-23, 21-25, 25-14 noong Linggo.


Itinanghal si Paat na top scorer ng liga at ipinagdiwang niya ito sa kanyang Instagram post at unang pinasalamatan ang Diyos, ang team at ang liga. "Napakabuti mo Panginoon."


Binati naman ng Chery Tiggo, ang club sa Premier Volleyball league nina Paat at Manabat dito sa bansa. Kasunod ng pagbibigay update ni team manager Ronwaldo Dimaculangan sa PVL website na ang dalawa ay maglalaro sa 'Pinas sa kanilang upcoming season.

Samantala, pinalawig pa ni Jaja Santiago at ng kanyang Saitama Ageo Medics squad ang kanilang winning streak sa apat nang walisin ang Kurobe Aqua Fairies, 25-14, 25-18, 25-19 noong Linggo sa Japan V.League.

Nakapaglista ang Pinay reinforcement ng 11 points, 5 attacks at 6 blocks upang ihatid ang Ageo sa 15-8 kartada. Ang kanyang teammate na si Yuka Sato ay may 9 attacks at 3 aces habang si Tisheirra Lorenne ay may eight attacks at 2 blocks.

Kabilang sa panalo nila noong Sabado kontra Victorina Himeji. Muling sasalang ang Ageo sa laro sa Miyerkules laban sa NEC Red Rockets. Kanselado naman ang laro ng FC Tokyo ni Marck Espejo at Oita Miyoshi ni Bryan Bagunas.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page