top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Gerard Arce / VA - @Sports | March 29, 2022




Uusad patungong semis hawak ang unbeaten winning streak ang Cignal HD Spikers matapos pulbusin ang Balipure Water Defenders, 3-0 sa 25-14, 25-9 at 25-14, kahapon sa simula ng quarterfinal round at muling pinapayagan na ang manonood sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa Fil-Oil Flying V sa San Juan City.

Matapos mag-reyna sa Pool A hawak ang 4-0, muling ipinamalas ng HD Spikers ang kumpletong dominasyon sa 4th ranked sa Pool B na Water Defender para sa crossover matches.

Buong tatag na inihampas ni dating San Beda Lady Spiker at national team member Frances Molina ang puwersa nang magtala ng 12 puntos, kasunod nina Roselyn Doria na may 11pts at Ria Meneses, 9 pts.

Nagpamahagi naman ng 26 excellent sets si Angelica Cayuna at 12 excellent digs si Angeli Dionela. “Sobrang nakaka-proud 'yung team kase nagbubunga na 'yung lahat ng pinaghirapan namin and good thing na kung anuman yung magandang foundation namin before, may magandang resultang nangyayari, but of course hindi kami mag-stop kase alam naming marami pa kaming dapat mai-improve,” pahayag ni HD Spikers head coach Shaq Delos Santos.

Sa kabilang dako, namuno naman para sa Purest Water Defenders si Janine Marciano na umiskor lang ng 5 puntos. Makakatunggali ng HD Spikers ang magwawagi sa quarterfinal match ng Petro Gazz at F2 Logistics sa best-of-3 semifinals.

 
 

ni VA / Delle Primo - @Sports | March 27, 2022




Naging one-sided ang unang laro sa UAAP men's basketball tournament makalipas ang dalawang taon makaraang dominahin ng Far Eastern University ang University of Santo Tomas, 76-51, sa pagbubukas kahapon ng Season 84 sa Mall of Asia Arena sa Pasay.


Nagpakitang-gilas si rookie RJ Abarrientos matapos magtala ng 14 puntos sa first half kung saan siyam dito ang itinala niya sa second quarter na tinampukan ng 4-of-6 shooting mula sa 3 point arc na nagpalobo sa naunang 22-9 bentahe nila sa 47-18 sa halftime break.


Tumapos si Abarrientos na may kabuuang 18 puntos para tanghaling best player ng laro. Umabot pa sa 30 puntos ang kalamangan ng FEU,58-28 sa kalagitnaan ng third quarter.


Nanguna sa nabigong Tigers si Joshua Fontanilla na may game high 19-puntos.

May 19-0 run ang sinimulan ni Brandrey Bienes sa apat na deretsong puntos sa 6:15 mark sa 2nd quarter habang nasayang sa Tamaraws ang pagbibida ni Daniel Celzo, MAY 58-28 sa 5:30 natitira ng ikatlong quarter.


Sinundan ni Bryan Sajonia si Abarrientos sa pangunguna sa 12 points. Samantalang, ang Nigerian student-athlete ay bumira ng 8 points.


Dumanas naman sa Tigers ang senior big man na si Dave Ando ng ankle injury sa 7:43 mark sa 2nd half ng laro samantalang di nakapaglaro ang FEU guard na si Ljay Gonzales dahil sa sprain.


Matibay ang debut game ng kakalipat na guard mula St. Clare na si Joshua Fontanilla para sa Espana school sa 19 na puntos.


Samantala, nanakmal ng bagong simula ang National University Bulldogs sa bisa ng 71-69 na pagkapanalo laban sa Adamson University Soaring Falcons.


Ang rookie na si Jake Figueroa at ang big man na si Issa Gaye ay nagbigay ng mahalagang 71-67 na kalamangan sa 50 na segundo na natitira sa laro. Nanguna si Janjan Felicilda sa balanseng opensa ng Bulldogs sa itinala nitong 14 puntos, na nagbigay naman ng unang panalo kay Jeff Napa bilang headcoach ng seniors squad.


Laro sa Martes (MOA Arena) 10 a.m. – UE vs AdU; 1 p.m. – Ateneo vs FEU 4 p.m. – NU vs DLSU; 7 p.m. – UP vs UST.

 
 

ni Gerard Arce / VA - @Sports | March 25, 2022




Ganap na winalis ng Cignal ang group stage matapos pataubin ang Black Mamba-Army, 25-20, 20-25, 25-17, 25-19,kahapon sa pagtatapos ng preliminary round ng 2022 PVL Open Conference sa Paco Arena.


Nagposte ng 12 hits, 2 blocks at isang ace si Ria Meneses para sa kabuuang 15 puntos upang pamunuan ang nasabing ika-apat na sunod na panalo ng HD Spikers.


Tumapos ding may double digit kasunod niya sina Rachel Ann Daquis na may 13 puntos, Ces Molina na may 12 puntos at Roslyn Doria na may 10 puntos.


Kabaligtaran ng Cignal, wala namang naipanalo sa kanilang apat na laro sa eliminations ang Army kung kaya sila ang maiiwan buhat sa 9-team cast sa darating na quarterfinals.

Namahagi naman ng impresibong 41 excellent sets si Maria Angelica Cayuna at 15 excellent digs si Fatima General. Tanging si Honey Royce Tubino lamang ang may malinaw at matibay na bumuhat sa Lady Troopers ng kumana ito ng 21pts (18 attack, 1 block, 2 aces).


Super happy kami kase nanalo kami sa deadpool kase sobrang hirap ng mga kalaban namin sa pool. Medyo nag-struggle lang kami in todays game kase medyo slow start and credit din sa Army kay coach Kungfu sa dati kong team na pinaghandaan din kami at credit sa teammates ko, actually hindi kami mananalo kung hindi kami nag-work together,” wika ni Daquis. “Bale itong nangyari sa amin na na-sweep naming, mAgiging motivation, maging inspiration namin the next games talga, magsisimula na yung totoong laban, mas eager kami talagang manalo and kailangan talaga hardwork eh dahil ang hirap talaga ng mga kalaban namin.”


Bilang top team sa Pool A, may insentibong twice-to-beat ang Cignal sa susunod na round kung saan makakatunggali nila ang papasok na no.4 team ng Pool B.


Nanguna sa losing cause ng Army si Royce Tubino na umiskor ng 21 puntos pero walang nakuhang sapat na suporta mula sa kanyang mga teammates.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page